Nang makalabas ito ay dali dali siyang tumakbo papuntang kama at isinubsob ang mukha sa unan at malakas na tumili. Tila ba sa pamamagitan niyon ay mababawasan ang frustration na kanyang nadarama. Pakiramdam niya ay ang hina hina niya sa harapan nito na isang halik lang nito ay kayang kaya na siya nitong patiklupin.
"Ang tanga tanga mo talaga Carissa!" Inis na sermon niya sa sarili niya.
Napatihaya siya at napatitig sa kisame, para paring nag rarambulan ang kanyang dibdib sa malakas na t***k ng kanyang dibdib. Pakiramdam niya ay nagulo ang kanyang sistema sa nangyari.
Habang nakatitig siya sa kisame ay mukha parin ng lalaki ang kanyang nakikita na tila ba ay naging regular na tao na ito sa kanyang. Balintataw.
"Baliw na ata ako!" Himutok niya na pinikit nalang ang kanyang mga mata.
Nagising siya……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.