Inis na inis si Nicholas habang nakatingin sa babaeng papalayo, masyado pa naman siyang nahumaling sa kagandahan nito. Tinanggal niya ang suot na sunglasses at pinagmasdan ang babaeng papasok sa establisiyementong patutunguhan.
Nang makapasok ito ay saka lamang siya sumunod sa babae. Hindi matanggal-tanggal sa isipan ang hinggil sa sinabi ng babaeng hindi siya bagay sa tulad nitong bata. Mas lalo pang nagngitngit ang kalooban nang maalalang ikinumpara pa ito sa ama nito.
"Babae nga naman, tulad lang sila ni Alessandra, kapag napagbibigyan nagiging abuso," aniya sa sarili.
"Good afternoon, sir, massage po ba kayo?" tanong ng receptionist.
"Yes, thank you," sagot niya.
Maya-maya ay lumapit sa kanya ang isang staff.
"Hi, sir, this way please," maarteng wika nito patungo sa VIP room.
Napangiti siya d……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.