“Anong totoo mong pangalan?” tanong ni Wommie matapos niyang hawakan ang mukha ni Aru.
“Warrius Malaque. Hindi mo alam ang buong pangalan ko?”
Agad umiling si Wommie para iparating na hindi ganoon ang ibig niyang sabihin. Ang totoo niyan ay wala rin siyang alam sa dapat niyang itanong sa boss niya na hindi lumalagpas sa boundary niya bilang empleyado.
“A-Alam ko po sir,” nauutal na sagot niya. “Pero wala naman po akong itatanong na sa inyo.” Sagot niya sabay haba ng nguso.
Itong special task na binigay sa kaniya ay napakasimple lang pero para sa kaniya ay sobrang hirap gawin. Magkakaantrapisyon pa yata siya sa kinauupuan niya.
Kumunot naman ang noo ni Aru. “Bakit wala kang gustong itanong sa akin?”
Hindi rin alam ni Wommie ang sagot sa tanong na iyon.
“Bakit hindi mo itanong kung may girlfriend b……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.