REESE' POV
Nang makita kong akmang susugurin na ni Ryu si Austin ay humarang na ako sa harapan niya at tinignan siya nang may pagsusumamo.
"Ryu, 'wag mo na siyang patulan. Mas lalo lang lalaki ang gulo kapag nag-away pa kayo dito." Nagmamakaawa kong sabi.
Ryu laugh sarcastically dahil sa sinabi ko. "Pinagtatanggol mo pa siya kaysa sa akin na bestfriend mo? 'Di ba dapat ako ang kinakampihan mo?"
Napapikit na lang ako. He didn't get my point. Ayoko lang na magkasakitan pa silang dalawa nang dahil sa akin.
"Hindi naman sa ganon pero-" Bigla namang sumabat sa usapan namin si Austin.
"Bestfriend mo ba talaga siya, Reese? Bakit parang ayaw ka niyang palapitin sa mga lalake especially sa akin? Kanina lang kasi ay napapansin ko na kung todo siya makabantay sa'yo. Dinaig pa niya ang Knight in Shining Armor na boyfriend." At tumawa pa ito ng mapang-asar.
Hindi na nakapagpigil pa si Ryu at sinuntok na nito si Austin sa mukha. Napaupo naman si Austin sa sahig at hinawakan ang nagdudugo niyang labi.
Nagpanic na ako at mangiyak-ngiyak na niyakap si Ryu na nagpipigil ng galit at tila naghahabol ng hininga.
"Huwag na 'wag kang manghihimasok sa buhay namin ni Reese! Ako, matagal na niyang kilala. Eh ikaw? Bago ka pa lang sa buhay niya kaya 'wag kang umasta na parang marami kang alam!" Sigaw niya kay Austin at tinitigan ito ng masama. Tumingin lang rin si Austin sa kanya ng masama.
Hinila na ako ni Ryu papasok sa loob ng kotse niya. Kahit umiiyak ako ay hindi niya ako pinapansin. Nakikita ko na nagpipigil pa rin siya ng galit.
Napagitla pa ako sa gulat nang hinampas niya ng malakas ang manibela ng kotse niya.
"Gago siya! Wala siyang alam sa atin. Bwisit!" Nakatiim-bagang niyang sabi.
Nanginginig kong hinawakan ang kamay ni Ryu. His face became so soft nang dahil sa ginawa ko. Kapag ginagawa ko ito ay napapakalma ko siya.
Masama talagang magalit si Ryu kaya hindi ko siya ginagalit. Maikli lang kasi ang pasensya niya kahit na minsan ay tahimik siya at walang kibo.
"Tama na, Ryu. Please calm down..." Sabi ko at nginitian siya. Napatingin naman siya sa akin at hinawakan ang mukha ko.
"I'm sorry. Hindi ko na talaga nakontrol ang sarili ko dahil sa pangungulit sa'yo ng Austin na 'yon. Sa totoo lang ay n-nag.." Hindi niya maituloy ang sasabihin niya at umiwas ito ng tingin sa akin.
"Nag-?" Nakangiti kong tanong.
Narinig ko namang napamura siya ng mahina saka ito tumingin sa akin at bumuntong-hininga.
"Fine! Nagseselos ako dahil nilalapitan ka niya. Okay na ba?" Namula akong bigla sa sinabi niya at lumayo sa kanya ng kaunti.
Ewan ko, ngayon lang ako naapektuhan ng ganito kay Ryu. Siguro dahil alam ko nang may gusto siya sa akin kaya ako naman ang nahihiya sa mga pinagsasabi niya.
Napangisi naman siya dahil sa naging reaksyon ko. "Kinilig ka, no? Uyy! Ang bestfriend ko kinikilig nang dahil sa akin." Pang-aasar niya at tinusok-tusok pa ang tagiliran ko.
Umiwas ako sa ginagawa niya at hinampas siya sa dibdib niya. "Huwag mo nga akong asarin, Ryusuke. Nakakainis ka!" Naiinis kong sabi pero hindi ko maitago ang pagngiti ko.
Parang kanina lang ay hindi sila nagsapakan ni Austin sa mood niya ngayon, ah? Ngayon ay inaasar naman niya ako. Bipolar talaga itong si Ryu.
Tumawa naman siya ng malakas. "Gusto mo na ako niyan?"
At dahil sa sinabi niya ay napahinto ako doon at hindi agad nakapagsalita.
Natahimik naman si Ryu at naging seryoso na ang mukha.
"I know I'm just only your bestfriend but why don't you try me? I can love you with all my heart, Reese."
Anong i-rereact ko? Nakakabigla naman ang mga sinasabi ni Ryu ngayon!
AILAH'S POV
Nag-aabang ako dito sa Basketball Court dahil nabalitaan ko na nandito ngayon ang aking long time crush na si Niccolo Yuzon. Kateammates siya nila Sky sa basketball.
Si Sky ang Captain ng YGA Basketball Team at si Niccolo naman ang Point Guard nila. Halos lahat ng mga kateammates nila Sky at Niccolo sa basketball ay mga gwapo at may dating kaya nga mga heartthrob na sila kung maituturing pero kay Niccolo lang talaga napako ang puso ko.
Tumayo ako ng tuwid nang makita ko si Niccolo kasama sila Sky at ang iba pa nilang mga kateammates na papalapit na sa court kung saan ako nakatayo. Mga naka uniform pa sila pero may hawak silang bola at mga sports bags. Practice yata nila ngayon.
Nakita naman ako ng isang kateammates ni Niccolo na si Raven at itinuro ako. Alam naman ng lahat na gusto ko si Niccolo pero sa tinagal-tagal ng panahon ay hindi man lang niya ako magawang pansinin.
Maganda naman ako at matalino pero bakit ayaw niya sa akin? Kaya ito ako at gumagawa ng effort para mapansin man lang niya ako. Nagbake pa ako ng cupcakes na dala ko para sa kanya kahit alam kong hindi niya 'to tatanggapin. Nagbabakasakali lang naman na tanggapin niya ang ginawa kong cupcakes para sa kanya.
"Nandito pala si Ailah, Niccolo. Batiin mo naman." Narinig ko pang sabi ni Jedus kay Niccolo saka siya lumapit sa akin.
Lumapit na rin sa pwesto ko ang ibang mga kateammates nila habang si Sky naman ay umupo na lang sa isang bench. Bagot lang akong tinignan ni Niccolo.
"Ano na namang kailangan mo?" Sabi niya na may halong bahid ng inis sa boses niya.
Napayuko ako saka iniabot sa kanya ang box na may lamang mga binake kong cupcakes. "P-para nga pala sa'yo, Niccolo." Nahihiya kong sabi.
"Tsk!" Narinig ko na lang na sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.
Tinalikuran niya lang ako at lumapit na sa pwesto ni Sky. Napailing lang ang mga kateammates niya dahil sa pagtalikod niya sa akin at nilapitan nila ako.
"Ailah naman kasi, alam mo namang kahit anong gawin mo ay hindi ka papansin niyang si Niccolo. Sayang naman ang ganda at kabaitan mo kung aasa ka pa rin sa kanya." Sabi ni Jedus at hinawakan niya ang balikat ko.
"Oo nga. Kung ako sa'yo, Ailah ay sa akin mo na lang ibaling 'yang atensyon mo." Nakangising sabi ni Carlo. Nabatukan tuloy siya ni Raven dahil sa sinabi niya.
"Aray naman, Raven! bakit mo ako binatukan?" Reklamo ni Carlo habang hinihimas ang batok niya.
Sinamaan siya ng tingin ni Raven. "Sa pagka chickboy mo ay hindi ka papatulan niyang si Ailah. May taste naman siya sa pagpili ng lalake!" At napatawa ang lahat dahil sa sinabi nito.
Natawa na rin ako. Gwapo naman si Carlo kaso nga lang ay playboy ito at maloko. Ito namang si Raven ay may pagka nerdy dahil nakasalamin pa pero hindi maipagkakaila na gwapo rin talaga siya. Lahat naman sila ay mga gwapo pero mas angat pa rin talaga si Sky sa kanila.
"Gwapo naman ako kaya may taste pa rin si Ailah kung ako ang pipiliin niya." Confident na sabi ni Carlo at nagpogi-sign pa siya.
Kunwaring nagulat pa si Jedus na tinignan si Carlo. "Gwapo? Saan banda dude? Sa paa ba?" Sabay tingin sa paanan ni Carlo.
Natawa kaming lahat doon. Alam ko naman na pinapasaya lang nila ako para hindi ako malungkot sa pang-iisnob at pambabasted na naman sa akin ni Niccolo pero nagpapasalamat pa rin ako at nandyan sila para pagaanin ang loob ako.
Minsan nga ay maipakilala ko sila kay Reese. Mga kaibigan ko na rin kasi sila at masasabi ko na mababait sila at hindi rin mga bastos hindi katulad ng ibang mga lalake diyan.
Nagsialisan na sila sa puwesto ko dahil magwawarm-up na daw sila sa practice nila maliban lang kay Jedus na nasa harapan ko ngayon.
Lumapit naman siya sa akin na parang nahihiya pa. "Ahm.. Ailah," Panimula niya.
"Ano, 'yon Jedus?" Nakangiti kong tanong.
Tinuro naman niya ang hawak kong box na may lamang cupcakes. "Pwede bang.. sa akin na lang 'yan?" Napatingin ako sa hawak ko at ngumiti ng malungkot.
Ayaw naman itong tanggapin ni Niccolo kaya ibibigay ko na lang kay Jedus.
Inabot ko sa kanya ang box ng cupcakes. "Sure."
"Wow! Thanks." Masaya niyang sabi saka nito kinuha ang box at kumuha doon ng isang cupcake. Tinikman naman niya iyon at nagthumbs up siya sa akin.
"Masarap ka pa lang magbake, Ailah. Kung ako ang binigyan mo nito malamang matutuwa ako dahil sa effort na ginawa mo para lang gawin 'to." Sabi niya at tumingin ito ng diretso sa mga mata ko.
I look away. Sana nga, sana makita ni Niccolo ang effort at halaga ko katulad ni Jedus.
"Salamat-"
"Tama na ang paglalandian. Umpisa na ng practice!" Narinig kong sigaw ni Niccolo mula sa malayo.
Naglalandian? Sinong naglalandian?
I heard Jedus chuckled. "Sige, magpapractice na kami, Ailah. Nagagalit na 'yung seloso, e. Bye!" Sabi niya at tumakbo na ito sa kabilang court kung saan nandoon na sila Niccolo bitbit pa ang box na may lamang mga cupcakes na binake ko.
Nagagalit 'yung seloso? Sino namang seloso?
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.