Revenge of a Battered Wife
By: JOEMAR P. ANCHETA (Pinagpala)
CHAPTER 19
Lumuhod ako. Kahit nahihirapan akong sumilip ay ginawa ko para lang makumpirma kung sino ang mga nagtatalik sa loob ng cubicle at nakita ko. Alam ko ang lahat ng sapatos ng aking asawa. May pares na stiletto ng babae patalikod sa sapatos ng aking asawa. Ibig sabihin, dinodog-style ng mister ko ang babaeng maaring dati pa o bago lang niyang nakilala sa party. Mabilis na pumatak ang aking mga luha. Tumayo ako. Sumandal sa pader. Napahawak ako sa aking dibdib dahil nahihirapan akong huminga. Magtutuos kami ng babaeng ito! Ngayon makikita ni Jaxon ang aking other side.
……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.