Kinabukasan ng hapon ay nakalabas na din ang mag-inang Green at Baby Hanz. At hindi inaasahan ni Green na may pa- welcome party pala ang kanilang baby sa pag-uwi nito. Kaya pala tila aligaga at hindi mapakali ang kanyang asawa habang nasa hospital sila. At hindi lang iyon, nandoon din ang mga pinsan at ilang kamag- anak ng mga Whitlock at may handaan pa saka iba't-ibang regalo. Para na ring nagbinyag ang kanilang anak dahil sa selebrasyong naganap at hindi lang iyon hindi matigil- tigil ang mga bisita nilang dumarating kahit gabi na.
"Para namang anak ng hari itong anak natin, ang daming bisita. Parang sa movie lang na kapag nanganak ang reyna eh ang daming nakaabang sa kaharian." Bulalas ni Green nang wala na silang bisita.
Napangiti naman si Hunter na tila may pagmamalak……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.