WARNING:
This story contains graphic depictions of sexuality, violence, and strong language that is appropriate for mature readers. No one under the age of eighteen is allowed.
©️All Rights Reserved 2021
HUMIHINGAL si Alexander Chase na bumagsak sa tabi ng kaniyang nobya na si Hazel. Ipinikit niya ang mga mata at sinubukang matulog.
Katatapos lang nila noon buhat sa mainit na pagniniig.
"Hon! " untag nito sa kaniya.
"Hmmm...? " paungol na tugon niya na hindi nagbukas ng mga mata.
"Naisip ko lang, wala namang masama kung ako na mismo ang maunang magbukas ng usapan tungkol sa isang bagay."
Iminulat niya ang mga mata matapos marinig ang sinabi ng nobya.
"Bagay tungkol saan? "
Tinitigan siya nito.
"Sa pagpapakasal."
Hindi siya nakapagsalita.
"Hindi pa ba sumagi sa isip mo ang pagpapakasal?" tanong nito.
"Hindi naman minamadali ang pagpapakasal. Kaylangan natin ng sapat na panahon para makapagdesisyon tungkol d'yan."
Kumunot ang noo ni Hazel.
"Hon, halos isang taon na tayong magkarelasyon at halos isang taon na din nating ginagawa ang bagay na ito," mahinahong sabi nito. Ang tinutukoy nito ay ang pagtatalik nila. "Hindi pa ba sumilid sa isip mo na pakasalan ako!?" bakas sa tinig nito ang sama ng loob.
Napabuntong-hininga siya sabay bangon at umibis sa kama. Hubo't hubad siyang humakbang patungo sa bathroom.
"Alexander Chase. . ."
Napahinto siya nang marinig ang pagtawag nito sa buo niyang pangalan at nilingon ito.
"Sabihin mo nga sa akin, isn't it possible that you've considered marrying me!? " 'Yong totoo, diretsuhin mo ako," seryoso nitong sabi habang titig na titig sa kaniya.
Pumihit siya at humarap dito ng tuwid.
"S'yempre meron," tugon niya. "Pero hindi pa sapat ang panahong—"
"Panahon?" Putol nito sa kaniya sabay bangon.
Umibis ito sa kama at hubo't hubad ding humakbang palapit sa kaniya.
"Sapat na ang panahon kung tutuusin, Alexander Chase, pero baka ako 'yong hindi pa sapat para sa'yo. Ano pa bang kulang sa akin!?" bakas talaga sa tinig nito ang labis na sama ng loob. "I'm a doctor and, like you, come from a rich family. I believe I am flawlessly attractive. Ibinibigay ko ang lahat sa'yo and I hope you appreciate it. May kulang pa ba? Sabihin mo sa akin,"
Umiling siya at hindi napigil ang makamot ng hintuturo ang dulo ng kaniyang kilay.
Hindi niya gustong nakakarinig ng ganoong drama at hindi naman talaga nito iyon ginawa maliban lang ngayon.
"Walang kulang, Hazel. Para sa akin, sapat ka na. You're simply overthinking this. I'm in love with you, iyan ang mahalaga sa ngayon. Darating din tayo sa pagpapakasal, but there's no need to rush," sabi niya sa masuyong paraan.
Stable naman na siya sa buhay. Seventy percent na yaman at ari-arian ng kaniyang namayapang ama ay minana niya base sa nakasaad sa last will nito.
Kasama sa iniwan nito sa kaniya ang International Real Estate business, Holding Firm Company at Travel Agency na pinapatakbo din nito sa Pilipinas.
Bilang nag-iisang lehitimong anak ay siya ang pinakanakikinabang sa mga businesses na ito.
Gayunpaman, ang pamamahala sa Holding Firm Company ay nananatili sa appointed CEO doon noong nabubuhay pa man ang kaniyang ama. Mapagkakatiwalaan ito at wala naman siyang dapat na ikabahala.
Ang Travel Agency, dahil sa personal purpose ay ipina-manage niya ito sa bunsong kapatid niya na si Christopher Kyle.
Sa edad na thirty-four ay kabilang na siya sa hanay ng mga batang bilyonaryo sa mundo ng business.
Ngunit sa kabila ng estado niya sa buhay ay wala pa talaga sa plano niya ang pagpapakasal. Ah hindi, hindi talaga niya nais na makasal.
Hindi nagsalita si Hazel bagkus ay nanatiling nakatitig sa kaniya.
"Sige na maliligo lang ako. Kaylangan kong matapos ang trabaho ko sa opisina nang mas maaga. I'll pick you up at night, happy Valentine's day ulit sa'yo honey... I love you...!" Dinampian niya ito ng halik sa labi bago nagpatuloy sa paglakad patungo sa bathroom na kanugnog lamang ng hotel suite kung saan sila naroroon ngayon.
PAUWI na si Cloudy noon buhat sa kaniyang trabaho.
Hindi niya ginamit ang kanyang kotse at pinili na mag-commute kanina sa pagpasok dahil umaasa siya na baka sunduin siya ng kaniyang nobyo na si Brian Bryle sa kaniyang pag-uwi pero hindi ito dumating, kaya naman napilitan siyang maglakad patungo sa sakayan upang mag-commute ulit pauwi sa bahay.
Hindi niya maiwasang mapatingin sa paligid.
Para kahit saan siya tumingin ay wala siyang ibang makita kundi bulaklak dito, bulaklak doon, tsokolate dito, tsokolate doon, sweet couples dito, sweet couples doon.
Hindi tuloy niya maiwasang malungkot. Naiisip niya si Bryle, nawawalan na naman ito ng oras sa kaniya. Kagaya nga nang araw na iyon, hindi ito nagparamdam man lang.
Hindi niya namalayan ang pagpatak ng kaniyang luha dahil sa sama ng loob para kay Bryle. Ilang beses na ba nitong ginawa iyon. Sisiputin siya kung kailan nito gusto, tatawagan siya kung kailan lang din nito gusto.
Ilang beses na nilang pinagtalunan ang tungkol sa bagay na iyan pero sa huli nauuwi lang sa wala ang galit niya lalo na kapag pinapairal nito ang pagiging sweet at sinusuhulan na siya nito ng mga kung anu-anong regalo.
Isang bagay lang naman ang palagi niya ditong sinasabi, uunawain niya ang mga ganoong isyu sa pagitan nila basta huwag lang talaga niyang malalaman na niluluko siya nito dahil pagdating sa bagay na iyon, uumbagin talaga niya ito.
Alam naman nito na may pagka-boyish siya at talaga namang hindi sa kaniya uso ang basta sampal lamang.
Ngunit balik sa sitwasyon ngayon, heto at hinahayaan siya ni Bryle na kainin ng inggit sa mga couples na dinaig pa ang nasa pulot-pukyutan sa sobrang tamis.
Kahit naman sisiga-siga siya ay babae pa din siya na nagnanais ng mga ganoong klaseng treatment ng nobyo.
Hindi talaga niya mapigil ang mapa-emote habang naglalakad.
Napahinto lamang siya sa tapat ng mamahalin at kilalang flower shop nang makita ang magagandang bungkos ng mga bulaklak doon.
Talaga namang pinapasama ng labis ang kalooban niya ng mga ganoong pagkakataon.
Napatitig siya doon sandali bago lumakad palapit sa glass panel upang mas makita ang mga magaganda at mamahaling bulaklak doon.
Napatingin siya sa braso niya nang may pumatak doon. Tumingala siya sa itaas at nakita niya ang unti-unting pagpatak ng ulan buhat sa madilim na kalangitan.
Kanina pa madilim ang langit pero akala niya ay lilipas iyon, ngunit heto at tila nakikisimpatya sa kaniya.
Unti-unting bumagsak ang ulan kaya nagmamadali siyang kinuha ang payong sa kaniyang bag at agad iyong binuksan.
Nagpatuloy siya sa paglakad nang matanaw sa kaniyang unahan ang biglang pagbukas ng glass door sa exit way ng flower shop.
Lumabas doon ang lalaking may kausap sa cellphone. Hawak nito sa isang kamay ang mamahaling bungkos ng pulang rosas.
"Mabuti naman at sinabi mo right away. I'm not going to make a fool of myself by waiting for you," narinig niyang sabi nito dahil sa taas ng boses nito.
Ibinaba nito ang cellphone at napatingala sa itaas na para bang noon lang napansin ang ulan na bahagya ng bumasa dito.
Patay-malisyang nagpatuloy siya sa paglakad.
Nang ibaba nito ang tingin ay eksaktong napatapat siya dito.
"Miss. . . " tawag nito sa kaniya kaya naman tumingin siya dito.
Iniabot nito sa kaniya ang hawak na bungkos ng bulaklak.
"Sa'yo na," marahang sabi nito.
Napatingin siya sa mga bulaklak bago tumingin dito.
Wala sa loob na iniangat niya ang kaniyang kanang kamay at kinuha ang iniaabot nito.
Agad naman itong tumalikod at walang anumang sinuong ang ulan.
"Sanda—" pinutol niya ang sasabihin at inihatid na lang ito ng tanaw habang tumatawid sa kalsada.
Nang ganap itong makatawid ay lumapit ito sa luxury car na nakaparada doon.
Sumakay ito tapos ay agad iyong pinaharurot palayo sa lugar na iyon.
Nang mawala na sa paningin niya ang sasakyan nito ay tiningnan niya ang bungkos ng mga bulaklak na hawak.
Nalalanghap niya ang halimuyak noon, sariwang sariwa at mamasa-masa pa ang bawat petals.
Hindi niya napigil ang sarili na samyuin ang mga bulaklak bago nagpatuloy sa paglakad.
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.