NANG makarating siya sa company building ay dumiretso na siya sa pagpasok pagkatapos niyang dumaan sa biometric attendance system.
Hindi na siya sinita nang guard dahil desente naman ang suot niya kahit pa nga boyish pa rin ang dating niya sa kaniyang attire.
Agad siyang binati ng lift attendant na nagbigay sa kaniya ng panyo nang makapasok siya sa elevator.
"Na-hired ka rin naman pala." Hindi nito napigil na puna sa kaniya kahit pa nga may ilan silang kasama doon.
Ngumiti siya. "Oo, pinalad," pabirong sabi niya.
Ngumiti rin ito. "Ako pala si James," pagpapakilala nito sabay lahad ng palad.
"Cloudy," maiksing wika niya saka tinanggap ang kamay nito.
"Ang ganda naman ng pangalan mo."
"Salamat."
Bumukas ang elevator at bumaba ang mga kasama nila.
"Kumustang unang araw mo sa trabaho?" tanong ni……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.