Walang nagawa si Kendra kundi ang bumalik sa trabaho dahil kung hindi ay mapupunduhan si Mrs. Fernandez ng mga gawain at malamang ay magtataka iyon kung bakit hindi niya nagawa. Mugto man ang mata ay pilit binabaling ang buong atensyon sa trabaho. Kita pa sa gilid ng mga mata ang panaka-nakang paglingon ni Angie sa kaniya.
Wala siyang ganang kumain. "You can have your break," aniya rito. Mabuti na lamang at nakibagay ito at hindi nangulit pa.
Nakitang tumayo at tinungo ang pintuhan ngunit bago nito iyon buksan ay tumingin muna ito sa kaniya. "Hindi ka ba kakain?"
Tumingin siya rito saka umiling. Akmang ibubuka ang bibig pero piniling itikom na lamang ng mahalatang wala siyang planong makipag-argumento rito.
Nang makaalis si Angie ay agad siyang napatitig sa kesame. ……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.