Nainis ako agad nang malaman kong si Xyron Turon pala ang sakay ng napakalaking galyon. Sinubukan ko ulit na makaalis mula sa pagkaka-kadena sa akin ni Oasis ngunit wala akong magawa. Masyadong matibay ang kadena!
Pinagmasdan na lang namin ni Reyna Anthuria na lapitan ni Oasis ang barko na sumulpot mula sa ilalim ng yelo.
Bumukas ang isang malaking pinto ng barko at dalawang tao ang lumabas mula doon. Lumabas si Xyron Turon na nakasuot ng kanyang Sagradong Gintong Kalasag. May hawak din siyang isang mahabang espada na nakilala ko agad. Iyon ay isang sandatang Orosman!
Yung nakuha niya mula sa akin!
Bumaba na mula sa galyon si Xyron. At kasunod niya ay isang matabang babae na matanda na rin yata. Nakasuot siya ngayon ng isang kakaibang kalasag--- isang kalasag na kulay pula na puno ng mg……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.