TAONG 1909
“LUCIO, LUCIO?” NARINIG kong boses ni Sunshine. Pagdilat ko, tumambad sa ‘kin ang maaliwalas niyang ngiti. “Antukin ka talaga,” nakangiting sabi niya at hinimas ang mukha ng lalaking nakaunan sa hita niya – oo, hindi ako ang tinatawag niya – at hindi naman talaga ‘Lucio’ ang pangalan ko. Pero ako ang lalaking ‘yon, kamukha ko siya, iba nga lang ang ayos ng buhok niya. Katulad din ni Sunshine, iba ang ayos niya, pero siya ‘yon – o baka hindi kami sila?
Nasa harap ko sila. Makaluma ang kasuotan nila at ang lugar kung nasaan kami, parang hindi na makikita pa, para akong nag-time travel sa nakaraan maraming taon na ang nakalipas? Nasa malawak na damuhan kami sa ilalim ng malaking puno ng mangga. Nakalatag ang dilaw na tela kung saan sila nakapuwesto at may bask……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.