"CALIVER RUSINI CORTESI!" mariing sambit ni Don Guerrer sa pangalan ko dahil sa pagkakahuli nito sa akin. Isang palabas na sinadya kong gawin para mabilis na lumabas sa lungga nito si Don Guerer.
Inundayan niya ako ng magkabilang suntok sa tiyan at hinataw naman ako ni Gustavo ng bakal.
Nasa tabi ni Gustavo si Venom na naghihintay lamang ng hudyat ko.
"Wala kang utang na loob, Caliver. At wala ka ring utak!" Malakas nitong idinuro ang aking sintido. "Nasaan si Fiona? Sa akin lang siya, alam mo ba iyon? Sa akin lang siya!"
Nginisihan ko si Don Guerer. "Iyan lang ba ang kaya mong gawin sa akin? Hindi na babalik pa sa iyo si Fiona at hinding-hindi mo na siya makikita. Dahil sa ginawa mo, magbabayad ka!"
Tumawa ito ng malakas at muli akong sinipa. "Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Caliver? Sino ang……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.