HINDI maibaba ni Zachary ang papel na hawak niya. Nakasulat sa last will ng papa niya ang pangalan ni Tyron Guzman, anak ni Sylvia Guzman, ang secretary noon ng kaniyang papa. Ibig sabihin noon pa man ay may relasyon na ang mga ito, hindi iyon pinansin ng binata dahil sa pag-idolo niya rito.
Sinuntok niya ang lamesa at nabasag ang salaming nakapaibabaw roon. Ipinasundo niya kay Bernard si Tyron upang makausap at wala pa ang mga ito.
Umupo siya sa swivel chair niya at pinagkrus ang mga palad. Habang nakatitig sa papel. Sa dinami-rami ng mga magiging kapatid niya ay si Tyron pa talaga, p'wede namang si Bernard na lang hindi iyon ikakasama ng loob niya. Pero ang bubwit na iyon na muntik na niyang mapatay dahil sa panggagahasa nito kay Aryanda ay siya pang kapatid ni Zachary. Tsk, pinagla……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.