Chapter Forty-five
"Kahit pa may video na tayo na katulad nito ay hindi pa rin natin pwedeng ilabas ito, Luna Magdaline. Right timing ang kailangan natin. Mapanganib ang ama ko. Kaya ko siya pero hanggat hindi natin naisasaayos ang lahat ay mapanganib pa rin." Tumango ako rito. "Isa lang ang magtri-trigger para madaliin natin ang lahat... kapag nasa panganib ka o nasa panganib ang mga Lola mo. For now ay tikom muna ang bibig. Hindi ka muna gagawa ng mga action na possible na ikapahamak mo." Tumango ako rito't yumakap. Mahigpit naman akong niyakap ng lalaki.
"Ang lala ng ama mo, Tiago. Ang sakit-sakit na gano'n talaga ang lalaking pinili ko."
"Tahan na. Hindi ka sinuwerte sa ama, doon ka sa anak." At nakuha pa niyang humirit ng gano'n. Siraulo. Umiiyak na ako pero napatawa pa rin ako nito. "Hu……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.