Katniss POV
Kumakabog and dibdib ko habang papalapit na siya sa akin, na alala ko na naman ang pinag gagawa ko sa kanya kagabi at ang nangyaring halikan naming dalawa. Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko ngayon dahil sa kahihiyan na ginawa ko.
"Mom, ang bait po pala ni tito davi, binilhan niya po ako ng laruan na gusto ko.."
Natigil lang lang ako sa pag iisip nang marinig ko ang boses ng anak ko na nasa tabi ko lang. Pilit ang ngiti ko sa anak ko, kahit kinakabahan na ako dahil ramdam ko na nasa harap ko na si mayor Davi.
"Nag thank you ka ba sa kanya anak?"
Nakangiting sabi ko sa anak ko.
"Yes mom, maraming beses na po..kasi sobrang saya ko po dahil binili niya po ang gusto kong toys.."
Nginitian ko lang ang anak ko sabay himas sa kanyang buhok.
"Sige na pumasok kana muna at magbihis.."
Tumango naman ito at pumasok na nga ito sa loob na may ngiti sa labi, ngayon ko lang ulit nakita ang anak ko na ngumiti ng ganun, parang hinaplos ang puso ko.
"Ok na ba ang pakiramdam mo?"
Nabaling na ang tingin ko kay Mayor dahil sa pag ulit ng tanong niya kanina.
"I'm sorry, ah yes ok na ang pakiramdam ko.."
Hindi ako makatingin ng deretcho sa mga mata niya, sobrang nahihiya talaga ako.
"The next time you want to drink, isama mo ako para hindi ka mapahamak.."
At dahil sa sinabi niya ay napatingin na ako sa kanya, may munting ngiti sa kanyang labi habang mataman na nakatitig sa akin.
Napabuntong hininga ako, i need to apologize.
"P-pasensiya kana sa ginawa ko kagabi.."
Bahagya akong napaduko.
"Which one katniss?"
Agad naman akong napatingin sa kanya at nagtataka.
"Ha?"
Then he chuckled, napanganga akong napatingin sa kanya, ngayon ko lang din napansin ang suot niya. Naka cotton shorts lang ito na itim at naka white plain shirt. Pero kahit ganun ay nagsusumigaw parin ang karisma niya, kahit naman siguro anong suot niya ay napaka gwapo niya paring tingnan at sa kahit anong anggulo pa nga.
Saan ba pinaglihi ang lalaking ito?
"Katniss.. your spacing out.."
Napasinghap ako na nasa mismong harapan ko na pala siya, sobrang lapit at naka duko sa akin. Bahagya pa akong napa atras dahil sa sobrang lapit niya sa akin.
"Ahm, a-ang ibig kong sabihin..yung pag hahampas ko sayo kagabi, n-na akala ko ikaw si Alfred, t-tapos nag mura pa ako.."
Mahinang sabi ko, bahagya akong nag iwas ng tingin sa kanya kasi na alala ko na naman ang halikan naming dalawa.
"S-sorry.."
Paumanhin ko dito.
"That's ok, akala ko yung halikan natin ang ihihingi mo ng pasensiya.."
"Ha!?"
Napatingin na naman ako sa kanyang mukha at may pilyong ngiti na nga sa kanyang labi, agad na umakyat ang dugo ko sa mukha.
Umisang hakbang pa siya kaya napasandal na ako sa pader, kinorder niya ang isang kamay niya sa gilid ko.
"Your too sexy when you're blushing, Katniss."
Mas lalo pa nga akong pinamulahan sa sinasabi niya ngayon, nakakahiya na masyado, napanganga pa ako. Masyado siyang vocal sa mga sinasabi niya, walang preno at walang pagdadalawang isip kapag gusto niyang sabihin.
"Lalo na sa suot mo ngayon, mas nakaka akit ka sa paningin ko.."
At dahil sa sinabi niya ay agad akong nagbaba ng tingin sa katawan ko, at ngayon ko lang na realize na naka dolphin short lang ako at sando, wala din akong suot na bra dahil nga nakasanayan ko na kapag andito lang ako sa bahay kapag walang ginagawa,bakat ang dalawang malulusog kong dibdib lalo na ang naninigas kong u***g. Pero hindi ko ito inaasahan na makikita niya ako sa ganitong itsura. s**t! mas lalo lamang akong nahihiya sa sarili ko! gusto ko na lamang lamunin ng lupa ngayon.
Agad akong lumayo sa kanya at dali daling pumasok ng bahay, nasalubong ko pa si manang.
"Manang papasukin mo muna ang bisita natin, magbibihis lang po muna ako.."
Mabilis kong tugon dito at kumaripas na ako ng takbo, nang makarating ako ng kwarto ko ay hinihingal akong napasandal na lamang sa pinto ko nang masarado ko nga ito.
Tanging t***k ng puso ko lang ang naririnig ko ngayon, hanggang ngayon nag iinit parin ang pisngi ko. Sinapo ko nga ang pisngi ko at ang init.
"Ano ba ang nangyayari sayo Katniss?!!"
Binatukan ko na nga ang sarili ko dahil kung ano- ano nalang itong nararamdaman ko kapag kaharap ko ang lalaking yun, at alam ko sa sarili ko na hindi maganda iyon. Nadadala lang siguro ako sa pang aasar niya at pag amin ng nararamdaman niya kapag nagkikita kami, ganun lang siguro yun! o di rin ba dahil namimiss ko din ang mag init ang katawan ko at gawin ang bagay na yun? sobrang tagal nadin na di ko na nagagawa iyon. Matagal na panahon na din na hindi ako nadidiligan.
Pero hindi ako dapat mag isip sa bagay na yun, kasal parin kami ni Alfred kahit ginago niya na ako, at hindi ako gagawa ng bagay na makakasira mismo sa sarili ko.
Kumilos na lamang ako, nagbihis nalang ako ng simpleng dress at nag suklay, sobrang sabog pala ng buhok ko kanina at nakita niya rin iyon. Sobra na talaga ang nakita ng lalaking yun na kahihiyan ko sa buhay, paano pa ako makakapag taray sa kanya kung kahihiyan na ang nararamdaman ko kapag kaharap siya? Ah basta bahala na.
Nang matapos na nga ako ay lumabas na ako ng kwarto at bumaba, nasa gitna palang ako ng hagdan nang marinig ko na ang tawa ng anak ko, napalunok ako. Sa matagal na panahon ngayon ko lang ulit narinig ang anak ko na tumawa ng ganito, naririnig ko rin ang munting tawa ni Mayor Davi na bago sa pandinig ko, I mean narinig ko na pero sobrang dali lang ng tawa niya hindi gaya ngayon na tumatawa talaga siya at parang aliw na aliw talaga siya.
Tuluyan na nga akong nakababa ng hagdan at nakita ko na silang dalawa na abala sa pag lalaro ng laruan na binili niya kay prince.
Lumalim ang paghinga ko ng mapag masdan ko ang aking anak na tumatawa ng totoo, hindi ko makita sa mga mata niya ang lungkot. Lalo na kanina ng salubungin ko siya galing school, maaliwalas ang kanyang mukha kanina. Di gaya ng kapag sinusundo ko siya galing school ay nakasimangot ito at malungkot ang mga mata dahil sa mga nambubully sa kanya. Hindi ko rin inaasahan ito na agad niyang makakasundo si mayor davi.
Napahawak ako sa dibdib ko at dinama ang isang emosyon, parang kinurot ang puso ko sa nakikita ko, naawa ako sa anak ko dahil sa mahabang panahon ay nangulila siya sa ama niya, nasa mahabang panahon na nagulila ang anak namin sa kanya ay buong atensyon naman ang binigay nito sa pangalawang pamilya nito doon. Para na namang piniga ang puso ko.
Ang anak ko, my poor baby, nakita niya kay mayor davi ang sandaling kalinga ng isang ama. At sobrang nasasaktan ako, sinisisi ko ang sarili ko kasi tumagal pa ng ilang taon bago ko nalaman ang lahat, tumagal pa ng ilang taon ang paghihirap ng anak ko na gusto niyang makita nag papa niya. Kung hindi dahil kay mayor Davi ay habang buhay akong lolokohin ni Alfred, habang buhay akong magiging bulag at tanga.
"Katniss, are you crying?"
Napatingala ako kay Mayor Davi na andito na pala sa harapan ko ngayon, hindi ko na napansin ang paglapit niya dahil sa anak ko lamang naka pako ang paningin ko.
Bumibigat ang paghinga ko, at patuloy na nga sa pagtulo ang luha ko sa pisngi. Naramdaman ko ang mainit na kamay ni mayor davi habang pinupunasan niya ang pisngi ko, bakas sa mukha niya ang pag a alala sa akin. At nang akma na sana akong hihikbi ay hinila niya na ako at nagtago kami sa isang sulok na hindi kami makikita ng anak ko.
Sa isang iglap naramdaman ko nalang ang mainit na yakap ni Mayor davi sa akin, kasabay nang pagbuhos ng emosyon ko at paghagulhol ko, umiyak na nga ako sa dibdib niya. Ni hindi ko na inisip ang kahihiyan ko, ang gusto ko lang ay mailabas ang sama ng loob ko.
Naramdaman ko ang paghimas niya sa likod ko, mas humigpit ang yakap niya sa akin. At binibigyan niya ng mumunting halik ang ulo ko.
"You can rely on me Katniss, i am here for you.."
Mas lalo pa ngang humigpit ang yakap ko sa kanya at mas lalong umiyak. Sa hindi maipaliwanag na dahilan nakaramdam ako ng kaginhawaan sa yakap niya.
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.