Hi everyone! I am Akira dela Cruz and it's my 17th birthday!!! It is on August 9 year 2021. Nagkaroon ng magarbong handaan sa bakuran namin na pinalalamutian ng kulay puti at itim na baloons at iba pang palamuti. Maraming dumalo sa handaan namin sapagkat sa aming barangay, kami ang may pinakamalaki at pinakamagandang bahay though hindi naman kami mayaman. Gawa lamang sa kahoy at kawayan ang aming dalawang palapag na bahay. Ang tatay ko rin ang pinakamamahal na kapitan ng aming barangay. Maliban jan, ako lang naman ang matalinong valedictorian ng aming pamilya. Nag iisa akong anak sa pamilya namin hanggang dumating ang aming bunso na ngayon ay magdadalawang buwan palamang. Siya naman si Axel Jade, ang aming prinsipe.
"Pa, di mo naman kailangan gumastos ng ganito para sa birthday ko" sabi ko habang yakap yakap ang gwapo kong ama.
Napangiti naman sina papa at mama. Sabi nila, "Regalo na namin yun sayo aming prinsesa, and alam naman namin na gustong gusto mo talaga ng malalaking handaan. Don't worry nak, si papa na bahala" sabi nito saka ako iniwan kay Ali, ang aking makeup artist for this day and also my bestfriend mula nung lumipat kami dito .
"Kakainggit ka talaga K" sabi nito sakin, K nga pala ang palayaw ko. "Super biniyayaan ng ganda, kabaitan at katalinuhan. Habang ako, nung nagpaulan ng ganyan, kagandahan lang ang nasalo ko" eka nito na tinawanan nalang namin. Palabiro at laging masayahin si Ali. Maganda at simple. Kaso nga lang tamad talaga ito mag aral.
Napaisip ako, Kagandahan, katalinuhan at kabaitan. Oo, siguro nga napakablessed ko dahil natanggap ko ang mga ito. Sa kagandahan, masasabi kong nasa lahi na namin iyon. Sa mala koreano ba naman na papa ko at mala anghel na mama ko, siguradong maganda rin ang naging resulta. Isang maputing matangkad na may balingkinitan na pangangatawan. Sabi ng iba malaporselana ang aking kutis. Wala naman akong ginagamit na ano mang pampaganda sa katawan. Kusang malinis lamang ako. Napalapit ako sa salamin at pinagmasdan ang aking hitsura. Mapulang labi, matangos na ilong, at ang misteryo sa lahat ay ang aking kulay malalim na berdeng mga mata. Kapwa kulay brown ang kina papa at mama. Saakin lamang ang naiiba. Ako man din ay nagtataka.
"tara na sa labas" sabi ni Ali. Magsisimula na kasi ang handaan.
Maya maya pa nga ay nagsimula na ang aming selebrasyon. Tila debut ang nangyari sapagkat nakatanggap ako ng 17 gifts, 17 shoes, 17 bears, 17 candles, 17 blue bills, 17 yellow bills at 17 flowers. Maraming dumalo na kamag anak, ka barangay, mga kasama ni papa na officials pati na mga pamilya nila at mga classmates at teachers ko. Medyo popular din ako sa school sapagkat ako ang SSG president ng senior high school, Miss intramural 2020, at pinaka aktibo sa mga extra curricular activities sa school.
"Bago matapos ang ating munting salo salo" sabi ni papa, mga mag gagabi narin kasi noon. "gusto ko muli kayo pa salamatan sa pagdalo sa ika 17th birthday ng aming pinakamamahal na prinsesa, Akira dela Cruz, para sa mga kamag anak namin na dumalo, sa aking kakapit bisig sa trabaho,......... (isang ugali ni papa, metikuloso ito at ayaw na ayaw niya na hindi mabanggit lahat kaya humaba ang closing speech nito.)..... Muli, maraming salamat. At anak, may munting sorpresa kami ng mama mo para saiyo. "
Kanina pa nga pala ako naghihintay ng matatanggap ko kina mama at papa, though okay lang din naman na wala dahil sobra sobra na nga ang natanggap ko ngayong araw. Lumapit sakin si papa at may inabot na maliit na box. Tumango ito na buksan ko na at laking gulat ko ng makita ang isang box ng Galaxy Z fold3 | Flip3 5g!
OH MY GOOOSHHHH! Napatili ako sa tuwa ng mabuksan ang aking brand new phone! Promise hinding hindi ko ito pababayaan. Napaiyak ako na niyakap sina mama at papa.
"hindi lang iyan ang sorpresa namin sayo. Buksan ang email mo jan anak" sabi ni mama na agad ko namang sinunod.
" From...... The Amethyst High Academy? Dear student, this is to inform you that you successfully make it to the top 100 of newly accepted enrolees in Amethyst High Academy.. Attached here are the requirements, your form 6 and....." di ko na natapos when i burst into tears. I hate it when people see me cry but this isn't the time for that.
I passed to the Amethyst High Academy!
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.