SOPHIE's POV
Natakot ako sa nangyari kanina sa launching ng Sophiedent. Ngayon lang ako naka-experienced nang tunay na putok ng baril. Parang echo ito na pauli – ulit sa aking tainga.
Yakap-yakap ako ni Mama at Papa. Makikita ang pag-aalala sa kanila. Muntikan na ako kung hindi naharangan ng emcee ang bala na para sa akin.
Base sa mga mga naririnig ko ay hinahanap pa rin ang salarin kung sino ang may gawa. Nakapalibot sa amin ang maraming security guards. Mabuti wala nang iba pa ang nadamay. Tanging ang emcee lamang ang natamaan.
Malaking pasasalamat ng magulang ko dahil ligtas ako at walang tama ng baril.
Hindi alam ni Papa kung sino ang maaaring gumawa nito sa amin. Lahat naman ay pinapakisamahan niya, ultimo mga politiko na lumalapit sa kanya. Lahat nang pwede niyang maitulong ay ibinibigay niya.
Pinahubad sa amin ang aming mga damit at ipinasuot ito sa mga kasingkatawan namin na bodyguards. Pinagsuot din sila ng bullet proof vest at cap. Ganoon din kami ng aking pamilya. Sumakay sila sa sasakyan na nasa labas ng fire exit. Ganoon din ang ibang security. Bantay ang sasakyan ng mga iba pang sasakyan. May nauuna at mayron sa huli. Napapagitnaan ang sasakyan namin pero ang totoo ay iba ang mga sakay na tao at hindi kami.
May sikretong daan dito patungo sa opisina ni Papa dito sa Mall. Dito muna kami mag-stay. Tinawagan na ang chopper ng AFP para mailipat kami sa safe na lugar. Hindi pwedeng ang chopper namin lalo na’t hindi pa natutukoy ang mastermind nang pagtatangkang pamamaril sa akin.
Maingat ang bawat kilos, lalo na at safety namin ang nakataya dito. Naghihintay lang nang tamang oras para kami ay makaalis na. Pansamantala lang naman daw ito. Hindi naman habangbuhay ay magtatago kami. Paano na ang buhay namin sa labas? Sana ay mahuli na ang salarin.
Oras na para kami ay umalis sa lugar na ito. Baka bumalik ang mga may gawa dahil nagkaroon nang enkwentro habang nasa byahe ang sasakyan na kunwari ay lulan kami. Narinig ko kanila Papa ay may mga sugatan at may nahuli mula sa kabilang kampo. Sana ay makakuha agad sila ng impormasyon para hindi kami mamuhay na laging may takot.
Dinala kami sa isang safe house. May mga kwarto at kumpleto sa mga kagamitan na kakailanganin namin sa araw-araw. Pansamantala lang naman ang pagtira namin sa lugar na ito. Kinuha din muna ang aking phone. Pinatay nila para hindi kami ma-trace. Lahat nang sinasabi nila ay sinunod namin. Ibabalik din kapag okay na ang lahat
Sa ngayon ay sasailalim kami sa isang counselling, dahil sa trauma na naranasan namin kanina. Gabi na rin at parang kaytagal na naming hindi nakakalabas. Parang ilang buwan na kaming stuck dito, kahit ang totoo ay oras pa lamang.
Sana ay matapos na ito. Malaman na kung sino ang may pakana.
Namimiss ko na si Mark, baka nag-aalala na ito sa akin. Si Mark ay kaklase ko since first year college. Kailan ko lang siya sinagot. Matagal din siyang nanligaw sa akin. Isa si Mark sa heartthrob ng school. Bukod sa player ito ng basketball ay ilang beses na rin itong naging Mr. University.
Sabi niya ay pupunta siya ng Mall kanina para suportahan ako. Hindi ko naman siya nakita at wala akong messages na natanggap mula sa kanya. Hindi ko lang alam kung may pumasok noong time na kinuha sa akin ang phone ko. Mabilis kumalat ang balita at tingin ko ay nakaabot na sa kanya ang nangyari sa akin. Nag-aalala na siguro siya ngayon. Pero hindi ko pwedeng kunin ang phone ko sa ngayon.
Hindi ako humiwalay nang tulugan sa aking magulang. Para lang akong bata na natulog sa pagitan ni Mama at Papa kahit na sabihing 21 years old na ako. Ako lang naman ang anak nila kaya baby pa rin ako kahit dalaga na akong maituturing.
“Sophie, pagnakalabas na tayo rito kailangan mo nang magkaroon ng bodyguard.” Wika ni Papa.
“Meron naman po akong bodyguard, Pa.” sagot ko kay Papa. Ilang sasakyan pa nga ang laging nakasunod sa akin kapag pumapasok ako. Nakakalat lang sila. Si Mang Troy pa rin ang driver ko. Siya ang matandang driver sa bahay. Asawa siya ni Manang Celia, ang mayordoma sa mansion.
“Ang ibig kong sabihin anak ay bodyguard na laging nakadikit sa iyo, kahit saan ka pumunta. Hindi na pwede ang bodyguard na nasa malayo lang. Paano ka mapoprotektahan kung nasa malayo siya? Kung gusto mo naman ay sa bahay ka lang 24/7, papaki-usapan ko ang school mo na home studying ka na lang.” saad ni Papa,
“Papa, ang lungkot naman po noon kung ikukulong mo lang po ako sa bahay maghapon. Gusto ko rin namang mamuhay nang normal.” Sagot ko kay Papa.
“Kung iyan ang gusto mo ay susundin mo ang sinasabi ko. Kukuha ako ng personal bodyguard mo at kasama mo sa lahat ng lugar. Kahit sa loob ng classroom mo. Wala naman siyang gagawin sa loob kundi bantayan ka o di kaya ay sa labas lang siya ng classroom.” Pangungumbinsi pa sa akin ni Papa.
“Okay na po ako sa may personal bodyguard Papa, mas ayaw kong manatili sa loob lang ng bahay.” Sagot ko kay Papa.
“Okay kung ganoon, sasabihin ko na lang kay General.” Ani Papa.
“Ano po ‘yon Pa, kasama ko po siya sa sasakyan kapag ihahatid ako ni Mang Troy at susunduin po?” tanong ko kay Papa.
“Syempre anak! Sa isang sasakyan din kayo sasakay. Personal bodyguard mo kahit saan ka pumunta ay kabuntot mo siya.”
Paano kami ni Mark? Kasama namin siya kapag pupunta kami sa condo ni Mark? Magcecelebrate kami ng monthsary ni Mark sa susunod na linggo at sinabi niya sa akin na sa condo niya kami kakain. Saka ko na lang isipin kapag nandyan na ang sinasabing personal bodyguard ko. Baka madadaan ko naman sa paki-usapan eh. Makakalusot kami ni Mark.
Tumayo si Papa at lumabas ng kwarto. Hindi pa raw siya matulog. May kakausapin daw siya sa labas.
= = = = = = = = = = = = =
AKI POV
Nasa kasarapan ako nang tulog, tumutunog ang phone ko.
“Sino ba naman itong tumatawag na ito, hatinggabi na eh saka tatawag.” Wala sa isip kong wika. Nasa vacation mode ang aking isipan kaya alam ko na walang tatawag sa akin ngayon.
Tulog na tulog si Violeta sa tabi ko. Nakanganga pa ito at humihilik. Sobrang pagod at lasing kaya naman himbing na himbing.
Lumabas ako ng kwarto at saka ko sinagot ang tawag. Pang ilang tawag na ito at hindi ko agad nasagot.
“Agent Enriquez here!” sagot ko sa kabilang linya.
“Roger that, Sir. What’s the mission?”
“Yes, sir. I acknowledge the mission. I’ll get to work immediately.” Pinatay na ang tawag sa akin.
Hindi na tuloy ang isang buwan kong bakasyon. Isang araw lang pala. Kailangan kong bumalik ng Manila at mag-report para sa bagong misyon. Ang protektahan si Sophie Paige. Parang pamilyar sa akin ang pangalan. Saan ko ba narinig o nakita ang pangalan niya? Ay siya ang babaeng tinambangan sa mall. Tama, siya nga!
Kailangan ko nang kumilos, mahaba haba rin ang babyahihin ko pabalik ng Manila.
Hindi na rin ako makakatulog. Alas kwatro na pala nang umaga.
Bumalik ako sa kwarto at ginising ko na si Violeta.
“Darling, ang sarap pa nang tulog ko eh. Mamaya na lang ulit. Pakalmahin mo muna iyang alaga mo.” sagot nito sa akin.
“Kailangan mo nang bumangon diyan! Aalis na ako. Pinapabalik na ako ng amo ko sa Manila. Walang magbabantay sa mansion nila kaya kailangan kong umalis na.” wika ko dito.
Hindi ko pwedeng iwan sa kanya itong bahay. Baka kung ano pa ang makita niya dito. Kailangan ay sabay kaming aalis na dalawa.
“Tawad, isang oras pa.” sagot nito sa akin.
“Isang oras o hind imo na ako makikita? Kapag hindi pa ako umalis ngayon dito ay baka mawalan ako ng trabaho. At hindi na ako makakabalik pa dito!” pananakot ko na sa kanya.
Agad itong tumayo.
“ito nan ga oh, nakatayo na. Tara na! Umalis na tayo. Sa bahay ko na lang itutuloy ang pagtulog ko. Pero darling, kung aalisin ka man niyan sa trabaho, pwede ka naman sa akin tumira. Doon ka na lang sa bahay para hindi na tayo maghihiwalay.” Wika nito sa akin.
“Kapag doon ako titira sa bahay mo, baka lagi ka na lang may kaaway. Hindi ko naman mapipiit na lumapit sa akin ang mga babae doon.” Pagsakay ko sa sinasabi nito.
“Oo nga, sige pumunta ka na sa amo mo, para pabalikin ka kaagad dito.” Sagot nito sa akin. Mas nauna na siyang lumabas ng bahay.
Bitbit ko lang ang aking bag at isinarado ko na ang bahay. Humalik pa muna si Violeta bago ito sumakay sa kanyang kotse. Kasunod niya ako na lumabas ng aking lupain.
Kapag umaalis ako rito ay binubuksan ko ang alarm. Para walang makapasok. May kuryente ang wire na nasa itaas ng bakod. Kaya walang makakalusot dito.
Tanghali na ako makakarating sa Manila. Bukas pa naman ako pinag-rereport pero kailangan ko lang makabalik ngayon para maka-uwi rin muna ng mansion. Bibisitahin ko lang ang aking mga magulang.
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.