Tama ang mga sinabi sa kaniya ang kaibigan, talagang hindi siya tatantanan ni Nathan. Isa isang minasdan ang bawat lalaking nakasuot lang ng sibilyan. Kailangan magawan niya ng paraan para makagalaw siya ng maayos. Ngayon ang tamang panahon para magamit niya ang itinuro ni maggie at Josh sa kaniya.
Bandang alas onse ng gabi ay bumalik siya sa kaniyang bahay, patay malisya siyang nag papark sa harapan ng gate at diretsong pumasok sa loob ng bahay. Alam niyang may tao sa loob kaya’t pagbukas niya ng pinto ay nanatili siyang nakatayo sa gilid saka siya nagsalita.
“Lumabas ka riyan, kung ano ang pakay mo sa akin ay mag usap tayo. Kung tauhan ka ni Mr. Ibanez at ipina papatay niya ako sayo ay mag isip nang mabuti. Naririto tayo sa bansang Europa. At alam mo rin na hindi ka makakalabas sa lugar n……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.