CHAPTER 44
The killer lover
Joemar Ancheta
Nang kukuha ako ng isang tangkay ay may naunang kamay na kumuha niyon sa akin. Tinignan ko kung sino ang naunang kumuha sa gusto kong kunin kaninang rose. Nanlaki ang aking mga mata. Pakiramdam ko ay bigla akong ibinitin sa ere. Ang lalaking matagal ko nang hinahanap.
Oh my God! Si Denver! Hawak niya ang white rose at iniaabot na niya sa akin.
Nakangiti.
Nakasuot ng blue sleeveless. Halatang galing sa paglalaro dahil may hawak din siyang raketa. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.
Iyon na ang simula ng pagkalito, simula ng makapigil hiningang mga pangyayari sa aking buhay. Saan ako dadalhin ng sabay na pagdating ng lalaking nakaraan ko at ang lalaking pinangarap kong makasama sa hinaharap.
……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.