The Unbeatable Superstar
By: Joemar Ancheta
Chapter 51
Nakaugalian na namin na kapag may darating kaming bisita ay nag-uunahan kaming lumabas. Madalas kasi naming mga bisita ay mga sikat na singers o kaya kilalang mga artista. Ngunit nang marating namin ang sala ay tumigil ako. Lumakas ang kabog ng aking dibdib na parang may bumara sa aking lalamunan.
Si Erin ang unang bumungad sa amin at sa likod niya ay si Bradley. Ang excitement na naramdaman ko ay napalitan ng hindi maipaliwanag na damdamin. Nakangiti si Erin sa aming lahat. Ibang Erin ang nasa harap namin ngayon, hindi ang Erin na kilala ko.
Nagkatitigan kami ni Bradley ngunit mabilis kong ibinaling sa iba ang aking paningin dahil sumisikip ang dibdib ko sa kakaibang emosyon na naramdaman ko. Y……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.