The Mortal Realm
Freewoods City, Acasia's Subdivision
It's almost sunrise and my annoyance nearly reach a risky limit in my patience. The need to stand outside of his house at dawn made me feel awfully pathetic.
"I will never forget what he said yesterday."
It rendered my sleep the whole night as his words kept echoing in my head. Kahit ang pagkadismaya sa kanyang mukha ng makita ako ay hindi ko makalimutan.
"Hand you the f*****g what? Get out of here."
I never got cursed in front of my face with so much hatred. I thought the ground would devour me as the splash of embarrassment from a lowly mortal made my whole body tremble.
Hindi niya ako binigyan ng pagkakataong makapagpaliwanag o malaman kung nasaan ang sagradong sandata. Itinaboy niya ako na para bang nandidiri siya sa aking presenya!
"Exihida," I cursed as my eyes roamed around his house.
I see no flowers but there are trim bushes on the sides and an old wooden bench next to a young pine tree. His front yard was plain and neat. The black gate that almost reached my shoulders had a sticker of a dog's face.
Beware of dogs. But I saw none, nor even heard its bark from yesterday.
"I couldn't believe how he ignored me after all the walking I did to get him!" I fumed and tried to recall his name. "Ah, it's Jared."
"Shit."
My eyes darted at the front door as I heard something from it. The annoying mortal finally showed himself. He wore a blue hooded jacket and shorts. I bet he is in for a run based on his shoes.
Dumako ang mga mata niya sa akin at napangisi ako dahil napansin ko ang pagkunot ng kanyang noo. Napabuntong hininga siya—halata ang pagkadismaya. I don't care what he think of me, but I need answers!
"If he run back to his house, my ice shards will knock on his door before he can even make it inside."
Mas lalong lumaki ang aking ngisi ng maglakad siya palabas. Hindi nagtagal ay nasa harapan ko na siya. I shook off his rude words of yesterday and approached him instead.
"Xersun dei—"
Umawang ang aking labi ng ako ay lampasan niya ng hindi man lang lumilingon. Natulala ako at hindi kaagad nakagalaw dahil sa kabastusan ng kanyang ugali.
"Indeed. Even manners itself will leave a brash guy like him."
Tinakbo ko ang lumayong distansya namin at hinawakan siya sa braso. Nagtangis ang aking panga ng iwaksi niya ang pagkakahawak ko na para bang nandidiri siya sa akin.
"The f**k is your problem?" his voice was a bit hoarse yet it was still laced with coldness.
"I will get to the point. Where is the dagger?"
Kahit nakatalukbong ng hood ang kanyang ulo ay hindi nito matatakpan ang matatalim niyang tingin sa akin. I don't want to see him too but I have no choice!
"Move," he commanded instead.
"I demand an answer mortal."
Humangin nang malakas at ang haplos ng umaga ay nakakaanyaya para matulog pa nang mahaba. Ngunit ang aking sanang pagpapahinga ay hindi ko nagawa dahil sa isang lalaki.
"Look, I don't want to deal with you right now. Leave me alone."
"Give it back then."
"Pushy girls are not really attractive."
Pinigilan ko ang mapasinghap dahil sa kanyang sinabi. He is so rude and a sore pain in the neck! I am a well respected Lady at our kingdom and yet, this low life had the guts to insult me?
I took a step forward and grabbed his left hand. "You leave me no choice."
Nawala ang aking pagtitimpi at napalitan ito ng kagustuhang makaganti sa mga maaanghang niyang salita. Binalak niyang iwaksi ang aking pagkakahawak ngunit pinagapang ko ang aking kapangyarihan upang mabalot ng yelo ang kanyang kamay.
Enough to make him quiver a little.
A smug smile formed into my lips when he froze on his spot. His eyes darted to his hands that were being engulfed by ice. It would be better if I wield the power of fire as it would traumatically scare off mortals to some extent. But my ice power will do.
I was cocky for a moment but when I arched my gaze, I got confused by the look he had. There was no hint of emotion, not even a spark of surprise. He didn't even look scared as the ice extended from his hand up to his shoulder.
"What are you?" I melt down my own powers on him.
Hindi siya sumagot na lalong nagpadagdag ng katanungan sa akin. My mind grew with suspicion as I tried to collect every little details after our encounter. He is not that interesting at all but… he might be different?
He has a werewolf friend. He saw how I fought with the drows and yet still brought me to his household. And my bad wound didn't even raise his curiosity.
"You are aware about the world of magic," I muttered.
Wala siyang kahit katiting na takot sa mga mata ng gamitan ko siya ng aking kapangyarihan. He just stood there with his cold and disgusted gaze towards me. I am from the land of winter but he managed to give me chills that are way more colder than a winter storm.
"Go away," he said in a frigid voice as he put both of his hands in his pockets.
Matapos niyang magsalita ay may bumunggong malamig na pwersa sa akin. Umihip muli ang hangin na nagpasayaw sa mga puno. The sudden sensation I was familiar with hit me like a boulder. There is this thin sound and it echoed in my head as that cognizant feeling lingered in the air. The familiar magic, the first taste of coldness on a winter solstice.
This guy is not a mere mortal.
His power slipped despite trying to stay calm. My gut feeling was never wrong. I knew what I felt in those little seconds. The need to confirm it clawed my insides as well as to know who his parent deity is.
"May I know... who your parents are?" I was hopeful as I anticipated something.
Lumipas ang ilang minuto ngunit wala pa rin siyang naging sagot. Hindi nagtagal ay may dumaang emosyon sa kanyang mga mata.
Fury and rage?
Magtatanong pa sana ako ngunit naramdaman ko ang pananakit ng aking likuran! Napapikit ako nang idiniin niya ako sa isang puno hindi kalayuan sa kaninang puwesto namin. Sa masakit na paraan ko nakumpirmang tama ang aking hinala.
I tried to push him away but his hold on my shoulder almost crushed my bones! This guy is strong. No doubt he is a demigod.
"L-let me go," utos ko.
The surroundings are too eerie quiet despite the peek of the morning sunshine. I grunted when his grip tightened even more. Nahulog ang kanyang hood at doon ko napansin ang pamumula ng kanyang buong mukha. Naglabasan rin ang mga litid sa kanyang leeg. Kahit ang pag igting ng kanyang panga ay hindi nakaligtas sa akin.
"Sino ka?" dumagungdong ang kanyang boses at halatang may bahid ito ng galit.
"I said—let go!"
Everything happened so fast as I felt the familiar embrace of coldness in my arms. My eyes went wide as his sharp ice frost taunted my flesh.
"Y-you are a m-manipulator of… i-ice."
Nanlaki ang aking mga mata sa natuklasan. Magkahalong pagkabigla at saya ang naglalaro sa aking dibdib kahit hindi maganda ang aking sitwasyon.
I found him!
But the sudden joy in my chest was robbed in an instant. As his rage on me didn't falter that I could even taste it in the air between us. Sharp, tangible, and bitter to taste.
"Y-you need to calm down..." I muttered while I wiggled my way out of his grip.
Demigods are not safe when they feel threatened. They might explode and hurt the other mortals around them unwittingly. It’s their instinct to protect themselves since other beings are still on the move to hunt them down.
"Nagbabadyang matalo ng kanyang damdamin ang binatang ito."
There was a soothing voice that came from somewhere. I tried to gaze on the left and there was a woman in an indigo top and long skirt that reached her heels.
Her simple linen top that covered her chest and with the stretchy waistband from the skirt made her curves look stunning. I could not help but stare at her radiant beauty despite my situation.
"Kalma."
Lumapit ito sa amin at walang pagdadalawang isip na hinawakan sa balikat si Jared. Sa hindi malamang dahilan ay nawala ang mahigpit na pagkakahawak sa akin. Napasandal ako sa puno habang inaayos ang sarili.
I peaked at the woman with a strange yet calming aura. Hanggang baiwang ang kulay tsokolate at maalon nitong buhok. May gintong pulseras sa magkabilang kamay na bumagay sa kayumanggi nitong balat.
Bilugan ang mga mata at may makapal na kilay. May katangusan ang ilong at mapula ang labi. And there's something about her that screamed power.
Jared turned his head towards the woman. "Who the f**k are you?"
"Ako si Dalikamata," sagot ng babae.
He tsked and darted his eyes on me. "Don't come near me again."
Wala akong nagawa nang lumakad palayo si Jared. My curious eyes searched for the woman named Dalikamata. She kept her warm smile on her face as if Jared’s disrespect was nothing. My curiosity about her just grew.
Itinago ko ang aking pagkabigla nang ilahad niya ang kanyang kamay. But I was more stunned when I saw something in those chocolate eyes of hers.
May mga lumilipad na ibon sa malawak na lupain. Ilang segundo ang lumipas ay napalitan ito ng maruming usok at dagat. At sa isang iglap ulit ay ang imahe ng pagpatay ng isang mortal na dalaga? Pumikit si Dalikamata at biglang nawala ang mga gumagalaw na imahe sa kanyang mga mata.
"Knaht you. If it wasn't for you… everything might have gone awry because of that guy."
"Walang anuman binibini." Tumango siya sa akin at naglakad na paalis.
"Xalte!"
She halted but she didn't look back at me. I wondered if she understood when I said wait in my language. I shook my head and jogged a little to her side. There is this urge for me to hold her hand... and so I did.
In an instant, a blinding light made me close my eyes. The familiar pressure made my stomach churn as I held her hand tightly. Everything felt like a whirlpool and it made me want to p**e. A little later I felt relaxed as the touch of grass and lavender scent hit my nose.
Nagmulat ako ng mga mata at napakurap dahil nawala ang kalsada at ang mga bahay. Napalitan ito ng puting mga ulap at malawak na damuhan. Inilibot ko ang aking paningin sa berdeng lupain. Mayroong mga asul na bulaklak sa paligid. At sa hindi kalayuan ay naroon ang mga puno. Sa pinaka gitna ay isang bahay kubo.
"Kanina lang ay nasa mababang lugar ako. Ngunit ngayon—nasa tuktok na ako ng isang bundok?" natawa ako sa aking sitwasyon.
"Binibini."
Lumingon ako sa malumanay na pagtawag na iyon. Natagpuan ko si Dalikamata malapit sa kakahuyan habang nakaupo ito sa malaking duyan.
"Where are we?"
She urged me to sit on the hammock first. Fortunately, I feel no threat from her.
"Matagal na panahon na rin pala akong walang nakakausap," panimula niya.
"What—ano ang ibig mong sabihin?"
It is handy that I managed to learn different languages, especially English as it was the universal language of any race.
"Ito ang aking santuaryo at ilang dekada na akong hindi bumababa sa mundo ng mga tao."
"My hunch was right. May kakaiba talaga sa 'yo."
Bahagya siyang ngumiti. "Nais ko ulit magpakilala binibini. Ako si Dalikamata, isang d’yosa sa bansang ito."
Nanlaki ang aking mga mata at mabilis na tumayo at bahagyang lumuhod. "Nais kong humingi ng paumahin dahil hindi ko kayo nakilala bilang isang diyosa," pag amin ko.
"Wala kang dapat ihingi ng tawad sapagkat nakasanayan na namin na hindi kami kilala. Kahit sa lugar na ito na aming pinoroteksyonan ay hindi kami ninais kilalanin."
Nahimigan ko ng lungkot ang kanyang sinabi. Hindi ko mahanap ang dapat na sabihin sa kanya.
"Bakit kahit ang pagdalo as mahahalagang pagpupulong sa Olympus ay hindi n'yo pinupuntahan? Sorzencia, even I couldn't recognize you."
"Humihina kami dahil kakaunti ang nakakaalala sa amin at dahil mapanganib na ang mundo ng mga mortal ay pinili na lamang namin ang magtago. Dahil sa impluwensya ng ibang bansa ay nakakalimutan na ng mga tao rito ang kanilang pinagmulan, katulad namin."
Lumingon siya sa akin at sa pagkakataong ito ay nakita ko ulit ang mga gumagalaw na imahe sa kanyang mga mata. There is a sandstorm somewhere, and a big flood that can eat a whole civilization and a burning forest!
"Huwag kang tumingin sa mga mata ko binibining Zana."
"A-ano ang mga iyon? Are you an Oracle?"
Umiling siya. "Mapalad ako sapagkat hindi ako isang Orakulo."
"But your eyes…"
"Nasisilip ko ng kaunti ang hinaharap. Nakikita ko rin ang ilang nangyayari sa kasalukuyan ng bawat mundo, gustuhin ko man ito o hindi. Tulad ng mga sakuna at iba pa na masakit sa mata at damdamin."
May pagkakahawig ang kapangyarihan niya sa mga Oracle. "Paano ang mga magagandang pangyayari?"
Samantalang ang mga Oracle ay may kakayahang makita ang nakaraan, ang kasalukuyan at ang mga paparating na propesiyang hindi kailan man mababago o masisira.
"Subalit hindi iyon nagtatagal sapagkat mas marami sa panahon ngayon ang may masasamang kalooban. Hindi kagaya noong makaluma pa ang panahon."
Napabuntong hininga siya bago ulit nagpatuloy. "Ang nakaraan ay gawa sa pag ibig at kaligayahan subalit ngayon, ang kasalukuyan ay nilalamon na ng pagkalumbay, poot at kasakiman at natatakot ako sa maaaring mangyari sa hinaharap. "
"I'm sorry."
"Hindi mo kailangang mabahala o humingi ng tawad sa kung ano ang aking pinagdaraanan sapagkat sanayan lamang ito." Mahina siyang natawa at pinakatitigan ako.
"But—"
"Binibining Zana, nais mo bang malaman kung bakit pumagitna ako sa inyo ng binatang iyon?"
Napalunok ako dahil may kakaiba sa tono ng kanyang boses. Iyon rin ang nais kong malaman kanina pa.
"Ako ay isang diyosa ng mga mata at kalusugan. At matagal ko ng alam na kakaiba sa binatang iyon."
"You knew that demigod?!"
Tumango siya. "Ang pakikialam sa mga demigod ay hindi namin tungkulin. Kung kaya't hindi ko pinakialaman ang binatang iyon habang siya ay lumalaki. Ngunit ngayon ay hindi ko kayang hayaan ang kanyang ginawa."
"Dahil ba sa akin?"
"Nais kong humingi ng tawad kung nangialam ako sa pagitan n'yong dalawa. Alam kong ikaw ay nasa isang misyon dahil hindi nagtutungo ang mga kagaya n'yo sa mundo ng mga tao ng walang dahilan."
"You didn't have to apologise. But forgive me for asking you this goddess. But do you perhaps know that his father is looking for him?"
Ngumiti ulit siya bago umiwas ng tingin. "Malabo ito noong una sa aking mga mata. Ngunit nang masigurado ng inyong hari na may anak siya ay doon luminaw ang totoong pagkatao ng binatang iyon."
"I don't think I… understand?"
"Binibining Zana, mahina man akong dyosa ngunit ang pagkakagawa sa akin ay kakaiba."
"Mas lalo akong naguluhan sa iyong sinabi."
Tumayo ang dyosa sa aking harapan. Napalunok ako ng mapagmasdan siya habang inaalon ng hangin ang kanyang buhok. Nakangiti pa rin siya sa akin ngunit ang kanyang tindig ay nagpapalabas ng kakaibang kapangyarihan.
"Pagmasdan mo akong mabuti binibini."
I waited… and what I saw after the last ride of the wind… terrified me. Hindi ako nakahinga dahil biglang nagbago ang kanyang kaanyuan! Nanatili ang kanyang ngiti ngunit hindi ko na ito masuklian.
Ang makinis at kayumanggi niyang balat ay tinubuan ng mga mata—hindi ko ito mabilang! Sa bawat pagkurap ng dalawang mata sa kanyang mukha ay ang pagkurap din ng mga mata na nasa kanyang katawan na hindi natatakpan ng kanyang kasuotan.
"Hindi ko nais takutin ka binibini ngunit mas mainam na makita mo ang totoo kong anyo upang maintindihan mo ang mga susunod kong sasabihin."
"I wish to be punish by lightning as I offended a goddess!" Mabilis akong tumayo at lumuhod sa damuhan.
Naramdaman ko ang mainit na palad ni Dalikamata sa aking balikat. Napapikit ako nang mariiin dahil hindi ako handang makita ulit ang kanyang totoong anyo.
"Hindi kita pipiliting tingnan ako binibini ngunit sana ay mapakinggan mo ang aking ibabahagi sa 'yo."
"Tatanggapin ko ang iyong parusa—"
"Binibining Zana, ang lahat ng nangyayari ay nararapat mong pagtagpi-tagpiin."
"Huh?" nahinto ako sa pagkataranta sa kanyang sinabi.
"Natatandaan mo ba ang sinabi ni Hermes noong hindi ka nila makita?"
Napamulat ako ng mga mata habang nakayuko pa rin. "Y-yeah?"
"At sumagi rin ba sa iyong isipan kung bakit sahalip na ang iyong hari ang humanap sa kanyang anak ay ginawa niya itong misyon para sa 'yo?"
"Forgive me again goddess but could you please stop delaying what you ought to say?" hindi ko na kayang hintayin ang nais niyang iparating.
"Ang demigod na iyong hinahanap ay nabigyan ng regalong may kakayahang itago ang kanyang presensya sa mga d'yos. At ang mga matang nasa akin ay ang tanging dahilan kung bakit ako lang ako nakakakita ng katauhan ng demigod na iyon."
What?
"Nasubaybayan ko rin ang kanyang paglaki—hindi niya nais makapanakit ng kapwa. Ngunit nang makita ko ang sitwasyon n'yo ay alam kong pagsisishan niya sa huli kapag nasaktan ka niya."
"Ang totoong dahilan ng iyong pagbaba ay ang pigilan—tulungan siya?"
Tumango si Dalikamata. "Ngunit noong magdampi ang ating mga kamay ay may sumilip sa aking mga pangitain. Kung kaya't isinama kita rito upang makausap at magbigay liwanag sa sitwasyong mayroon ka ngayon."
Napalunok ako habang nahihirapang intindihin ang mga sinabi ni Dalikamata. Hindi ako makatingin sa kanyang mga mata na nasa iba't ibang bahagi ng kanyang katawan. Dahil kahit ang tunog ng pagkurap ng mga iyon ay nagpapakilabot sa akin.
"Nais kitang balaan binibining Zana. Dahil nakita ko ang isang nilalang na maaaring magdala ng pagkawasak ng nasa itaas at ng nasa ibaba," sumeryoso ang kanyang boses at ang kaninang mga ngiti niya ay nawala.
Nagtayuan ang aking balahibo dahil sa narinig. Hindi isang Oracle si Dalikamata ngunit may kakayahan pa rin siyang hindi maaaring ipagwalang bahala.
"A-ano iyon?"
"May kaugnayan ito sa mga may dugong reignian sa inyong mundo, sa Senoas Realm," wika niya sa mababang boses.
I caught my breath as the mention of our world. "W-what?"
"Patawad… ngunit binibini nais kong ikaw ay maghanda. Dahil may paparating na digmaan at walang makakapigil dito sapagkat nakatadhanang dumanak ng dugo…"
×××××
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.