Matigas ang anyo niya habang diretsong naglalakad palabas ng selda. Pakiramdam niya ay walang ipinagbago ang nakalipas na mga taon na nasa loob pa siya ng kulungan– ang masalimuot at nakababagot na yugto ng kaniyang buhay. Sa wakas, nakalaya na siya makalipas ang limang taon!
“Welcome home, my son!” Mahigpit na sinalubong siya ng yakap ng kaniyang ina samantalang malamig na tingin ang inani niya mula sa kanyang ama.
Hindi siya gumanti ng yakap sa halip ay tahimik lang siyang nakasunod sa mga ito habang naglalakad papunta sa komedor. Iba ang umuokupa sa isip niya ngayon.
‘Kumusta na kaya siya?’
“Well, naninibago ka siguro dahil napakatahimik mo ngayon, Edam. Kahit ako ay naninibago sa sitwasyong ito,” wika ng ina niya habang kumakain na silang tatlo. Wala roon ang kaniyang ate at kapatid na lalaki na bahagya niyang ipinagtaka. Pati rin pala sa hapag-kainan ay may nagbago na.
“Nagtataka ka pa, Olivia? Dati namang tahimik ang anak mong 'yan kaya nga hindi natin alam ang mga ginagawa niya sa buhay.”
“Ricardo! Maghunusdili ka! Nakakarindi ka na.”
Tahimik na tumayo si Edam at magalang na nagpaalam sa mga ito. Ayaw niyang marinig ang pagtatalo ng mga ito na siya palagi ang dahilan. Inignora niya ang nabiglang mukha ng mga magulang. For Pete's sake! Gusto niya ng kapayapaan ngayon pero parang tulad ng dati na wala pa ring ipinagbago ang kaniyang ama. Siya parati ang apple of the eye, paboritong b*wesitin.
Ipinikit niya ang mga mata pagkahiga sa malambot niyang kama. Automatic na nagsalimbayan sa kanyang balintataw ang pangyayari sa nakaraan, ang masasayang alaala nila ng mahal niyang si Nathalia na sa pagkatatanda niya'y ikinasal sa kaniya. Ilang linggo pa lamang sila noong ikinasal nang mangyari ang bangungot na iyon sa kanila. Sana ay hindi ito bumitaw sa kanilang sinumpaang pag-ibig.
“Nathalia...”
Masaganang luha ang mabilis niyang nakapa sa kanyang mukha. Umiiyak na pala siya nang hindi niya namamalayan. Hindi niya alam na isang babae ang makapagpa-iyak sa kaniya emotionally. He loves her so much pero alam niyang hindi naniniwala ang lahat sa kanyang ipinapakita.
He is known as dominant and authoritarian lalo na sa loob ng kompanya. Gusto niyang laging nasusunod at dapat lang siyang sundin. Pero kay Nathalia, ito lamang ang babaeng niluluhuran niya. Kaya nang mapagbintangan siya ay isang malaking dagok sa kanya lalo pa't wala siyang ebidensya para ipagtanggol ang kanyang sarili.
“Whoever did this to me will pay ten times of his deed. Sisiguraduhin kong sa kamay ko mananagot ka, assh*le!”
Mariing naikuyom niya ang mga kamay sa pagsiklab ng galit sa kaniyang dibdib. He is sure that he was framed. Kung sino man 'yun, humanda ito. Gaganti siya ng mas doble pa.
“No! Let's make it triple.”
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.