*Jeanine's POV*
Mabilis kong dinaluhan si Yael sa sahig. Nilabanan ko ang panlalamig at panghihina ng katawan ko at tumabi sa kanya. Itinaas ko rin ang mga kamay ko para hawakan siya pero natigil ako ng makita ang maraming dugo na nangagaling sa sugat niya.
Parang may tumarak din na matalim na punyal sa puso ko ng makita ang kalagayan nya. At nanlalabo rin ang mga mata ko sa mga luha kong lumalabas mula roon.
Unti unti kong inilapit ang nanginginig na kamay ko sa kanya at marahan siyang hinawakan sa balikat.
"Yael...." mahinang tawag ko sa kanya. Hindi ko rin napigilan ang panginginig ng boses ko dala ng takot na nararamdaman ko para sa kanya.
"Yael..." muling tawag ko at bahagyang niyugyug ang balikat niya. Natatakot akong galawin ang katawan niya, dahil baka lalong mapalala ang kalagayan nya.……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.