CHAPTER 54
THE MAFIA LADY BOSS
JOEMAR ANCHETA
Nasisigurado niya na ngayon na hindi pala niya kayang makita na papatayin o sasaktan ng iba ang kanyang mahal. Hindi niya hahayaang may mangyari kay Liam. Magkamatayan na. Hindi niya ito pababayaan. Binunot niya ang kanyang baril. Ikinasa.
“Pinabayaan mong anak ko. Ipinagkatiwala ko sa’yo kasi akala ko, mapoprotektahan mo siya. Anak ka pa din ng walang kuwentang Ama mo! Nagsisisi ako tang-ina mo na ipagkatiwala ko ang anak ko sa’yo!” dahan-dahang bumaba ang pagkakatutok ng baril sa sintido ni Liam. Hanggang sa bumagsak ang kamay ni Eagle. Humahagulgol ito sa sobrang sakit na nararamdaman.
Ibinaba rin ni Mia ang kanyang baril.
“Kasalanan ko ho lahat. Nagpabaya ako…” dahan-dahan siyang yumuko hanggang sa pasadlak siya……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.