SEASON TWO (FORBIDDEN LOVE)
Anika & Rico
Mr. p*****t meets Ms. Witch
SEASON 2 - Forbidden Love.
RICO POV
Dalawang taon ang lumipas at heto pa rin ako, pinipilit na kalimutan ang nakaraan. Sa lahat ng bagay na gagawin ko naaalala ko siya. Naaalala ko na may isang Anika na dumating sa buhay ko. Sa totoo lang, ang hirap lumimot lalo na kung ayaw mo naman talaga siyang kalimutan.
"Asan ka na nga kaya ngayon?" Tingin ko sa harap ng ferris wheel habang nasa park ako. "Kung sabagay hindi mo naman na ko naaalala," bulong ko habang napapayuko na lang at iniisip ang mga nangyari.
Kinapa ko ang kwintas na suot ko na dapat ay ibibigay ko sa kanya. Pero maski si Manong ay nabigo ko. Hindi ko na 'to ngayon maiibigay sa taong mahal ko dahil wala na siya. Parang hindi ko na kaya ulit na magmahal pa……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.