Episode 1-

The Unwanted Wife of a Billionaire. 2531 words 2022-07-29 17:32:30

Aubrey's POV

Lumaki ako na kasama ko ang magkapatid na si Zion at Zoran, at habang lumilipas ang panahon ay unti-unti kong nararamdaman ang pagmamahal na iniuukol ko para kay Zion, at kahit sa murang edad ay hindi ko maipagkakaila na mahal na mahal na siya ng aking puso. Disi-otso anyos na ako ngayon, labing tatlong taong gulang lamang ako nuon ng magsimula akong makaramdam ng paghanga kay Zion at habang tumatagal ay lumalalim ito at tuluyan ng nauwi sa pagmamahal. Halos araw-araw ay tumutungo ako sa mansion ng mga Smith masilayan ko lamang ang gwapong mukha ng lalaking itinatangi ng aking puso.

Masaya akong pupunta ngayon sa mansion ng mga Smith dahil makikita ko na naman ang lalaking nagpapangiti sa akin kahit na ba kung minsan ay medyo may pagka masungit ito sa akin kahit wala naman akong ginagawang mali.

"Nanay, sasabay na po ako kay Tatay papuntang mansion." Wika ko sa aking ina na naglilinis pa ng aming munting bahay.

Pagkarinig ni lola ng aking sinambit ay agad nya akong nginitian ng may halong panunukso kaya inungusan ko na lamang siya ng aking nguso at hinarap muli ang aking ama na naghahanda upang tumungo sa mansion ng mga Smith.

"Inang hayaan nyo na po yang apo nyo, alam nyo namang mukha lamang ni sir Zion ang bitamina ng batang iyan." Tumatawang ani ng aking ina. Napaingos akong muli ng tumingin ako sa aking ina at pagtapos ay tumingin naman ako sa aking ama na tila ba humihingi ako ng saklolo kaya't agad din niyang inawat ang mga ito upang tigilan na ang panunukso sa akin.

Agad din kaming umalis ng aking ama at nagsimula ng lakarin ang daang patungo sa mansion ng mga Smith na hindi naman kalayuan ang mansion sa aming tahanan. Nasasakupan ito ng mga lupain nila at sila din ang nagpatayo ng maliit na bahay namin upang may tutuluyan kami na malapit lamang sa kanila dahil sa kanila nagtatrabaho ang aking mga magulang. Napakabait sa amin ng pamilyang Smith, lalong-lalo na ang mga magulang ni Zion. Malapit sila sa akin dahil wala silang anak na babae. May nakakabatang kapatid si Zion , si Zoran Mathias Smith, 21 years old na sobrang kulit.

Kilalang bilyonaryo ang pamilyang Smith, at pag aari nila ang ZMS Telecomm Corp, Smith Corps, ZMS Shipping line Corps at ang ZMS Airline Corps.

Sila rin ang nagmamay ari ng ZMS hotels sa buong bansa at ang mga nagtatayugan at naggagandahang ZMS malls. Nakakalula nga kung iisipin mo kung gaano sila kayaman at kahit halos abot na nila ang langit ay nakatuntong pa rin ang kanilang mga paa sa lupa. Kaya nga bawat puntahan nilang lugar ay kilalang-kilala sila dahil sa pagiging mabuti nilang tao. Naging malapit kaming magkakaibigan at lingid sa kaalaman nila ay may itinatangi akong pagmamahal sa kanilang anak na si Zion.

Pagkarating namin sa mansion ng mga Smith ay nagmamadali akong pumasok sa loob ng kanilang kabahayan upang muling masilayan ang lalaking itinatangi ng aking puso.

"Hija, ang aga mo naman yata ngayon, kasama mo na ba ang nanay mo?" Wika ni tita Moira, ang napaka gandang ina ni Zion at ni Zoran. Agad akong nagmano sa kanya at ginantihan naman niya ako ng isang matamis na ngiti na mas lalo ko namang ikinasaya dahil tunay namang napakabuti ng kanilang kalooban, lalong-lalo na sa aming pamilya. "Si tatay pa lang po, susunod na daw po si nanay at inaasikaso lamang si lola." Nakangiti kong ani sa kanya at pagkatapos ay iginiya na nya ako papasok sa loob ng kanilang malaking bahay. "Napaka ganda mo talagang bata hija. Kundangan lamang at hindi ako nabiyayaan ng anak na babae." Wika nya sa akin habang naglalakad kami patungong kusina.

"Tita nasaan po si Zion?" Nahihiya kong tanong kay tita Moira, tumingin siya sa akin ng may panunuksong ngiti at pagkatapos ay sumeryoso din agad ang kaniyang mukha.

"Hindi umuwi si Zion, sa tingin ko ay nasa condo nya at kasama ang kanyang fiance." Wika ni tita na ikinagulat ko. Alam ko namang may kasintahan na si Zion dahil ipinakilala nya sa amin noon si Margaret Tipaklong pero ang malamang Fiancée nya na pala ito ay tila ba biglang nawasak ang mundo ko at unti-unting nadudurog ang aking puso.

"P-Po? Ikakasal na po si Zion?" Naiiyak kong ani ngunit pilit ko itong hindi ipinapahalata sa kanya at tinatatagan lamang ang aking kalooban dahil ayokong malaman ni tita Moira na higit pa sa kaibigan ang pagtinging iniuukol ko para kay Zion.

"Oo hija nag propose na sya sa girlfriend nya, hindi ba nabanggit sayo ni Zion or ni Zoran?" Saad nya habang seryosong nakatingin lamang sa akin.

Para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa aking mga narinig, ang puso kong sugatan ay tila ba unti-unting namamatay kaya't agad akong nagpaalam kay tita Moira upang hindi nya na makita pa ang sakit na bumabalatay ngayon sa kaibuturan ng aking puso. Pagkatalikod na pagkatalikod ko ay mabilis na nagbagsakan ang mga luhang kanina pa gustong kumawala sa aking mga mata, mga luhang ayaw paampat at masaganang dumadaloy mula sa aking mga mata, palatandaan ng kirot na aking nararamdaman. Lakad takbo ang ginawa ko at tumungo ako sa likod ng bahay upang duon ko ibuhos ang lahat ng sakit na aking nararamdaman. Umupo ako sa ilalim ng puno at duon ay muling nagsimula ang mga luhang walang ampat na tumutulo mula sa aking mga mata.

"Kaya ayokong sabihin sayo dahil ganyan ang magiging reaksyon mo." Isang tinig ang gumulat sa akin at mabilis kong pinunasan ang mga luha sa aking mukha at tumingin sa pinanggagalingan ng tinig sa aking likuran.

"Zo-Zoran?" Humihikbi kong ani.Umupo sya sa aking tabi at nilaro-laro ang bermuda grass at nananatili lamang itong tahimik kaya hindi rin ako nagsasalita dahil hindi ko naman alam kung ano ba ang sasabihin ko sa kanya.

"Alam kong higit pa sa kaibigan ang turing mo kay kuya. Matagal ko ng alam na mahal mo ang kuya Zion ko, pero alam mo din na kapatid lamang ang turing nya sa iyo hindi ba? Hindi ko sinabi sa iyo ang tungkol kay Margaret dahil alam kong ganiyan ang mararamdaman mo at ayokong nakikita na nasasaktan ka. Aubrey marami pang lalake at si kuya Zion ay hindi para sa iyo, ikakasal na sila ni Margaret kaya sana ay hayaan mo na lamang sila." Sambit nya na parang may lungkot sa kanyang mga mata. Napakadaling sabihin na maraming lalake ngunit iisa lamang ang maaaring magpatibok ng puso ng isang tao. Hindi ko magawang makapagsalita at nananatili lamang akong nakikinig sa mga sinasabi niya.

"Sa darating na linggo ay may engagement party na gaganapin dito sa mansion, ipapakilala na nila ang mapapangasawa ni kuya. Si ate Margaret. Kailangan mong magpakatatag dahil isa ang pamilya mo sa dadalo sa gabing iyon." Saad nya na lalo kong ikinaluha.

Para akong sinasaksak ng paunti-unti sa aking puso sa kanyang tinuran, hindi ko alam kung paano ko paglalabanan ang sakit na ngayon ay bumabalatay sa buo kong pagkatao at dumudurog sa aking puso. Tumayo ako at nagsimulang maglakad papalayo kay Zoran habang masaganang tumutulo ang aking mga luha, ayoko na kasing marinig pa ang iba nyang sasabihin dahil sobrang sakit na, hindi ko na kinakaya pa.

"Saan ka pupunta?" Sambit nya kaya lumingon ako sa kanya at ginawaran ko lamang sya ng isang ngiti at pagkatapos ay patakbo ko ng tinungo ang papalabas ng mansion ng bigla akong mapahinto at napatingin ako sa sasakyang papasok sa loob ng garahe.

Kumabog ang aking dibdib, nakaramdam ng kaligayahan ang puso ko kaya huminto ako sa isang tabi at nakangiti ko syang sinalubong. Ngunit ang mga ngiti ko ay parang bulang naglaho ng pumaikot siya sa kabilang side ng kanyang sasakyan at mabilis na pinagbuksan ang babaeng kanyang kasama. Si Margaret na ngiting-ngiti at mabilis na pumulupot sa braso ni Zion.

Halos gumuho ang aking mundo ng makita ko kung gaano sila kalambing sa isat-isa habang abot-langit naman ang ngiti ni Margaret sa kanya.

"Aubrey nandito ka pala, anong ginagawa mo dito? Halika duon tayo sa loob," Nakangiting ani ni Zion sa akin.

"O-oo kasama ko si tatay." Wika ko na hindi makatingin sa kanila dahil ayokong makita kung gaano nila kamahal ang isat-isa. Napatatingin ako kay Margaret at nagulat ako ng makita ko na masama ang mga titig nya sa akin kaya agad akong nagyuko ng aking ulo at umiwas sa kanyang nag aalab na mga titig. "Eh bakit parang aalis ka na?" Ani nya pa sa akin kaya't agad din akong sumagot sa kanya upang makaalis na agad ako sa lugar na ito dahil ang lugar na ito ang nananakit sa akin ngayon.

"Ma-masama kasi ang pakiramdam ko kaya gusto ko na sanang umuwi." Pagsisinungaling kong wika sa kanya na hindi tumitingin kay Margaret dahil nakakapaso ang kaniyang mga titig sa akin. Nakita ko ang pag aalala sa mga mata ni Zion para sa akin, inalis niya ang pagkakahawak ni Margaret sa kanya at sinalat-salat niya ang noo, pisngi at leeg ko kung mainit ba ako. Hinawakan nya ang baba ko at itinaas upang magpantay ang aming mukha at tinitigan ako sa aking mga mata at ganoon na lamang ang gulat nya ng mapagtanto na namumula ang aking mga mata, marahil ay sa sobrang pag iyak ko ng malaman kong ikakasal na pala sila ni Margaret. Magsasalita pa sanang muli si Zion ngunit bigla na namang pumulupot sa kaniyang braso ang hitad na si Margaret Tipaklong at hinila si Zion palayo sa akin kaya nakaramdam ako ng matinding inis sa kaniya.

"Hayaan mo na syang umalis honey, let's go inside, gusto ko ng makita sila tita and tito." Maarteng sambit ni Margaret na nginusuan ko naman. Nagsimula na silang lumakad, si Zion ay panay lingon sa akin na tila ba nag aalala habang si Margaret naman ay pilit na kinukuha ang atensyon ni Zion upang tuluan na silang umalis at naiwan akong nakatanaw na lamang sa kanila habang papasok na sila ng kabahayan. Napahawak ako sa aking pisngi at pumikit at dinama ko ang mga haplos kanina sa akin ni Zion at hindi ko maintindihan kung bakit pakiramdam ko ay may haplos pagmamahal ang ginawa niya sa akin kanina o baka naman masyado na lang talaga akong baliw sa kanya kaya kahit simpleng haplos ay binibigyan ko ng ibang kahulugan.

Nakikita ko kung gaano kasaya si Zion, kaya't pumikit ako upang mapigilan ang aking mga luhang muling nagbabadya at mabilis akong tumakbo papalabas ng gate upang hindi na nila makita pa ang sakit na nararamdaman ko.

"Oh anak, bakit nandito ka na agad?" Gulat na ani ng aking ina habang ako naman ay hindi makatingin sa kaniya at pilit na itinatago ang mga matang kagagaling lamang sa matinding pag-iyak.

"Nanay, bigla po kasing sumama ang pakiramdam ko." Pagkawika ko sa kanya ay agad ko ng tinungo ang aking silid dahil ayokong makita ni nanay na nasasaktan ako. Kilala ko ang aking ina, alam na alam nya kung kailan ako nasasaktan o nagsisinungaling kaya ayokong tumingin sa kaniyang mga mata at mabilis na lamang akong tumakbo patungo sa aking silid.

"Oh sige na, pumasok ka na muna sa silid mo at ako naman ay tutungo na sa mansion. Ipagbibilin na lamang kita sa iyong lola upang mabigyan ka na rin niya ng gamot." Wika naman ni nanay kaya mabilis na din akong pumasok sa aking silid.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa aking silid ay mabilis kong isinara ang pintuan at sumandal ako dito.

Nag uunahang tumulo ang aking mga luha at mabibining hagulgol ang kumawala sa aking tinig. Agad kong tinakpan ang aking bibig upang hindi ako makagawa ng ingay dahil ayokong marinig ni lola na umiiyak ako.

Hindi ko yata kakayanin na mawala sa buhay ko si Zion, ang isiping ikakasal na sya kay Margaret ang dumudurog sa aking puso. Lumapit ako sa aking papag na may manipis na foam na kulay rosas at naupo ako sa gilid nito at hinimas ko ang aking higaan.

Humiga ako at tinakpan ng unan ang aking mukha upang hindi marinig ni lola ang aking pagtangis at duon ko ibunuhos lahat ng sakit na aking nararamdaman.

Ilang araw na din ang dumaan at malapit na ang Engagement Party ni Zion at Margaret sa mansion ng mga Smith.

Nandirito ako ngayon hindi kalayuan sa aming bahay, may paborito kasi akong tambayan dito, isang napakalaking puno ng narra na kinabitan ni tatay ng duyan nuon dahil mahilig akong pumunta nuon sa mga park para lamang magduyan.

"Sabi ko na nga ba at dito kita matatagpuan." Isang baritonong boses ang gumulat sa akin kaya't agad akong napalingon dito.

"Zoran ano ang ginagawa mo dito?" Ani ko sa kanya ng may pagtataka.

"Ilang araw ka na rin kasing hindi nagpapakita sa mansion kaya nag aalala na ako sayo." Wika nya sa akin habang unti-unti nyang inuugoy ang duyan. Hindi na talaga ako bumalik ng mansion matapos kong malaman na ikakasal na pala si Zion. Ayokong makita sila kung gaano nila kamahal ang isa't-isa, ayokong saktan ang sarili ko kaya minabuti ko na lamang na manatili sa loob ng bahay upang makaiwas na muna ako sa kanila.

"Ah yun ba? Ayoko lang, wala namang dahilan para pumunta ako ng mansion saka marami akong ginagawa sa bahay, marami din kasing inuutos sa akin ang lola ko kaya sinasamahan ko na lang muna siya." Wika ko ng nakanguso sa kaniya.

"Ayaw mo o nasasaktan ka dahil nanduruon si Margaret?" Sambit nyang muli na ikinatukod ng paa ko sa lupa dahilan upang tumigil sa pag ugoy ang duyan.

Ilang kaluskos ang narinig namin hindi kalayuan kaya agad akong napalingon sa pinanggalingan ng ingay "Narinig mo ba yon Zoran?" Wika ko sa kanya ngunit parang bale wala lamang ito sa kanya.

"Hayaan mo na yon, asong ligaw lang yon na pagala-gala dahil lutang ang utak." Wika nya na hindi ngumingiti at seryoso lamang na nakatitig sa kawalan. "Ha, asong ligaw? Paano kung nangangagat yon o kaya nauulol, hindi ba ganoon yon kapag mga asong ligaw?" Inosente kong ani sa kanya na ikinatawa nya ng pagak, ewan ko ba kung ano ang nangyayari kay Zoran at tila ba may malaking problema itong hinaharap dahil napaka seryoso nya ngayo, hindi kasi ako sanay na ganito sya, mas sanay ako sa Zoran na maingay at sobrang kulit. "Nauulol? Siguro nga nauulol na ang asong yon kaya kung ano-ano na ang ginagawa nya sa kanyang buhay, kahit alam naman nya na masasaktan sya at hindi magiging lubos na masaya ay nagpupumilit pa rin siya." Wika nya sa akin na ikina nuot ko ng noo. "Zoran, ano ba pinag sasasabi mo dyan ha? Asong ligaw na nauulol pa rin ba ang pinag uusapan natin dito? Parang ang lalim naman ng hugot mo." Natatawa kong ani sa kanya.

Sya man ay nakikitawa na rin sa akin, marahil ay napagtanto niya na wala ng sense ang sinasabi nya.

"Oo asong ligaw, duwag harapin ang katotohanan kaya ayon naulol at kung ano-anong pinag gagagawa kahit hindi naman sya sigurado sa mga desisyon niya." Wika nya at tumawa ng malakas.

Hindi ko maintindihan ang gusto nyang ipahiwatig kaya binale-wala ko na lamang ang kaniyang sinabi at nagkuwentuhan kami ng mga bagay-bagay na walang katuturan para lamang may mapag usapan.

Previous Next
You can use your left and right arrow keys to move to last or next episode.
Leave a comment Comment

Waiting for the first comment……

Please to leave a comment.

Leave a comment
0/300
  • Add
  • Table of contents
  • Display options
  • Previous
  • Next

Navigate with selected cookies

Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.