Chapter 18
Michael's/Zeke's POV
Pinagmamasdan ko ang natutulog kung asawa ngayon.
Nawalan sya nang malay matapos nyang magpalit balat bilang tao.
Nagpapasalamat ako dahil wala ni isa sa Crescent Moon ang napahamak sa paglusob ng mga rogues. Sa kasamaang palad, ay nakatakas ang kasamihan sa kanila. Lalo na sila Vince at Donnie.
"Paumanhin Alpha Michael kung Hindi namin napigilan sa pagtakas ang 2 pinuno ng mga rouges sumalakay sa atin" wika ng warrior leader.
"Wala na tayong magagawa tungkol dyan. Ang nais kong gawin ninyong lahat ay maging mapagmatyag at alerto sa bawat oras. Dahil nararamdaman ko na babalik sila upang pabagsakin tayo."
"Masusunod Alpha."
"Maaari ka nang umalis."
Humiga na ako sa tabi ni Mae at niyakap sya.
"Hinding-hindi ko hahayaan na mapahamak kayo ng anak natin, Love."
Bulong ko sa kanya kahit natutulog sya.
At natulog na kayakap sya.
Mae's POV
Nagising akong nakayap kay Zeke. Ang bango nya, his smell is sweet hindi nakakasawang amoyin. Ano kayang pabango nitong asawa ko?
"Hihi, that's normal, Love. What you smell is my scent. Kaya nababanguhan ka sa akin is because I am your mate. That's a sign that we are mate." nakapikit nyang paliwanag.
"Alam ko ang tungkol dun, ngayon ay ako mismo ang nakakaamoy sa mate ko. Dati nababasa ko lang ang tungkol doon e."
"Matulog pa tayo Love. Wag mo munang biglain ang katawan mo. Magpahinga ka muna." nag aalalang sabi nya sa akin.
"Okay na ako Love. Mag hahanda lang muna ako ng almusal natin. Nagugutom narin ako eh." pagkasabi ko nun ay tumayo na ako at naatungo sa banyo para magmumug at maghilamos.
Paglabas ko ng banyo ay wala na sya sa higaan namin,
"Ang akala ko ay gusto pa nyang magpahinga? saan naman kaya nagpunta yun." Tanong ko sa sarili.
Pagkarating ko sa kusina ay naroon sya at nagluluto.
"Ang akala ko ba ay gusto mo munang magpahinga?" Lumapit ako sa kanya para makita kung anong lulutuin nya.
"Gusto kong ipagluta ka e. Kaya eto, Ipagluluto kita ng gulay, maganda para sa babies natin at gatas rin, syempre hindi mawawala ang vegetable salad na favorite mo rin." nakangiti nyang sabi.
NApangiti naman ako sa effort na binibigay nya.
Habang kumakain...
"Love, nahuli nyo ba ang mga sumugod sa atin kagabi?" tanong ko sa kanya.
"Nakatakas ang dalawang pinuno ng mga rogues. And I decided na mag assign ng magbabantay sayo sa tuwing wala ako dahil alam kung hindi magtatagal ay susugod ulit sila at hindi titigil hangga't hindi tayo natatalo. Kaya Love, please always take care of yourself at dito ka lang sa bahay hanggat maari."
"I understand love. mag iingat kadin palagi." Sabi ko sa kanya at hinalikan sya sa labi. Smack lang naman.
Donnie's POV
"Vince, ihanda mo ang mga natirang mga rogues pati narin ang iba pang mga paparating. Bibigyan natin sila ng panahon hanggang sa araw ng kapanganakan ng Luna nila tsaka tayo muling susugod. doon madali lang natin mapapaslang ang mag-ina at ang alpha." utos ko kay Vince. Maswerte ka ngayon Maxwell dahil madami kayo, pero sa susunod ay mas madami na kami. Kaya magpakasaya ka ngayon at ang pack nyo.
Dahil sa susunod na mga araw, ay hindi na kayo sisikatan ng araw.
Bwhahahahhahaha
Clair's POV
I'm on my way papunta sa bahay ng Bhest ko. Malapit na nga pala syang manganak. Gusto ko syang makita'ng buntis. Hehehe
Habang nasa byahe ako papunta sa location ng bahay nila Mae ay may nakita akong familiar na tao.
'Saan naman kaya pupunta yun?' bulong ko sa sarili ko.
"Sa tabi lang po manong." makakapag hintay naman ang pagpunta ko kay Mae eh. Tinungo ko ang daan na tinahak nya kanina. Grabe, buti nalang hindi ako takot sa mga creeppy things. Kung ibang tao siguro ang dadaan dito matatakot na yun.
Kahit kasi tanghaling tapat, kadiliman ang kakaharap sayo dito sa kinaroroonan ko ngayon. Matatayog na mga puno ang nadadaanan ko ngayon, kahit paano ay may kakaunting liwanag na pwedeng maging way para makita ko ang dinadaanan ko.
'What is she doing in her? I thought I know you, but I'm wrong. I don't know you anymore.' naibulong ko sa hangin.
'Gotch' nakita ko sya na papasok sa isang kubo. kaya naman sinundan ko sya at sumilip sa maliit na bintana.
"What do you want from me ba? at dito mo pa gustong makipag kita." naiiritang tanong nya sa taong kausap nya. I can't see his face. Pero parang nakita ko na ito.
"Kailan mo sisimulan ang plano?" that voice. narinig ko na yan. bakit hindi ko maalala kung kanino?
"Why can't you just let her go ba? They're having a baby na soon. So stop that kabaliwan of yours sa babaeng yun."- maarteng nyang tanong.
"I don't care, I want her, only her. Kung kailangan mamatay ng mga anak nya upang tuluyan syang mapasaakin, ay papaslangin ko ang mga batang yan hangga't maaga pa."
Pinigilan kong mapasinghap dahil sa mga narinig ko. Kung sino man ang tinutukoy nila, ay sana maging ligtas ang babaeng iyon.
Tahimik kong tinahak ang daan palabas ng kagubatan at dali-daling sumakay ng jeep papunta sa Maxwell Residence.
Mae's POV
"Bhesttttt..." matinis na sigaw ni Clair.
"Pambihira ka naman Bhest, hindi uso ang katamtamang tono ng boses sa'yo noh." -_-
"Sorry naman po Bhest. Na-excite lang akong makitang may nalunok na malaking pakwan. hahaha OMO.... tumataba ka lalo Bhest hahaha."
"Tsk. wag kang mag alala, lolobo ka rin sa oras na magbuntis ka sa anak nyo ni Ian."
"hah, no way in Hell na tataba ako like you noh. hahaha Joke lang Bhest. Sexy ka pa din naman kahit buntis ka eh. sobrang laki nga lang ng tyan mo." natutuwa nyang sabi sabay himas ng tyan ko.
"Kambal kasi ang magiging Babies namin. Kaya mukha akong nakalunok ng malaking pakwan Bhest. Hahaha."
"Omoh, kaya pala. Nakakatuwa naman. Sana pag ako magkaka-anak na, gusto ko kambal din. hahaha. Excited na akong makita ang mga inaanak ko Bhest. Kailan nga pala kapanganakan mo?"
"Ahm... 2 months from now. hehehe" kinakabahan kong sabi. Hindi nya kasi alam na 3 months palang ang tyan ko.
"Naku Bhest, wag mo akong pinagtitripan ah. Parang kailan lang ng mabalitaan ko na buntis ka tapos ngayon sasabihin mong manganganak ka na 2 months from now. Umamin ka nga sa akin. May hindi ka sinasabi sa akin noh?" tiningnan nya ako ng may pagdududa.
Should I tell her? Maniniwala kaya sya sa akin?
"Bhest, you know naman na mahilig ako sa mga supernaturals diba?" tumango naman sya sa akin.
"The truth is, this family, this place that you're in, is a place for werewolves." derekta kong sabi sa kanya.
"Ay naku Bhest. Ayan ka nanaman eh. Pati ba naman sa totoong buhay iaapply mo iyang pagiging Supernatural fanatic mo. haha" natatawa nyang sabi sa akin.
"Just like what I thought. Hindi ka maniniwala sa akin. Nagtanong ka pa eh noh." mataray na sabi ko sa kanya.
"Eh kasi naman Bhest, yung seryoso naman kaya oh."
"I'm Serious here Clair. I'm not joking. Ask a proof, I am one of them." Seryoso kong saad sa kanya sabay pakita ng pag-iiba ng kulay ng mata ko. From Brown to blue eyes na may gold color sa paligid nito.
"s**t ka bhest. Totoo nga. Why you didn't tell me?" naka nga nga nyang tanong.
"Like Duh, halos nga hindi ka maniwala sa akin kanina tapos itatanong mo sa akin kung bakit hindi ko sinabi sayo? Besides, noong isang araw lang din namin natuklasan na isa ako sa kanila."
"Sorry naman po noh. Hindi ko naman po kasi akalain na totoo yang mga ganyan eh."
"Actually, tao din naman ako eh tulad mo, tulad nila mama. Sadyang nakatakda nang maging isang taong lobo ako. Dahil ako ang napili ng Legendary Wolf upang maging katawang tao.
"Masaya ako para sayo Bhest. Dahil sa wakas, ang matagal mong pangarap ay nasa harapan mo na mismo. At masaya ako para sa bagong yugto ng family mo. Kahit na anong mangyari, kahit na ano ka pa, nandito lang ako para sayo. I love you Bhest." mahabang litanya nya sabay Yakap s akin.
"Oo naman Bhest. I love you too."
"Sya nga pala, may ikokwento ako sayo Bhest. Nakita ko Erin kanina."
*Una sa lahat, Humihingi po ako nag paumanhin dahil natagalan po bago ako makapag -update ulit. And Thanks you for reading my Story. Sana po ay magustuhan nyo. Sisikapin ko pong matapos ito. And sana basahin nyo din po ang Bok TWO, Tungkol naman po ito sa anak magiging anak nila. Maraming Salamat po.
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.