"Ano! Aamin ka ba o ipapasok ko sa bibig mo ang hawak kong pouch ha!" paninigaw ni Juvy kay Kyline habang nasa loob sila ng van.
Inihinto ni Raf ang van sa kanto na malapit lamang sa arko ng Victoria. Hindi na itinuloy ni Juvy ang kaniyang plano na dalhin si Kyline sa puntod ng kaniyang kapatid.
Masama siyang tinignan ni Kyline. Nagawa pa nitong tarayan siya at sungitan sa kabila nang ginawa nito sa kaniyang kapatid.
"Alam mo ba ang ang bahay na iyon ay ipinagawa ng kapatid ko gamit ang sarili niyang pera. Bakit mo kailangan na idamay pa iyon sa selos mo at pagiging selfish!" nanggagalaiting aniya rito na nakahalukipkip sa kaniyang harapan at naka-cross legs pa.
"Hoy! Babaeng hitad! Bakit hindi mo na lang aminin na kaya mo ipinasunog ang bahay ni Rita ay dahil nilamon ka ng kabaliwan mo," sabi……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.