KUNG kanina ay confident pa si Marilyn na makita ang pitong magkakapatid na Monroe, ngayon ay bigla siyang tinubuan ng hiya dahil kaharap na niya ang mga ito at titig na titig sa kanya. Wala pang isang linggo na hindi sila nagkikita ay halata ang pagkasabik ng mga ito sa kanya. Ngayon nga ay nasa hapag sila ng pagkain at inaasikaso siya nina Levi at Gael.
"Kumain ka pa nang marami, Marilyn. Huwag mong pababayaan ang sarili mo lalo na't hindi mo na kami kasama sa iisang bahay," ani Gael na sinubuan siya ng isang kutsarang kanin na may ulam.
Kinain na lang niya ito kahit sobrang nag-iinit na ang pisngi niya dahil sa hiyang nararamdaman.
"Pero makakasama mo pa rin naman kami dahil magde-date tayo. Manliligaw kami sa'yo." saad naman ni Levi na ikinagulat niya.
"W-What? You will court me?" ani Mari……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.