Agad na tinugon ni Lance ng halik na iyon ni Kath. Masayang-masaya ang puso dahil sa kabila ng hitsura niya ay mahal siya nito. Mas lalong nag-alab ang mga labi.
"Mommy—" Tinig ng anak na nagpahiwalay sa kanila. Parang mga teenager na nahiya matapos mahuli ng mga magulang pero sa pagkakataong iyon ay anak nila.
"Yes, anak?"
"Mommy, patanggal naman po." Turan ng anak sa kuwentas nitong pumulupot sa akap na spiderman.
Nagkangitian sila saka mabilis na lumapit si Lance sa anak. Ito na ang nagtanggal noon. Naaalala niya ng araw na ibigay iyon dito. Mukhang tinupad naman ang anak dahil hindi nito tinatanggal iyon.
……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.