Chapter 5
NAKAHIGA si Sam sa kaniyang kama habang iniisip kung paano niya pakikiusapan si Franco. Galit siya rito at alam niyang kumukulo rin ang dugo ng lalaking iyon sa kaniya. Ngunit wala namang magagawa ang galit niya dahil kailangan niyang makausap ito nang maayos.
Bumangon siya sa kaniyang kama at hinanap ang kaniyang cellphone. Kakausapin niya ang kaniyang pinsan at matalik na kaibigan na si Pan.
"Hello, beshie," mahinang aniya sa kabilang linya.
"Kumusta ka na, beshie? Ano na ang balita sa iyo?" sunod-sunod nitong tanong sa kaniya.
Bumuga siya nang malalim at saka dumapa sa kama. "Hindi ko na alam ang gagawin ko, may alam ka pa bang p'wedeng pasukan na trabaho? Kailangan kong makaipon para sa... para makabayad kay Franco."
"Ano!" malakas na sabi nito. "Paano ka nagkaroon ng utang kay Franco? Teka nga, may kinalaman ba ito sa coffee shop?"
"Si Papa, siya ang nagkaroon ng utang kay Franco. Siya rin ang taong nakabili ng coffee shop namin kay Aling Margaret at... nasa kaniya ngayon ang titulo ng bahay at lupa namin. Hindi ko na alam ang gagawin ko ngayon, Pan. Sobrang gulong-gulo na ako. Isang linggo na lamang ang palugit sa akin ng lalaking iyon. Naguguluhan din ako kung bakit gusto niya akong papuntahin sa office niya. Wala akong tiwala sa lalaking iyon... hindi naging maganda ang unang paghaharap namin at baka kung ano lamang ang magawa ko sa kaniya.
"Wala naman sigurong masama kung puntahan mo siya, Sam. Wala namang magagawa ang galit at pagkainis mo sa ngayon, no. May alam akong trabaho, gasoline girl ako ngayon sa isang gas station. Pero mababa ang sinasahod ko, hindi niyon mababayaran ang utang ninyo sa Franco na iyon sa loob ng isang linggo."
Humilata siya at tumingin sa kisame ng kaniyang kuwarto. "Ano ang gagawin ko ngayon, Pan? Ayoko na mawala itong bahay namin. Naaawa ako sa mga kapatid ko, at naiinis ako kay papa. Hindi ko na alam ang gagawin ko."
"Gusto kitang tulungan pero wala akong kakayahan. Na-ospital ang kapatid ko at kalalabas lang din niya. Walang-wala rin ako, Pan. Mula noong magsara ang cafe ninyo, nagsimula na ring maubos ang mga ipon ko," malungkot na sabi nito sa akin.
"Ano ka ba? Huwag mo na akong alalahanin. Iisip na lamang ako ng paraan... bahala na."
"Wala naman sigurong masama kung puntahan mo si Franco. Hindi naman siguro siya masamang tao... kahit paano. Sasamahan kita kung gusto mo. O hindi kaya naman magdala na lamang tayo ng pulis... for safety." Narinig niya ang mahinang pagtawa nito.
Umiling siya at umupo sa kaniyang kama. "Huwag na... at never akong lalapit sa lalaking iyon."
Tumawa si Pan sa kaniyang sinabi. "Seryoso ka ba?"
"Ano namang nakakatawa?" maang na tanong niya kay Pan na nasa kabilang linya.
"Wala naman... kinikilig lang ako." Humagikhik pa ito na tila kinikilig.
"Siraulo ka talaga. Sige na... ba-bye na." Pinutol niya ang tawag dito at itinabi niya ang kaniyang cellphone sa tabi ng kaniyang unan.
Wala nga namang masama kung makikipagkita siya kay Franco. Pero sa tingin niya pa lamang sa lalaking iyon ay may mukhang may binabalak itong hindi maganda. Pero bahala na, ang mahalaga ay may magawa siya para sa kaniyang mga kapatid na umaasa sa kaniya. Dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpapakita ang magaling niyang ama.
HINDI maalis sa isipan ni Franco ang mukha ni Samantha Pablo, galit na galit ito sa kaniya kanina. Tama lamang ang ugali nito para sa planong binabalak niya rito. Ngumisi siya habang nakahiga sa kaniyang kama habang iniisip si Samantha. Sinadya niyang galitin ang dalaga para ipamukha rito na kailangan nitong matakot sa kaniya at lapitan siya.
Isang linggo lamang ang palugit na ibinigay niya rito. Pagkatapos niyon ay ipapasara na niya ang bahay ng mga ito kapag hindi ito pumayag sa gusto niyang mangyari. Wala itong pamimilian kun'di lumapit sa kaniya sa huling araw na itinakda niya.
Tumagilid siya sa kama na hinihigaan niya at nagmulat ng mga mata. Binuksan niya ang kaniyang cellphone dahil sunod-sunod ang notification niyon. Sunod-sunod ang text messages sa kaniya ng kaniyang nakababatang kapatid na si Tres.
Kinukulit na naman siya nito tungkol sa coffee shop na pagmamay-ari nina Samantha. Hindi niya alam kung bakit nagkaroon ng interest ang kaniyang kapatid sa negosyo ng mga Pablo gayong wala itong pakialam sa mga negosyo na nakuha niya noon.
Kumunot ang noo niya habang binabasa isa-isa ang mga iyon. Isinara niya ang kaniyang cellphone at isiniksik sa ilalim ng kaniyang unan. Iniunan niya ang ulo sa kaniyang mga braso. Nakatingin siya sa kisame habang iniisip ang tungkol sa sinabi ng kaniyang kapatid. Hindi maari na ibenta niya rito ang coffee shop ng mga Pablo dahil may kailangan pa siya sa taong may-ari niyon.
Naiinis na bumangon siya sa kaniyang higaan. At lumabas ng kaniyang master's bedroom. Katapat ng kaniyang kuwarto ang kuwarto ng kaniyang ama. Sinipat niya sa kaniyang suot na relo ang oras. Alas dose na ng hating gabi at tulog na tulog na mga kasama niya sa mansion nila.
Tatlong palapag ang kanilang bahay. May luwang na two thousand square meters. Lima ang kanilang katulong sa mansion, sina Aling Dory, Aling Maria, Aling Biena at si Aling Rosa kasama ang anak nitong si Sandra. Si Sandra ang kaniyang tagalinis sa kaniyang kuwarto. Pinapaaral rin niya ito ng kolehiyo. Tatlong taon nang naninilbihan sa kaniya ang mag-inang sina Rosa at Sandra at mababait ang mga ito.
Bumaba siya ng hagdan at tinungo ang mini bar na nasa first floor ng bahay nila. Nakasuot lamang siya ng boxer shorts at white sando habang nakayapak. Binuksan niya ang isang hard wine na produkto nila. Ang Esmeralda Red, isang taon ang fermented niyon.
Inamoy niya ang alak bago niya iyon ilagay sa shot glass at inumin. Best seller nila ang Esmeralda Red na kumikita ng isang milyon sa isang buwan lamang.
Habang tinutungga niya ang alak ay hindi niya namalayan ang paglapit ni Sandra sa kaniya. Nakayuko ang ulo nito at mukhang kanina pa siya balak kausapin.
Binalingan niya ng tingin ang dalaga na nakatayo sa tagiliran niya. "Off limits ang mga maids dito sa mini bar, nakalimutan mo yata."
Nananatili itong nakayuko at tila natatakot sa akin.
"Sir Franco kasi po..."
"Make sure na importante ang sabihin mo sa akin dahil pagod ako, Sandra. Kung pera ang kailangan mo bukas mo na iyon sabihin sa akin. Maliwanag ba?" seryoso kong tanong dito.
"Sir, kasi gus---gusto kita," mahinang sabi nito.
"Matulog ka na... kakalimutan ko na may sinabi ka sa akin ngayong gabi. get out!" pananaboy ko rito.
Hindi naman ito sumunod at niyakap ako sa likuran. Pagsisilbihan kita, sir. Gagawin ko ang lahat mapasaya ka lamang, sir."
Marahas kong tinanggal ang kamay ni Sandra na nakapulupot sa bewang ko. "Hindi ka ba naaawa sa nanay mo? She's doing everything and anything just for you. Imbes na nandito ka sa tabi ko, confessing your feelings with me. Why not be serious and pay attention to your studies. Pinapaaral kita, Sandra para maging mabuti ang kinabukasan mo hindi para akitin ako."
"I'm sorry, sir."
"I accept your sorry. Pero sana huwag mo na itong ulitin, Sandra," seryosong sabi niya habang nakatingin sa namumulang pisngi ng dalaga na nakayuko sa harapan niya.
Tumango ito at tinalikuran siya. Narinig na lamang niya ang pagsara ng pinto.
Umiling siya sa ginawa ni Sanda. She is too young to seduce him. Iba na talaga ang mga kababaihan ngayon. But Samantha is an exception. Dahil ibang-iba ito sa mga babaeng nakasalamuha niya, masiyado itong matapang at kaya nitong lumaban. Ang katangian ni Samantha ang gusto niya para iharap sa kaniyang fiancé na si Kaycee at sa kaniyang ama.
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.