THIRD PERSON'S POV
"Mama, Papa.. huwag niyo po akong iiwan.." Pagmamakaawa ng isang anim na taong gulang na batang lalakeng umiiyak sa harapan ng kanyang mga magulang.
Nakakapit ito sa magkabilang paa ng kanyang ama't-ina na tila pinipigilan ang pag-alis nila.
Tinulak naman papalayo ng ama ang batang lalake at dinuro ito.
"Huwag mo nga akong matawag-tawag na papa dahil wala akong anak sa labas na katulad mo!" Sigaw nito at sinipa ang braso ng batang lalake.
Umiiyak lamang ang batang lalake at bumaling naman siya sa kanyang ina.
"Mama.. huwag mo po akong iiwan. Ayoko pong maiwan kay tita!" Pagmamakaawa ng bata.
Imbes na maawa ang ina ay pinalo pa nito ng isang matigas na kahoy sa bandang paa ang batang lalake kaya napadaing ito at tuluyan nang napaluhod dahil sa sakit.
"Ang tigas rin talaga ng ulo mo e, no? Sinabi ko nang ang Tita Fely mo na ang mag-aalaga sa'yo! Nakahanap na ako ng mayamang asawa na hindi kasing batugan ng ama mo! Wala na rin akong pakialam sayo'ng bata ka dahil simula nang ipinanganak kita ay nagkanda-leche na leche ang buhay ko! Dapat nga noong buntis pa lang ako ay ipinalaglag na kita pero magpasalamat ka at binuhay pa kita."
Mas lalong napaiyak ang batang lalake sa sinabi ng kanyang ina. Tila ba kahit sarili niyang mga magulang ay walang pakialam sa kanya.
Palagi siyang sinasaktan ng pisikal at emosyonal ng mga ito pero kahit ganon pa man ay hindi siya nagtanim ng sama ng loob sa mga ito dahil kahit pagbaliktarin man ang mundo ay mga magulang niya pa rin ito at mahal na mahal niya ito.
"Narinig mo ang sinabi ng nanay mo, Russel? Kaya 'wag ka nang magmakaawa na hindi ka namin iiwan dahil malas ka lang sa buhay namin!" Sabi ng ama niya.
"H-hindi niyo po ba ako mahal?" Humahagulgol na tanong ng batang lalake sa mga magulang niya.
Natawa lang ang kanyang ama't-ina sa tanong niya. "Kahit kailan ay hindi ka namin minahal. Binuhay ka lang namin dahil kahit papaano ay mabait pa rin kami."
Umalis na ang mga magulang nito bitbit ang mga gamit nila habang ang batang lalake naman ay patuloy pa rin sa pag-iyak at nakaluhod pa rin dahil sa natamo niyang mga sugat at pasa sa katawan dahil sa pambubugbog sa kanya ng kanyang mga magulang.
Sa loob ng anim na taon na pamumuhay niya kasama ang kanyang ama't ina ay puro hirap at pasakit lang ang naranasan niya.
Naisip niya minsan na maglayas na lang pero sadyang mahal niya talaga ang kanyang mga magulang kaya napagdesisyonan na lang niya na tiisin ang mga pang-aabuso nito sa kanya.
Tuluyan na siyang iniwan ng mga ito dahil nakahanap na ang kanyang ama't-ina ng bagong pamilya. Ang kanyang ama ay ilang buwan pa lang ang nakakalipas simula nang ipinanganak siya ay nakabuntis rin pala ito ng ibang babae samantalang ang kanyang ina ay namasukang katulong sa isang matandang mayaman na biyudo at nang mapikot ito ng kanyang ina ay naging mag-asawa na sila.
Humahagulgol pa rin ang batang lalake at tumingala sa barong-barong nilang butas na ang bubong dahil sa kalumaan.
"Bakit po hindi ako mahal nila mama at papa? Ano po bang nagawa kong kasalanan sa kanila? Kasi kahit po hindi nila ako mahal ay mahal na mahal ko po sila, Lord.."
Mabait na bata ito. Paborito siya ng mga kapitbahay nilang mahihirap rin dahil daw sa angking kagwapuhan, kasipagan, kabibuhan at magaling ring kumanta ito.
Minsan kapag parehong hindi umuuwi ang kanyang mga magulang sa kanilang barong-barong ay binibigyan siya ng mga ito ng pagkain. Pero lumipat na sila sa mas luma at sira-sirang bahay kaya nalayo na siya sa mga mababait niyang kapitbahay.
Maraming magandang pangarap ang batang lalake para sa kanya katulad na lang ng makapag-aral siya para maging isang sikat na arkitekto balang araw at para maiahon niya mula sa kahirapan ang kanyang mga magulang at magkaroon sila ng isang masaya at buong pamilya pero napagtanto niya na kahit kailan ay hindi mangyayari iyon.
Pinilit niyang makatayo kahit iika-ika na siyang maglakad dahil sa pasa at sugat sa kanyang mga paa at nang makatayo na siya ay sakto naman ang pagbukas ng pintuan ng kanilang barong-barong.
"Russel! Hindi ba't sinabi ko na mangalakal ka ng mga bakal para maibenta mo at 'yung kinita mo ay ibibigay mo sa akin? Baka nakakalimutan mo na iniwan ka na sa akin ng mga magulang mo at ako na ang bubuhay sa'yo kaya dapat ay susundin mo lahat ng mga iuutos ko!" Galit na sabi ng kanyang tiyahin habang may hawak itong bakal na pamalo.
Lumapit ito sa batang lalake at pinagpapalo siya sa iba't-ibang bahagi ng kanyang katawan.
Napadaing sa sobrang sakit ang batang lalake at napaluhod na naman ito sa sahig dahil sa sobrang pang-aabuso na sa musmos niyang katawan.
"T-Tama na po tita..." Umiiyak na sabi niya na nanghihina na at napasuka na rin ito ng dugo pero patuloy pa rin ang kanyang tiyahin sa pagpalo sa kanya ng pamalong bakal.
"Matigas ang ulo mo kaya dapat ay tinuturuan ka ng leksyon!"
"Tama na po.. masakit na tita.. h-hindi ko na po kaya..."
Napabalikwas mula sa pagkakahiga si Russel at hinihingal ito habang may unti-unting lumalabas na luha mula sa kanyang mga mata.
Napanaginipan na naman niya ang kanyang mapait na nakaraan. Ayaw na niya itong maalala ngunit tila binabalikan siya ng kahapon dahil sa mga ganoong klaseng panaginip.
Nagpunas siya ng luha gamit ang kanyang mga palad at tinignan na lamang niya ang picture nilang dalawa ni Alanis noong unang buwan nila bilang magkasintahan na pina-frame pa niya at inilagay sa loob ng kwarto niya.
"I'm sorry, Alanis if I'm hurting you in my obsessive ways. Gusto ko lang na maranasan na mahalin at alagaan ako at ikaw pa lang ang nagpaparamdam nun sa akin. Takot akong mawala ka sa akin at iwanan mo ako. Sana balang araw ay mahalin mo rin ako dahil sobrang mahal na mahal kita..."
At napaluha na naman ito.
Maybe he's obsessed, possessive and desperate to love but he only wants to loved and beloved.
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.