"Kringggggg!!!!!!!!"
Naalimpungatan ako sa tunog ng alarm clock ko sa ibabaw ng maliit na table sa gilid ng kama ko.
"15 minutes pa," mahina kong usal.
Nakatulog ulit ako ngunit tumunog na naman ito muntikan ko nang ibato.
Pang ilang alarm clock na ba 'to?
Laging nasisira, katulad kung paano masira ang pagkakahimbing ng tulog ko.
Nahulog pa 'ko sa kama sa pagpilit na abutin ang cellphone ko hindi tumigil kakatunog.
Bwisit!!!
"Aray!!! Nyeta!!!!" sigaw ko habang hinihimas ang puwetan ko.
Sasagutin ko na sana ng biglang mamatay. Isinuot ko ang reading glass ko para tingnan kung sinong istorbo.
Ahh si Boss!!
Ang dami n'yang text at tawag na akala mo'y hindi ko naiintinhan ang sinasabi niya.
Alam ko ang deadline... Paulit-ulit na deadline...
Tamad akong tumayo sa pagkakasalampak sa sahig. Pumunta sa banyo para maghilamos.
Napadako ang mata 'ko paglabas ko sa maliit na calendar na nakasabit sa dingding. Nanlaki ang mata kong mapatitig do'n.
"Lunes!!!... Fvck!!!!"
So stupid of me....
Coding ngayon ang sasakyan bawal pa malate. Siguradong uusok na naman ang ilong ni boss nito!
Rules sa company na bawal malate. Halos lahat naman at aware ako doon. Parang estudyante lang ang peg.
Bumaba ako para mabilis na maghanda ng breakfast ko. Nagbati agad ako nang itlog. Naghanda rin ako ng pandesal na pwede nang ibato sa tigas buti na lang may kape.
Ohh life....
Tahimik...sobrang tahimik.. walang bago dito sa apartment ko. Ang gulo ko rin. Madalas. Ayaw ko sa maingay at ayaw ko rin sa tahimik.
Hays..
Pagkatapos kumain ay naligo agad ako. Hindi 'ko na matatawag na ligo pa 'to o wisik sa sobrang bilis. Mabilis pa sa alas quatro ang kilos ko. Halos maglaglagan na ang mga gamit ko sa may sahig. Hindi na akong nag-abalang damputin.
Nagmamadali akong nagsuot damit at black fitted jeans. Madali sana kung skirt kaya lang mahirap at commute ako ngayon.
Hindi 'ko na nagawang tumingin sa salamin.
Liptint lang okay na. Spray ng pabango.
Fresh...
Nagsuot ako ng hindi kataasang heels. Halos matapilok pa ako, dahil naglalakad ako habang nagsusuot. Agad akong lumabas.
Halos palabas na ako sa gate nang maabutan ko ang landlady na nagwawalis sa labas.
Naniningkit na mata n'yang itinuro ang ulo ko.
"Late ka naman nagising ano..??" iiling-iling na tanong niya.
Kunot-noo 'ko akong napahawak sa ulo ko. Hindi pala natatangal ang tuwalya sa ulo ko. Hindi ko na siya nasagot, dali-dali akong tumakbo pabalik sa apartment. Hindi ko pa mahanap ang susi.
s**t!
Nang mabuksan basta ko na lang hinagis ang tuwalya sa may upuan.
Halos magkanda dapa-dapa pa ako sa pagbaba. Imagine 3rd floor at dulo pa ang tinakbo ko.
Ang tindi talaga.
Bakit kase ayaw magpakabit ng elevator!
Buti na lang paglabas 'ko ay may tricycle na agad dahil kung wala pa, baka lalong umakyat ang dugo ko sa sa sobrang inis.
Habang nasa byahe. Napapaisip na lang ako sa buhay ko.
Tutulog..
Kakain...
Liligo...
Papasok....
Uuwi...
Wala na bang bago?
Paulit -ulit. Boring..
Wala man lang thrill.
Nakasanayang buhay...
Pagbaba ko inabot ko ang 50 pesos kay Manong. Nakailang tawag ako dahil wala sa perang ibabayad ko ang atensyon n'ya. Kita ko ang titig at nakangisi n'ya. Hindi ko na lang pinansin dahil wala na akong oras para sa pakikipagtalo.
Nganga pa.Pasalamat s'ya may tip pa.
Dukitin ko mata niya e...
Sa pagmamadali hindi ko sinasadyang makaapak ng paa ng ibang tao. May mga nagmumura na sa'kin.
"Bawal singit.
Wala daw akong manner.." saad ng Ginang na animo'y kinulayan ang kilay.
Wow ha??? Just wow!??"
Pilit akong ngumiti at nag peace sign.
Hindi man lang daw ako magsorry. Nag peace na nga. Sa mga ordinaryong araw hindi talaga ako sumisingit, subalit wala na akong choice. Kaya tangin "Pasensya naman. Nagmamadali lang."
Maiinit, maingay, masikip, mabanas in short haggardo Verzosa ang peg 'ko ganyan maiipaliwanag ang araw-araw na takbo ng buhay ko.
Nag-LRT ako para mapabilis pero lintek sa pila. Sa bus naman unahan sa pagsakay. Masaklap pa pag nasabayan ng rush hour.
Masasabihan pa naman ako ng boss ko "'oh ang aga mo para bukas," dahil sa sobrang late. Dinaig pa ang pagong ang andar ng sasakyan sa edsa.
"Lintik na buhay..."
Kakasawa...
Nakakahilo ang siksikan ng mga tao, 'yung tipong naligo ka sa pabango, tapos darating ka sa pupuntahan mong amoy na hindi maipaliwanag.
Minsa'y talaga may makakasabay ka pang manyak. Tititig hindi sa mukha kundi sa hinaharap mo. Sa titig na parang hubad kana sa isip nila.
May kunwari pang hindi sinasadyang mapapahawak sa puwetan 'ko.
Jusko.. Anak ni janice.. Dammit!
Okay naman ang trabaho ko, sa totoo nga dream job ko 'yon. Kaya lang, pakiramdam ko may kulang...
Kulang na hindi ko maipaliwanag..
There's something wrong with me.. There's something missing... Sa pagkatao na hindi mapunanan ng pera o ano man...
Naliligaw ako....
Kahit may compass o mapa pa, hindi matuturo ang direksyon na tinatahak ko.
Sa huli....ako pa din ang magdedesisyon sa para sa sarili ko.
Pagdating ko sa office.. Latang-lata ako. Nagmamadali pa akong nakipag unahan sa elevator na biglang nagsara, ang ending naghagdan ang lola n'yo.
Ohhh what a life...
Kamalasan na kotahan mo na ako today.. Kota na po!
Naabutan kong kakalabas lang ng secretary n'yang si Chelsea. Nagsign pa ito ng guhit sa leeg, it means "you're dead." Turo sa loob ng office ni boss.
Lalo akong kinabahan.
Pagbukas ko tumambad ang striktong mukha niya.
"You're too early. Too early for tomorrow..Miss Perez." sarkastikong baritone na boses ng boss n'ya nangingibabaw buong sulok lugar.
"Time is gold, Miss Perez baka nakakalimutan mo. Just to remind you, one second, just one second maaring makasira sa clients natin once na malate tayo sa pagcompile ang mga requirements." saad niya habang nakatingin sa relo at nakamustra ang index finger for 1 seconds
Parang ngayon lang ako nalate ah.
Ohh diba kota na...
"I'm really sorry, Sir," nakayuko kong sabi.
Napaka moody.
Hindi na s'ya kumibo pa at galit na pumunta sa table niya. Nakasunod lamang ako para ibigay ang mga documents. He didn't even threw a glance at me. Seryoso lamang sa ginagawa.
"Sir, i-ito po yung ibang research and r-report." nauutal kong sabi.
Inilagay ko ang folders sa mga tumpok na files. Dahil wala naman akong narinig na kung ano kaya naglakad na ako papunta sa table ko. Tahimik na binuksan ang laptop ko. Inayos ang mga report at research na ginawa ko.
Ay kabute!
Natigilan lang ako sa pagtype nang dahil may lalaking biglang pagsulpot niya sa gilid ko. Napaangat ako ng tingin sa kan'ya.
Nagtama ang mga mata namin. Kulang na lang, patayin ako sa titig n'ya.
"Bakit hindi ka man lang sumasagot sa tawag o nagrereply sa mga text ko??" mariin n'yang sabi. May diin ang bawat salita, animo'y nagbabanta.
Napaawang labi ko.
"Ayoko talagang sagutin." Gusto ko sanang isatinig.
"Nalimutan ko po sa pagmamadali, Sir. " pag-aamin ko.
"Huwag lang malate, ang ending late pa rin." idadagdag ko sana.
Tinikom ko na lang ang labi ko. Lalong lang itong sasabog sa inis. Mamaya atakihin pa ito. Dagdag isipin 'ko pa.
"Baka ang deadline e nakalimutan mo rin. Alam mong napakaimporte noon??" singhal niya.
Tahimik lang ako sa upuan.
Tatango-tango lang, bago naglakad paalis sa gilid ko.
Pinagmasdan ko lang ang likod niya.
"Gwapo at matipuno ang katawan...
Kaya lang napaka.....sungit.. period..
Wala sa ulirat napabulong.
Kaya lang dinaig pa ang babaeng may monthly period sa kasungunitan.
Nagulat akong nang bigla siyang humarap.
"Yeah...I. know." nakangisi niyang titig sa may ulunan ko. Iiling iling pa..
Jusko napalakas naman ng radar ng lalaking 'to. Biruin mo bulong lang 'yon narinig pa.
Nawala na parang bula ang ngisi niya ng malipat ang paningin sa may dibdib ko. Agad akong pinanlisikan ng mata.
Problema nito!
Halos magbanggaan pa ang kilay n'ya, sa pagkakasalubong at ang ngipin mariin ang pagkakapantay. Hudyat ng isang pagsabog.
Napababa ako ng tingin. Ayon tumambad sa'kin. Ang medyo basa kong white polo at bakat na bakat ang bra kong suot. Ang masaklap pa, hindi nakabotones tumanbad ang cleavage ko.
Lintek. Anak ni Janice.
"Kaya pala ako minamanyak kanina sa loob ng tren."
Gustong kong sumigaw sa inis. Nakapasabunot ako sa buhok at doon ko napansin na sabit sabit. Hindi pa ako nakakasuklay.
This is really embarassing and disgusting.
Lumapit s'ya sakin at halos maduling ako sa sobrang lapit n'ya. Naamoy ko pa ang amoy na mint n'yang hininga.
"Don't tell me sumakay ka na ganyan ang itsura mo, Miss Alaska Earnestine Perez?? " tiim bagang niyang bulong sa tenga ko.
Galit na siya.
Ganito s'ya kapag nagagalit buong pangalan n'yang babanggitin na akala mo'y napalaki ng kasalanang nagawa mo.
Ano bang problema nito??
Hindi obvious sir.. Hindi obvious...
Bulong 'ko sa isip.
Lumayo ako ng kaunti bago sumagot bago pa magkabanggaan na ang mga ilong namin.
"Hindi ko na po napansin dahil sa pagmamadali." pag-aamin ko.
"You're so... unbelievable." galit niyang singhal.
Tumingin muli sa dibdib ko bago padabog na umalis pumunta sa table niya. Rinig na rinig ang tunog ng key board niya sa diin ng pagkakapindot. May binubulong-bulong pa na hindi ko maintindihan.
Ibinotones ko agad ang aking suot at nag-ayos saglit ng sarili. Hiyang-hiya naman ako sa kagwapuhan nitong boss kong halimaw kung tumingin.
Konti na lang iisipin ko, na trip ako nitong si Sir 'e.
Pero alam kong napaka impossible rin naman at iba ang tipo nito mga babaeng sexy na malaVS model.
Napabalik ako sa pag type nang bigla siyang tumingin and he mouthed a word what galit na galit ang kilay.
Bahala ka nga! Ikaw na ang pasimpleng tumitingin, tapos ikaw pa ang galit.
Wala na kaming naging imikan sa trabaho. Sobrang focus ko. Ganoon rin siya. Hindi maalis sa'kin ang pakiramdam ng mga matang nakatitig sa'kin. Kada lilingon naman ako, sa gawing 'yon ay tutok na tutok siya sa kanyang ginagawa. Taas kilay na titingin pag nahuhuli akong nakatingin doon.
Ang paranoid mo.. Alaska.
Halos maging manhid na ang daliri ko. Syempre ikaw ba namang i message minu-minuto ng boss mo, just to remind you about sa deadline. Walang katapusang dealine. Halos 'yon na nga lang nakikita ko sa paligid.
Hays!
Hindi ko na namalayang lunch time na pala. Yayain ko pa naman sana siyang kumain nang bigla niyang sinabi na nagpadeliver na lang siya ng tanghalian para hindi na rin hassle sa amin. At siguradong marami na ring tao dahil ilang minuto na lang ay mag-lunch na mga empleyado.Tahimik lang kaming natanghalian.
Pagkatapos kumain at nagpahinga ay bumalik na ulit kami sa serious mode.
Napaunat ako nang matapos kong maisubmit ang dapat kong isubmit.
Nagpatunog ng leeg.
Humigop ako ng black coffee sa tasang kong may keep calm nakadesign, ngunit madalas na hindi ko rin naman nasusunod.
Natingala at pumitik para huminga.
Finally....I'm done.
Hindi ko na namalayaan mga 5pm na pala.. Nagpaalam na kami para umuwi. Nauna na ang iba, tanging sa editing at research team lang ang nag overtime. Nagulat ako nang nagpresinta ang boss na hinatid kami, actually ako lang dapat ngunit dakilang makalas ang pandinig ng mga officemates ko, kaya nahiya naman ang boss namin at ihahatid na rin sila.
Ayoko sana pero hindi siya pumayag. Medyo nasa hulihan ako. Nasa likuran ang boss namin. Naiiling at natatawa na lang ako sa kaingayan nila.
"Ako sa may unahan mauupo kase ako pinakamalayo sa ating lahat hahaha."
"Sus. Mananching ka lang. Baka gahasain mo pa si Sir 'no!.."
"Ayiieh makakasakay rin sa wakas sa sasakyan ni Sir Pogi. Sisinghutin ko talaga yung amoy 'don!"
Mga kilig na kilig.
Mga nagtutulakan nasa harap daw sila mauupo. Akala mo'y mga hindi nasabon kanina. At halos mag-iyakan sa akin kanina. Hindi na raw keri ang aming boss maypagsabi pang magpapasa na raw bukas na bukas ng kanikang resignation letter. Pero eto ngayon mga parang sinilihan sa kilig.
"Ang epekto ni Mr. Boss pogi raw,"
Habang ang lalaking nasa likod namin ay walang imik. I've felt something strange. Para bang may mga matang nakatuktok sa'kin kanina pa.
Maya-maya bigla itong lumapit, bahagyang tumapat sa'kin at seryosong bumulong,
"Miss Perez sa harap ka mauupo. Sa tabi ko. This is not a request... It's an order...."
Pardon!
Naiwan akong awang ang labi. Hindi man lang ako hinayang magprotesta pa, dahil naglakad na siya palayo at kasama ang isang matagumpay na ngisi. At pinatunog na ang kanyang sasakyan.
Huh? Something fishy..
*****
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.