Nagsisimula na ang pagsikat ng araw nang narating niya ang lugar. Itinali si white sa isang puno bago ito iniwan. Sobrang na miss niya ang falls na ito, dito sila nag honeymoon ni Jade. Saka bumaling sa daan patungo sa rest house at nagmamadaling tinungo ang pintuan. Nakabukas iyon kaya maingat na pumasok siya dito.
Malakas ang t***k ng kaniyang puso dahil sa kaba, sigurado siyang narito ang asawa niya, Hindi sinasadyang napatingala siya sa isang malaking painting. Siya ang nasa painting ngunit kung iba ang makakakita ay aakalaing isa iyong dyosa, Napako ang tingin niya sa isang taong nakahandusay sa carpet. Takot agad ang naramdaman niya nang makitang wala itong malay.
“Jade!”
Naghahalo ang amoy ng pabango ng asawa at ang alak na nainom nito. Napa atras siya dahil parang hindi ito ang kaniya……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.