3rd Person's Point Of View*
Kanina pa hinihintay ni Khaled si Sophie na makaakyat papunta sa Opisina niya at nag aalala naman ang sekretarya niya sa pinapagawa ng Boss niya sa bagong Assistant nito. Hindi naman ganun ang pinagawa nito sa kanya noon. Tinambakan lang naman siya ng maraming gawain.
"Sir, baka po kung ano na pong nangyari kay Ms. Bond. Malapit na pong mag Thirty minute simula nung makita natin siya sa elevator."
"Let her, maaga pa ang thirty minutes."
Napabuntong hininga na lang ang Secretary nito at iniisip niya na nakalimutan niya na coldheartless ito. Mapa babae o lalaki ay walang takas sa Boss nila.
"Open the CCTV."
Gulat siyang napatingin sa Boss niya at nakita niya na nag aalala ang mukha nito.
Akala niya heartless ang Boss niya pero hindi pala. Nakikita niya na nag aalala ito sa bagong Assistant nito.
"Anong ginagawa mo?"
"Ah! Opo bubuksan na po."
Nung binuksan niya ang CCTV ay hindi niya makita ang bagong Assistant kaya binackward niya iyon hanggang nakita niya na may kasama itong lalaki.
"Boss, may kakilala pala si Ms. Bond dito?"
Napatingin si Khaled sa tv at napakunot ang noo niya dahil sa nakita dahil magkasama na naman silang dalawa at naghahabulan pa sila paakyat.
"Damn."
Natigilan siya nang makita nito ang sakit sa mukha ni Sophie at napahawak ito sa tiyan niya at napaluhod ito sa hagdanan habang nakahawak sa gilid.
"Sophie..."
Lumapit yung lalaki at bigla na lang nawalan ng malay si Sophie.
Napatayo siya dahil sa nakita.
"Sir, nangyari po ito 20 minutes later na po baka nasa clinic na po sila. Mabuti may kasama si Ms. Bond.... eh, Boss? Saan kayo pupunta?"
Nagmamadaling lumabas si Khaled sa elevator at kinakabahan siya dahil ito na ang unang araw ni Sophie sa kompanya tapos nawalan na agad siya ng malay.
"Damn, it's my fault."
Nakarating siya sa Clinic at agad niyang hinanap si Sophie pero kahit isang hibla ng buhok nito ay di niya nakita.
"Sir Carter, ano po ang ginagawa ninyo dito?"
"Where's my Assistant?"
Napabuntong hininga ito habang nakatingin sa akin.
"Bakit mo naman ginanun ang Assistant mo. Sumusobra ka na, Sir Carter."
"Why what happened? Nasaan siya ngayon at ano ang nangyari sa kanya?"
"Di ba niya sinabi sayo na may Ulcer siya? At hindi mo ba siya pinakain ngayong umaga at mas lalong sumakit dahil pina akyat mo pa siya sa hagdanan. Alam mo naman na kung mas active ang katawan natin sa mga ganun ay mas lalong gagalaw ang Stomach natin at sa kaso niya dahil walang laman ang tiyan niya ay mas lalong sasakit dahil hangin lang ang laman ng tiyan nito."
Naalala nito na ang sabi ng mga alaga nito na may ulcer itong iniinda. Napakamao na lang siya dahil sa nalaman.
"Saang Hospital siya dinala?"
Sophie Point Of View*
Napamulat ako at nakita ko agad ang puting kisame at napatingin ako sa gilid at nandito si Khaled sa gilid ng higaan ko at natutulog siya sa tabi ko habang naka upo sa upuan at nakahawak siya sa kamay ko.
Bakit siya nandidito? Hindi tama yung ginawa niya sa akin at work harrassment ang ginagawa niya. Binawi ko ang kamay ko at lumayo sa kanya. At umupo ako sa higaan at napa igik ako dahil may konting sakit pa din.
Naramdaman ko na nagising siya at tiningnan ko siya.
"Ms. Bond."
"Hindi po tama ang pinagagawa niyo sa akin. Tanggap ko naman na iwan niyo ako sa elevator kasi babalik at babalik naman agad ang elevator pero ang paglalakad ko sa hagdanan..."
"I'm sorry."
Natigilan ako at napatingin sa kanya. Sabi nila hindi ito nagsosorry?
"I take responsibility sa nangyari sayo at inaamin ko na kasalanan ko talaga ang bagay na yun at di ko dapat pinagawa iyon sayo lalo na at may ulcer ka."
"No need to do tha---"
"No, ako na ang bahala sa pagkain mo. Ako ang nagpapalala ng ulcer mo kaya ako na ang bahala sa Almusal, lunch and dinner mo everyday."
"Sir, no need to do that. Wala kang resposibilidad sa akin kahit na kailan."
Umiling siya at tumayo sa kinauupuan niya.
"I don't agree that. And that's final."
Magsasalita sana ako nang tumalikod na siya.
"May pinadeliver akong pagkain ngayon and don't worry tomorrow sarili kong luto ang ipapakain ko sayo."
Natigilan ako. Di ko itatanggi namimiss ko ang luto niya. Naisip ko na pambawi na rin ang ginawa niya sa akin.
"Kung yan po ang gusto niyo."
Nakita ko na napabuntong hininga siya bago tumingin sa akin.
"Sophie, Sabihin mo sa akin ang katotohanan. Kailan na ba yang ulcer mo? Wala naman yan noon."
Napaiwas ako ng tingin. Ayoko pang pasukin ang nakaraan namin. Ayokong masaktan ulit. Nagsimula ang ulcer ko nung umalis na ako sa mansion niya at nagpakalayo layo na 6 taon na ang nagdaan.
"Sir..."
"Just tell me para alam ko kung ano ang mga ipapakain ko sayo. Baka kasi malala na ang ulcer mo, please."
Tumingin ako sa mga mata niya at napabuntong hininga ako.
"6 years."
Natigilan siya sa sinabi ko.
At biglang may kumatok at mukhang ito na yung pagkain na inorder niya at pumasok naman at nanlalaki ang mga mata ko dahil fruits ito at oatmeal. Namiss ko ang oatmeal.
Inilagay iyon lahat sa lamesa ko.
"Kainin mo ang lahat ng iyan at ako na ang maghahatid sayo sa bahay mo."
"Ayos lang po ako. Kaya ko naman pong unuwi."
"Nah, ako ang Boss dito at kasalanan ko kung bakit ka nagkaka ganyan and I take resposibility for what happened to you."
Napabuntong hininga na lang ako. Walang nakakapigil sa gusto niya.
"Masusunod po."
Noon kasi ako ang nasusunod sa lahat at siya naman puro naman tango at lahat ng gusto ko ay binibigay niya. But now hindi na ako ang taong yun at ganun din siya. Hindi na siya ang taong yun.
Naalala ko ang nangyari noon.
Flashback...
Napamulat ako sa higaan namin at nakita ko na bumukas ang pinto at nakita ko siya na naka apron pa at may dala siyang Breakfast.
"Breakfast in bed, my love."
Inilapag niya sa higaan ang lamesa bago ako hinalikan sa labi na kinangiti ko at hinalikan din siya pabalik.
"Ano yang luto mo?"
"Lahat yan ay paborito mo. May gusto ka pa bang kainin?"
"Hmmm my oatmeal?"
"You want to eat that?"
"Hmm.."
"Okay, may iba ka pa bang gusto?"
Umiling na ako.
"How about you. Sabay na tayong kumain."
"Really? Akala ko kasi galit ka pa sa akin?"
Naalala ko nagtatampo pala ako sa kanya kahapon dahil hindi ko gusto ang niluto niya kahapon dahil di ko trip kainin yun.
"Hindi na ako galit."
Napangiti naman siya at hinalikan ako sa noo.
"Umuna ka ng kumain diyan at kukunin ko muna ang oatmeal mo."
"Nah, no need to do that. Salo ka na dito. Marami na ito."
Napangiti naman siya at tumabi sa akin at dahil isa lang ang kutsara at tinidor kaya siya na ang nagpakain sa akin.
End Of Flashback...
"Kumain ka na o ako na ang magpapakain sayo."
"No need to do that may kamay naman ako. How about you kumain ka na ba, Sir?" tanong ko sa kanya.
Di naman siya nagsalita at ang ibig sabihin nun ay di pa siya kumain. Nang biglang tumunog nga ang tiyan niya na kinagulat ko.
"Tapos na akong kumain."
Patay mali naman akong tumingin sa oatmeal ko at kinuha ko ang isang mansanas at binigay sa kanya.
"Kumain ka na rin, Sir."
"No, than---"
"Kumain ka na."
Natigilan naman siya at kinuha ang mansanas.
"Okay."
Kumain na ako hanggang sa maubos ko na at lumabas na kami at binayaran lahat ni Khaled ang gastusin sa Hospital.
Naglalakad kami papunta sa parking lot at aalayan sana ako ni Khaled pero agad na akong pumasok sa loob ng sasakyan sa likod at tumabi naman siya sa akin. At ang pwesto namin ay nasa pinakadulo ng bintana.
"Soph---"
"Sir Carter, may isa pa po kayong kasalanan sa akin kaya po ako nagkaka ulcer."
"What do you mean?"
"6:30am mo ako pinapunta sa Kompanya mo tapos 8:30am ka dumating. Naghintay ako ng ilang oras sa labas ng kompanya mo at dahil malayo ang kainan ay nag hintay ako sayo."
Natahimik naman siya at nakikita ko na parang na guilty na siya sa sinabi ko.
"I have an early meeting in online. I'm sorry di ko nasabi sayo. Nakalimutan ko."
Di ko siya pinansin. Sa isang araw ang dami na niyang maling nagawa sa akin na kina resulta ko na mapunta ako sa Hospital.
"Sophie..."
"Sir, please act like a Boss and Employee. We have boundaries at alam mo ang bagay na yun."
Napabuntong hininga siya at tumango. Pumikit na ako at sumandal sa pintuan. Kailangan kong magpatulog tulog.
"You already put boundaries. Kung yan ang gusto mo ay gagawin natin."
Mukhang nakita niya akong nakatulog na dahil tumahimik na siya.
Di ko napansin ay nakatulog na ako ng tuluyan.
Napamulat ako dahil sa alarm clock at di ko napansin na umaga na pala. Teka nakatulog ako! Sa pagkakaalala ko ay nakatulog ako sa sasakyan ni Khaled. Don't tell me binuhat niya ako papunta dito sa bahay ko? Nakita niya ang maliit na bahay ko? Kasama ang sampung mga alaga ko na natutulog sa dalawang kwarto. Tig lilima kasi silang lahat sa dalawang kwarto.
Napahawak ako sa buhok ko. Sana mali ang iniisip ko. Waaaa sana mali ang iniisip ko!
"Boss!"
Napatingin ako sa pintuan at narinig ko ang boses ni Five sa labas ng kwarto ko.
"Bakit?"
"Gising na po nandito si Sir Khaled."
Nanlaki ang mga mata ko at agad tumayo.
"Five, tell him na maghintay sandali."
Tiningnan ko ang orasan at 7:40am na pala. Hala natagalan ako sa pag gising! Bakit naman daw siya nandito!
Agad akong pumasok sa banyo para maligo at nagbihis at naglagay ng make up para di ako putla kung tingnan at dumiretso na ako sa pintuan at nagbuntong hininga ako bago lumabas.
"Sa wakas nandito na siya."
Agad kong nakita si Khaled na nakaupo sa sofa habang nakatingin sa akin.
"Good Morning, Sir."
"Boss, grabe nakatulog po kayo dahil sa pagod."
Napatingin ako kay Khaled at nagsign siya na di niya sinabi at nakahinga naman ako ng maluwag dahil doon dahil ayokong mag aalala sila.
"Boss, alagaan niyo po ang sarili niyo at wag po kayong masyadong nagpapagod sa trabaho at gaya po ng sinabi ni One parati, araw araw at gabi gabi na wag kalimutan ang kumain."
Napangiti ako sa kanila at tumango.
"Don't worry, ako na ang bahala sa kakainin niya araw araw."
Nagkatitigan naman silang lahat na may pagtataka hanggang sa bigla silang napangiti.
"Kayo na po ang bahala sa Boss namin. Boss, trabaho ka lang po at kami mga Kuya ang mag mamanage sa Milk tea shop," ani ni One.
"Kahit ganun wag kalimutan ang pag aaral ha."
"I swear po namin na gagraduate kaming lahat po."
Napangiti ako sa kanila at tumango.
"Gusto namin maging proud po kayo sa amin."
Niyakap ko sila at humiwalay agad sabay ngiti.
"Let's go?"
Napatingin ako kay Khaled na nagyaya ng umalis. Napatingin ako sa relo at Twenty minutes.
"Hala late na nga kami! Bye boys, ang bahay at ang store ha."
"Yes, Boss!"
At lumakad na ako papunta sa sasakyan ni Khaled at nasa labas pa siya ng sasakyan.
"Di niyo naman ako dapat na ihatid pa dahil may scotter naman po ako."
Napakunot ang noo niya at napatingin sa scotter.
"Is that safe?"
"Oo naman, ilang taon na akong nagdadrive kaya easy na yan sa akin."
"Malaki na nga ang pinagbago mo," mahinang ani niya pero di ko marinig.
"Dito ka na sumakay sa sasakyan."
Napabuntong hininga na lang ako at no choice naman ako at umuna ng akong pumasok at biglang tumama ang binti ni Khaled at nagulat ako nang napatong siya sa akin at ang pinakamalala pa ay nagkadikit ang mga labi namin sa isa't isa.
Na kinalaki ng mga mata namin. Waaa bakit nangyari ang bagay na ito!
*****
LMCD22
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.