Tumingin siya kay Xian at nakita niyang nagtataka rin ito sa paghagod niya sa mukha ng babaeng tulog na tulog sa sofa. Hinanap ang senyales na ito nga si Althea ngunit kagaya ni Kikay ay wala itong nunal sa ilalim ng baba nito.
"Saan tayo pwedeng mag-usap?" seryosong turan sa kaibigan.
"Sa conference room," anito saka sila umalis doon upang hindi magambala ang babaeng walang kamalay-malay.
Dumeretso sila sa conference. "I told you, hindi siya si Althea? Bro, matagal ko nang kasama si Panyang, I mean Pauleen kaya masasabi kong hindi siya si Althea. Idagdag mo pang may kaya si Althea at—" napatigil nitong sambit.
"Alam mo bang may kilala rin akong kamukha ni Althea?" aniya rito na kinagulat ng kaibigang si Xian.
"Really?" tila nakakalokong turan.
"Yes! Her name is Kathleen Saavedra, Kikay ang tawag sa kaniya," seryosong turan dito nang mapansing tila hindi sineryoso ng kaibigan. Nang tumingin ito at nakita siyang seryoso ay natahimik ito.
"Kaya ba gulat na gulat ka nang ipakilala ni Joe si Althea sa'yo?" tanong nito. Napansin din pala nito ang reaksyon nila.
"Of coarse, same as yours. Pero hindi tulad mo, at that time ay alam kong nasa Amerika si Kikay," aniya rito.
"Kung ganoon ay tripplets sila pero papaano?" naguguluhang turan ni Xian.
"Kailangan mong malaman ang pinagmulan ni Pauleen? Ganoon, ang gagawin ko sa pagbalik ko sa Amerika," matiim na turan kay Xian. "Hindi na ako magtatagal dahil imi-meet ko muna ang mga magulang ni Kikay sa airport. May ipapadala raw sila para rito," turan ng sipatin ng orasan. Ayaw niya kasing mahuli sa flight niya lalo pa at hindi mawala-wala ang mahabang pila dito sa Pilipinas.
"Mag-iingat ka, Bro. Babalitaan kita," tugon naman ni Xian. Pareho silang nahihiwagahan sa kaugnayan ng mga babaeng dumating sa buhay nilang tatlong magkakaibigan.
Sa pag-alis sa opisina ng kaibigan ay hindi niya maiwasang mapailing. Kung maglaro ba naman ng tadhana ay napakahiwaga. Paanong napunta sa poder nilang tatlong magkakaibigan ang babaeng iisa ang mukha.
Sa paliparan ay nakitang nag-aabang na ang magulang ni Kikay. Tulad noong una itong makita ay panay ang sipat ng mga ito. Nakaupo silang tatlo sa may departure area. Kasama pa rin ng mga ito si Segundo na may hawak ng maleta. Nang makita siya ng Tatay ni Kikay ay agad itong kumaway. Tuwang-tuwa ang mga ito.
"Oh, hijo, buti naman at maaga ka. Tignan mo at ang haba ng pila papasok pa lamang ng airport. Dinaig ang pila ng rasyo sa amin ah," nakangiting turan ng ina ni Kikay. Ngumiti siya dahil alam niyang sa mga ito nagmana si Kikay.
"Opo, salamat po pala rito," aniya na puno ng paggalang.
"Naku, wala iyon. Dapat kami ang magpasalamat. Inabala ka pa namin," maagap pang turan nito. Muli siyang ngumiti rito.
"Ahemmm! Ahemmmmm!" tikhim ni Segundo upang maagaw ang pansin niya. "Pare, pakiabot na lang ito kay Kikay," ani ng lalaki. Isang sobre iyon at may maliit na box. Napatingin siya sa mukha ng lalaki saka alanganing inabot iyon. Ngumiti si Segundo sa kaniya. "Salamat, Pare."
"Bueno, hijo. Pakikumusta mo na lamang kami sa anak namin ng personal. Sabihin mong maayos naman kami," turan ng Tatay ni Panyang. "Siya, pumasok ka na at humahaba pa ang pila," dagdag na turan nito.
Atubiling kinuha ang maleta saka na sana pupunta sa pila nang may maalala siya. "Inay," tawag niya.
"Ha?! Ako ba ang tinawag mo, hijo?" gulat ng ina ni Kikay. Ngumiti siya agad.
"Opo, may itatanong lang po ako," alanganing turan.
"Aba'y kahit ano pa iyan ay sasagutin ko basta ba kaya ko. Huwag lang English alam mong pilipit dila ko," anito na nakatawa.
Gusto mang tumawa sa sandaling iyon ay hindi magawa. "May kakambal po ba si Kikay?" kabadong tanong rito.
"Ah!" singhap ng nanay nito at napatigil. Nawala rin ang saya sa mukha nito.
"Naku! Hijo, nag-iisa lang iyang anak naming iyan. Kaya mahal na mahal namin siya," ang sabad ng Tatay ni Kikay. "Hala siya, pumila ka na, hijo at nawa ay maluwalhati kang makarating sa Amerika," anito dahilan para magsimula ka siyang lumayo.
Habang papunta sa pila ay humabol ang kanina ay natigilang ina ni Kikay. "Hijo, saglit?" anito kaya napatigil si Zeus.
"Saang probensiya ka ulit nanggaling?" puno ng kyuryusidad na tanong.
"Pampanga po," anito. Bahagya itong nakahinga sa sinabi niya. "Oh, siya, pakisabi kay Kikay na mahal na mahal namin siya," turan saka umalis na ito. Tumitig siya sa magulang ni Kikay. Batid niya roon ang malabis na pagmamahal sa anak pero gumugulo pa rin sa isipan kung papaaano ang iisang mukha ay may tatlong katauhan.
Sa eroplano ay hindi mapakali si Zeus. Nariyang ilang ulit niyang tinititigan ang larawan nilang kuha noong engagement party ni Joe at Althea. Silang tatlong magkakaibigan habang katabi ni Joe si Althea. Masayang-masaya ang mukha ng kaibigang si Joe habang sila ni Xian ay masaya rin pero may bahid pagtataka.
Dahil nasa Paris pa ang magulang ay batid niyang ang kapatid na si Kelly ang sumundo sa kaniya dahil hindi naman marunong mag-drive si Kikay. Hinanap niya ang kapatid ngunit ang masayang mukha ni Kikay ang nakita habang hawak ang isang bond paper na nakasulat ang pangalan niya. Hindi maiwasang mapangiti saka tinungo ang kinaroroonan nito. Nang makita siya nito ay tudo kaway na tila ba hindi nahihiya sa ginagawa nito. Halos tumambling pa ito marating lamang ang kinaroroonan nito.
"Hey, Sir. Here! Here! I'm hereeeee," turan nito.
"I know," ani ni Zeus para pagtakpan ang pananabik na makita ito.
"Ako na po hihila sa bagahe mo este bagahe ko pala, Sir. Salamat dito," masayang-masayang turan nito.
"Your welcome. Okay lang ako na," aniya. "Where is Kelly?" tanong dito.
"Over there, there sa dulo oh," anito. Mabilis na naglakad si Kikay na nanguna sa kinaroroonan ng kapatid. Napapangiti siya habang nakatingin sa likuran nitong naglalakad muli ay naalala ang halos pagkahubo nito. Malamig man ay pinagpawisan siya.
"Nandito na po tayo, Sir," tinig ni Kikay. Nagitla siya.
"Ah, oo nga pala," aniya sa pagkapahiya dahil hanggang sa sandaling iyon ay nakatingin siya sa likod nito. Nahuli tuloy siyang nakatitig dito lalo sa bandang puwetan nito.
Pasimpleng kinikig si Kikay nang mahuling nakatingin si Zeus sa kaniyang likuran. 'Sabi ko na nga ba eh, pinagnanasahan mo ako noh?' pilyang turan sa isipan.
"How was your vacation? Glad, you look great. I think it's helps you a lot," pukaw ni Kelly habang palabas ito ng sasakyan. Tulog pala ang pamangkin niya kaya si Kikay ang naghintay sa kaniya.
"I think so," aniya saka mabilis na pinasok sa trunk ng sasakyan ng kapatid ang luggage niya. Sa tabi ni Kelly siya naupo sa unahan habang si Kikay naman ay tinabihan ang pamangkin niya sa loob ng sasakyan.
"How was the engagement?" untag ni Kelly.
Napamaang siya saka sumilip sa rare mirror at nakita bahagya ang magandang mukha ni Kikay. "It was good," pasimpleng tugon.
"That's it?" usisa pa rin ng kapatid. Mukhang nasi-sense din nitong may bumabagabag sa kaniya. "How's Kikay parents?" baling na nito upang mapalawig ang usapan nila.
"They're good," tipid pa ring turan.
"Are they funny like Kikay?" untag ng kapatid na nakangiti.
"Yeah," tango niya.
"Great! Like to meet them too," komento nito. Nang makarating sila sa bahay ay agad namang nagpasalamat ulit si Kikay sa kaniyang pagdadala sa pasalubong ng magulang nito.
"Thank you ng marami, Sir," pahabol nito sa kaniya.
Ngumiti lang siya saka dumeretso sa silid. Pagod siya dahil sa haba ng biyahe. Habang masayang nilalabas ni Kikay ang bigay ng magulang nito ay umakyat na siya sa silid nito.
Tuwang-tuwa si Kikay nang makita ang laman ng maleta. Tatlong malalaking tupperware at batid na niya ang laman. Limang piling ng malalaking sabang saging na sinabi ng inang imamaruya niya. May bonus pang malagkit na bigas. "Si Inay talaga, buti na lang 'di nabulok," turan niya nang makita ang mga padala ng mga ito. Batid niyang miss na miss siya ng mga ito. Maging siya man ay nami-miss na rin niya ang mga ito.
Mabilis na niligpit ang mga pasalubong niya. Sakto namang pababa na si Kelly matapos nitong ipasok sa dating silid nito ang anak dahil tulog na tulog pa rin.
"You're too lucky to have a great parents. I know they misses you too much," anito.
Ngumiti siya. "Me too, Kelly, I miss them too much. But I have to work, I promise them to give them a big house and lot of money," aniya rito. Napatawa si Kelly sa sinabi niya.
"I know," anito.
Habang nilalabas ang laman ng hand carry ni Zeus ay napansin niya ang binigay ni Segundo. Isang maliit na box at isang sobre. Batid na niya ang laman ng sobre, sulat iyon. Baka nga love letter nito kay Kikay. Naisip tuloy niyang huwag na lamang ibigay kay Kikay pero nag-alangan din siya kaya kinuha iyon saka bumaba at nakita itong kausap ang kapatid na si Kelly.
"Kikay," tawag rito.
"Yes po, Sir? May kailangan ka po?" magalang na tugon nito. Napakunot-noo siya.
"Pinabibigay ng boyfriend mo," aniya rito.
"Boyfriend?" maang na ulit.
"Si Segundo?"
Tumawa ito ng nakakaloka. "Sir talaga, we're just friend," showbiz na turan.
"Whatever," aniya naman.
Tawa ni Kelly ang nagpabalik sa kanilang dalawa. "My dear li'l brother, till me are—"
"Stop it, Kelly," malumanay na salag naman nito. Nakinatawa lang ni Kelly. Batid na niyang napapansin ng kapatid ang selos dahil sa lalaking nagngangalang Segundo at maging ang reaksyon niya noong i-blind date nito si Kikay sa kakilala nito.
Maya-maya ay nakapa ang cellphone sa bulsa at upang mawala ang tensyon at pukos na rin ni Kikay sa sulat ni Segundo ay pinakita rito ang larawan na kuha sa engagement ni Joe.
"That's me! But not me-" gilalas nito. "Wait! Ako ba ito?" turo sa babaeng hawak sa baywang ng isang guwapong lalaki. Nanlaki ang mata ni Kikay at tila nga nadiskaril ito.
"Let me see," curious na turan ni Kelly na sumilip. Maging ito ay nanlaki ang mata ng makita ang babae sa larawan. "Is she the girl?" tanong nito na tinitigan si Zeus.
Tumango naman siya. "Saglit lang, bakit ko siya kamukha? At ang sosyal niya pero mas maganda ako diyan," pilit na giit ni Kikay pero sa loob niya ay naguluhan siya. Bakit mayroon siyang kamukhang-kamukha.
"Sino siya?" tanong niya kay Zeus. Tumitig ito sa kaniya.
"Althea, fiancee ng best friend ko. Now, tell me, Kikay. Sino ka bang talaga?" deretsahang turan nito.
"Sino ako?" maang na ulit nito. "Sino ba ang impostor na babaeng iyan? Bakit ko siya kamukha?" naguguluhang saad nito.
"Althea Lorraine Robles, ang pangalan niya. Kilala mo ba siya?" matiim na tanong na tila imbestigador.
Umiling si Kikay. "Wala akong kilalang Althea, at kung kilala ko man siya 'di dapat tinanong ko na siya, hindi ba? Bakit niya ako kamukha?!" muling turan nito. Lahat silang tatlo ay hindi makapaniwala.
"Sabi nila Inay at Itay, wala akong kapatid at mas lalong wala akong kakambal. Nahirapan pa nga raw noon si Nanay na ipanganak ako," sabad niya sa mga ito.
Hinayaan na muna niya si Kikay. Batid niyang hindi man nito sabihin ay apektado rin siya sa babaeng kamukha niya. Pagbalik sa silid ay nagpadala ng mensahe kay Xian. Gusto niyang makakuha ng larawan ni Pauleen, ang PA nito.
Hindi na niya nagawang buksan pa ang sulat na galing kay Segundo. Masyadong okupado ang utak sa larawang pinakita ni Zeus. Hindi kaya may kakambal siya, bakit ililihim iyon ng Inay at Itay niya kung totoo man.
Samantala, hindi pa rin mapakali ang inay ni Kikay na si Aling Lumen. Laman pa rin sa isip ang pagtatanong ng alaga ng anak tungkol sa kakambal nito. "Oh, mahal. Aba'y mukhang wala kang ganang makipaglaro sa nga amiga mo ah?" ang untag ni Karyo sa kaniya.
"Karyo, natatandaan mo ba noong nakuha natin si Kikay?" ungkat dito sa nakaraan. Doon ay nakuha nito ang pansin ng asawang tila ganadong himasin ang ipansasabong nito.
"Bakit mo naman natanong iyan, Lumen. Matagal na nating 'di pinag-uusapan iyan," giit nito.
"Karyo, noong inihatid natin ang alaga ng anak natin. Alam mo bang tinanong ako kung may kakambal si Kikay," maang na turan sa asawa na kinatigil nito. "Paano kung buhay sila?" naluluhang turan ni Lumen.
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.