DEVILLAINE ROMO FIACRA
Hindi ako napagsalita dahil natameme ako sa mga nangyayari. Dali-daling lumabas si Blad sa kuwarto habang tuloy-tuloy lang talaga ang putukan at may naririnig pa akong mga pag-sabog!
Hindi ako naka-hinga pero ang puso ko, dumadagungdong ng malakas at ang bilis-bilis pa ng pag-kabog. Napansin ko na lang na nanginginig ang mga kamay ko nang tinakpan ko ang kaliwa't kanan kong mga tainga dahil literal na nakakabingi ang mga putukan!
Parang masisira ang mga ear drum ko. May mga pagkakataong may kung anong um-e-echong tunog at halos wala na akong marinig.
"MAHAL! ITATAKAS KITA RITO!"
Hindi ko alam kung tama ba ang pagkakarinig ko at napagtanto ko na lang na hinila ulit ako ni Blad paalis sa kama. "ANG DAMING LUMILIPAD NA BARIL! MAMAMATAY TAYO KAPAG IIWAN KITA RITO! DADALHIN KI……
Waiting for the first comment……
Please log in to leave a comment.