Reads
Blurb Almost perfect ika nga ang buhay ng isang Atasha Castellejo. Paanong hindi? Maganda na nga ay nanggaling pa sa isang mayamang pamilya. Halos karamihan sa mga babaeng nakakakilala sa kanya ay kinaiinggitan siya. Ngunit ang almost perfect na alam ng iba, ay kabaliktaran para sa kanya. Kulang siya sa aruga at pagmamahal ng mga magulang. Dahil sa isang desisyong dala ng pagkabigo sa pag-ibig ay nagising na lang siyang wala na sa kanya ang lahat.Ipinagtabuyan siya ng mga magulang ng malamang nagdadalangtao siya. Namuhay mag-isa kasama ang bata sa sinapupunan niyang hindi niya kilala ang ama. Saan hahantong ang buhay nilang mag-ina gayong nakaban siya sa lahat ng kompanyang pinag-a-apply-an niya? May pag-asa pa ba siyang makabangon? Kung ang kakapitan lang niya para makaahon sa hirap na kinasasadlakan ay ang pera ng isang mayamang binata. Kapalit ng pera nito ay ang ipagbuntis niya ang lalaking anak na magiging tagapagmana nito. Kaya ba niyang tanggapin ang alok na pera ng binata, para sa sarili niyang anak? Kaya ba niyang maging, the surrogate mother of his son? * * The Surrogate Series is a Collaboration from the other authors: * Moonstone13 Mhayie Bratinela17 Rosenav91
Updated at
Reads
Blurb Byron Clyde Vergara ang nag-iisang anak ng mag-asawang Patrick at Patricia. Ngunit sa kagustuhang maglingkod sa simbahan ay bumali siya sa nais ng mga magulang. Ayaw man niyang sumuway sa mga ito, ngunit iyon talaga ang isinisigaw ng kanyang puso at isipan. Magdalene Dominico, isang babaeng bayaran na tumakas sa pinagtatrabahuhang club. Mula ng mapadpad siya sa monasteryo kung saan niya nakilala ang paring si Byron ay pinilit niyang magbagong buhay. Ngunit may kapatawaran pa bang naghihintay sa kanila kung ang isang matuwid ay nakagawa ng kasalanan at ang makasalanan ay nakagawa muli ng kamalian. Maaabot pa ba nila ang kapatawaran kung pareho na silang nalugmok sa dagat ng kasalanan.
Updated at
Reads
Blurb Leopard Asuncion, owner and a CEO of a biggest hardware in the Philippines. Kung baga sila ang pinakamalaking supplier ng iba't ibang hardware sa Pilipinas. Sa hindi inaasahang pagkakataon, umalis ang pinagkakatiwalaan niyang sekretarya. Kaya naman, napilitan siyang humanap ng iba. Alexa Dimagiba, o mas kilala sa tawag na Alex. Matalino, masipag at matyaga. Kaya naman lahat ng trabaho ay kaya niyang papasukin, basta marangal. Tapos naman kasi siya ng secretarial course. Hanggang sa mabalitaan niya ang paghahanap ng secretary ng Asuncion Hardware. May pag-asa pa kayang magkasundo ang boss at ang kanyang sekretarya. Kung ang sekretarya niya, ay mas boss pa sa kanya.
Updated at
Reads
Blurb Facundo Agunsilio Alonzo ang nag-iisang tagapagmana at apo ni Don Fernando Alonzo. Ang Hacienda Alonzo ang nag-iisang lugar na kahit kailanman ay hindi iiwan ni Facu. Ito ang kabilang parte ng Hacienda Alonzo na pagmamay-ari ni Don Alponce Alonzo. Aloha Zoraida Montecillo ang isa sa masugid na manliligaw ni Facu. Mula ng makita pa lang ni Aloha si Facu ay pinangarap na niyang maging asawa ang anak ng kanyang nag-iisang ninong at ninang. May pag-asa pa ba ang kanyang pag-ibig sa binata kung sa tinagal ng panahon ng pagsuyo niya dito ay magkaroon siya ng dahilan para sumuko? Ngunit paano kung kailan sumuko na si Aloha saka naman marerealize ni Facu ang halaga ng dalaga? Paano pa kaya magkakatuluyan ang Pako at ang Pinya?
Updated at
Reads
Blurb Federico Agapito Alonzo, o mas kilala sa tawag na Rico, ang tagapagmana ng kabilang hacienda ng Hacienda Alonzo. Mula ng pumanaw ang mga magulang ay umalis siya ng bansa para paghilumin ang sakit sa dulot ng pagkawala ng mga ito. Kaya naiwan lang sa hacienda ay ang kanyang Lolo Ponce. Claudia Sisima Acuzar, anak ng trabahador sa hacienda. Habang lumalaki ay nagkakaroon si Claudia ng pagtingin sa apo ng mga Alonzo. Gwapo kasi ito. Kahit sa larawan lang niya nakikita ang binata ay hindi niya maiwasang mahulog ang loob dito. Hindi man siya nito kilala. Pero ang batang puso niya, umiibig sa pagkakataong hindi niya inaasahan. May pag-asa bang matugunan ang lihim na pagmamahal ni Claudia kay Rico kung sa simula ng pagkikita nila ay pagkadisgusto sa kanya ang ipinaparamdam nito.
Updated at
Reads
Synopsis Mula ng makaalis sa bahay ampunan naging maayos naman ang pamumuhay ni Samantha. Ngunit hindi niya inaasahan ang unos na magbabalik siya sa pag-iisa. Iniwan sila ng kinilala niyang ama. At makalipas ang ilang taon namatay ang kinilala niyang ina. Sa kanyang pag-iisa, at kawalan ng pag-asa, makikilala niya si Dark Wyatt Monreal. Ang binatang bilyonaryo, na masungit pero may kabutihan itinatago, at ubod ng gwapo. Habang magkasama sa iisang bubong, naramdaman nila ang pagmamahal sa piling ng isa't isa. Ngunit isang araw nagbago ang lahat, ng dahil sa isang pangyayari, na magpapabago ng lahat. Masasabi pa bang pagmamahal ang nararamdaman nila kung sa pagdaan ng panahon makalimot ang isa. At sa muli nilang pagkikita, nakatakda na itong ikasal sa iba.
Updated at
Reads
Blurb Jarred Rein Vergara gwapo, matalino, mayaman, higit sa lahat babaero. Iyong huli lang talaga ang panira sa imahe niya. Pero wala tayong magagawa iyon siya. Iyon si Jarred, doon siya mas kilala. College students sa isang kilalang unibersidad at kumukuha ng kursong engineering. Halos lahat ng babae tumitili sa kanya. Halos lahat ng babae gusto siya. Ella Shelley Aragon maganda, mabait, masunurin at masipag na anak. May pagsisikap sa pag-aaral, hindi gaanong katalino, pero hindi mababa ang grado. Normal lang para sa isang estudyante. Nakilala ni Jarred si Ella sa hindi inaasahang pagkakataon. Bagay na nagpagulo sa magulo ng buhay ni Jarred. Ang mapaglarong puso ni Jarred ay naging stick to one ng makilala si Ella. Ngunit magugulo ang relasyon nila ng isang pangyayari na puro katanungan at walang kasagutan. Magiging masaya pa ba sa piling ng isa't-isa ang dalawang pusong puro pasakit at galit na lang ang nadarama? Kung kahit ang mga katanungan ay sinasagot lang din ng isa pang katanungan.
Updated at
Reads
Blurb Yahir Hart, mayamang gwapo, pero hindi gaanong nakikisalamuha sa tao. Tuwing gabi lang siya lumalabas, kung may kailangan siyang ayusin o gawin lang. Jean Carandang, isang probinsyana na naghahanap ng trabaho sa Maynila. Doon niya makikita ang isang papel tungkol sa paghahanap ng katulong ng mga Hart. Dahil sa wala naman siyang pagpipilian. Hinanap niya ang bahay ng mga ito.Hanggang sa makarating siya sa harap ng malaking bahay, na parang nakapagpatindig ng kanyang balahibo. Lalo na ng malaman niya na ang makakasama lang niya sa bahay na iyon, ay ang matandang mayordoma, ang hardinero at ang gwapo niyang amo.
Updated at
Reads
Mga kwento ng pagmamahal na hindi mo inaakalang darating, at mangyayari sa buhay ng isang tao. Mga pag-ibig na akala mo kwento lang, pero mangyayari pala sa kwento mo. Mga pagsubok na akala mo, hindi mo malalampasan. Pero sa ngalan ng pag-ibig, nakakayang mong ipaglaban. Ang librong ito ay sumasalamin sa iba't ibang kwento ng pagsubok, pagmamahal at pag-ibig.
Updated at
Reads
Blurb Joselito Dimaano, tahimik. As in tahimik. One word man kung ituring ng dalawang kaibigan. Kargador sa palengke ng San Lazaro ang trabaho niya. Kasama din niya doon ang dalawa. Neri Dedace, madaldal na babae na parang hindi nauubusan ng salita. Sabi nga ikaw na ang mananawa. Paano kung magtagpo ang isang tahimik at isang madaldal? Kaya kayang paingayin ni Neri ang tahimik na puso ni Jose?
Updated at
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.