Reads
"A Japanese soldier, disillusioned by war, joins the Filipino resistance to fight against his own army, risking everything for redemption and justice." *** Nagpanggap na lalaki si Micah para makasali sa Hunters ROTC, isa sa mga guerrilla unit na nakadestino sa Manila na lumaban sa mga hapon noong 1942. Isa lang ang hangarin ng dalagita- ang makaganti sa mga hapon sa pagdakip at pang-aabuso nito sa kaniyang ina at kapatid. Kaya kahit may tumutol, gagawin niya ang lahat upang matanggap sa grupo. Naging kasapi siya sa squad na pinamumunuan ni sergeant Theodore ngunit karamihan sa mga miyembro doon ay minor-de-edad. Upang makatulong sa mga opisyales ng guerilla group, ang trabaho nila ay makahanap ng lugar kung saan maaaring manatili; at mag-espiya o magmanman sa comfort station ng mga hapon. Dito unang naranasan ni Micah ang makipaglaban. Dito rin niya makikilala si Yamamoto, isang sundalong hapon na piniling magtanggol sa mga babaeng Pilipina laban sa sarili nitong lahi. Romans 2: 12 (ESV) "For all who have sinned without the law will also perish without the law, and all who have sinned under the law will be judged by the law." @2024 *Genre: Historical Fiction, Anti-war novel, Interracial Romance *For Teens, Young-Adults *No part of this book may be reproduced or used in any form and method without permission from the Author. *Disclaimer: I do NOT own any pictures feature in this book.
Updated at
Reads
HORROR-COMEDY-MYSTERY-ADVENTURE Series 02 @2024 Nakapagdesisyon si Mattia na sumali sa House of Extraterriastrial and Parapsychology Organization o mas kilala sa tawag na HEAP - isang kilalang organisasyon ng mga magagaling na cryptozoologist at paranormal investigators. Ngunit ang akala niyang simpleng pag-a-apply ng trabaho ay isa palang malaking pagsubok. Matapos makapasa sa mga written examinations, hindi inaasahan ng binatilyo na magbibigay agad ang mga ito ng isang mapanganib na misyon! Isang linggo ang Training Camp sa Guatemala, Antigua. Isang linggong paghahanap at isang linggong pagplaplano upang mahuli ang El Cadejo na nambibiktima ng mga turista. ***
Updated at
Reads
Taong 1949 nang makadaong ang barko ng mga Russian refugees sa bayan ng Tubabao at sa maliit na islang iyon mabubuo ang komunidad na nagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba. Si Lucita Garcia ay isang Filipina na walang hangad na makipagkaibigan sa mga dayuhan. Ngunit isang araw ay nagtangkang pumasok bilang maestro ng biyolin ang isang binatilyong Russian na nangangalang Alexei. Hindi nakikita ni Lucita na may pag-asa silang magkasundo ng binatilyo, sapagkat malalim ang sugat na naidulot ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Leviticus 19:33-34 (NIV) "When a foreigner resides among you in your land, do not mistreat them. The foreigner residing among you must be treated as your native-born. Love them as yourself, for you were foreigners in Egypt. I am the Lord your God." **** @2020 *Genre: Historical Fiction, Anti-war novel *For Teens and Adults *No part of this book may be reproduced or used in any form and method without permission from the Author. *Disclaimer: I do NOT own any pictures feature in this book.
Updated at
Reads
(HORROR-COMEDY-MYSTERY-ADVENTURE Series 01 @2024) Isang aksidente ang naging dahilan ng pinsala sa kaniyang Amygdala, isang bahagi ng utak na responsable sa fear stimuli ng isang tao. At dahil sa pinsalang iyon kaya kahit kailan ay hindi pa niya nararanasang makaramdam ng takot. Sa kaniyang paghahanap ng mapapasukang trabaho, nakilala niya ang isang grupo ng paranormal investigators na nag-iimbestiga ukol sa mga patayang nagaganap sa Lungsod ng Capiz. Ayon sa mga sabi-sabi isang uri ng aswang daw ang namiminsala at nambibiktima ng mga buntis. Pumayag si Mattia na tumulong. Nais niyang makapagligtas ng buhay at nais niyang makaramdam ng takot- katulad ng mga normal na tao.
Updated at
Reads
"The human mind is scarier than any uncanny creatures." Halos lahat ng mga taong nakausap ni Kassie ay nagtataka at nagtatanong kung bakit ito ang pinili niyang propesyon. Hindi rin naman niya alam kung bakit, ngunit dito siya dinala ng tadhana -- maging isang coroner na nagtratrabaho sa morgue. Hindi naman siya mareklamo at sanay naman siya sa amoy ng formalin at bangkay. Ika nga, sa ganitong klaseng trabaho dapat ay matibay ang sikmura. Maayos naman ang kaniyang buhay at malapit na rin siyang ikasal sa kaniyang fiance. Ngunit may gagambala sa kaniyang tahimik na buhay nang may nangyaring nakawan sa loob ng kanilang morgue. *** *GENRE: Mystery-Thriller *SUBGENRE: Horror - Comedy *For Adult 18+ (contain violence) *Start writing at: August 17 2021 *Finished at: September 9 2021 *No part of this book may be reproduced or used in any form and method without permission from the Author. *Disclaimer: I do NOT own any pictures feature in this book.
Updated at
Reads
"It's not your fault that you can't save everyone." Hiniling ni Hiraya na bumalik sa nakaraan upang baguhin ang hinaharap ng lalaking pumatay sa kanyang kapatid. At pangalawang pagkakataon ang ibinigay sa kanya ng kapangyarihan upang maitama ang mga nagawang pagkakamali. Nakasalalay sa mga kamay ni Hiraya ang kinabukasan ng lahat -maging ang kapalaran ng katawang hiniram. @2022 *Trigger Warning: Contains violence *Book Cover by @levistress *No part of this book may be reproduced or used in any form and method without permission from the Author.
Updated at
Reads
"There's no such thing as black and white. Everyone is gray. No one is born pure good or pure evil." Spiritual Gift ang tawag nila roon. Biniyayaan ng Diyos ang bawat miyembro ng kanilang pamilya ng kakaibang kapangyarihan na mawawala rin pagdating ng ikalabing-walo nilang kaarawan. And Hiraya's spiritual gift is to go back in time before bad things happen. Ilang buhay ang nasagip niya dahil sa kakayahang ito na tinatawag niyang Back-Skip. Ngunit may kahindik-hindik na mangyayari na susubok sa kaniyang kapangyarihan. Bago dumating ang ikalabing-walo niyang kaarawan, pinatay ang kaniyang nakatatandang kapatid ng isang serial killer na gumagala sa kanilang lugar. Bumalik siya sa nakaraan upang buhayin ang kapatid. Ngunit hindi siya dinala ng kakayahan sa oras na bago maganap ang krimen. Sa halip, dinala siya nito sa ibang panahon. *Written @2022 *Trigger Warning: Contains violence *Completed but Unedited Version *Book Cover by @levistress *No part of this book may be reproduced or used in any form and method without permission from the Author.
Updated at
Reads
"Though my father and mother forsake me, the Lord will receive me." (Psalm 27:10) Labing-pitong taong gulang siya nang maagang nabuntis. Dahil sa hirap ng kaniyang buhay, napagtanto niya na hindi pa siya handang maging isang ina. Wala siyang ibang pagpipilian kundi ibigay si Baby Andrea sa mga taong alam niyang magbibigay rito ng magandang kinabukasan. Lumipas ang sampung taon at naging maayos ang kaniyang buhay. Hindi pa rin mawaglit sa kaniyang isipan ang sinapit ng inabandonang anak. Pinangako niya sa sarili na hahanapin niya ito. Hindi siya titigil at hindi siya susuko.
Updated at
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.