NOTES IN A CUP
Reads
Chapter 1: The Stranger at the Corner Table Ang kape sa *Bean & Books* ay hindi ko afford araw-araw, pero dahil exam week na at kailangan ko ng matino na aircon para makapag-focus, napilitan akong mag-order ng pinakamurang iced americano sa menu. *Budget is life,* ika nga. Inayos ko ang suot kong vintage denim jacket na nakuha ko lang sa ukay-ukay—bagay na bagay sa puti kong crochet top. Aesthetic kung aesthetic, kahit na ang totoo, ang laman ng bag ko ay puro lumang notes at highlighter na halos tuyot na. Naupo ako sa paborito kong pwesto: sa dulong bahagi ng cafe, malapit sa bintana. Tamang-tama para makita ang ulan sa labas. Pero hindi lang ang ulan ang napansin ko. Sa tapat ng lamesa ko, sa kabilang corner, may isang guy na kanina pa hindi gumagalaw. Naka-black hoodie siya, nakayuko, at parang mas malalim pa sa dagat ang binabasa niyang libro. Mula nung dumating ako, hindi siya lumingon, hindi siya uminom, at hindi siya gumamit ng cellphone. *Weird,* naisip ko. Pero sa totoo lang, siya ang pinaka-chill na tao na nakita ko ngayong araw. Habang nagbabasa ako ng notes ko sa History, hindi ko mapigilang mainis sa sarili ko. Sobrang gulo ng handwriting ko, at parang hindi ko maintindihan ang summary na sinulat ko kanina. Sa sobrang frustration, kumuha ako ng yellow sticky note at isinulat ang nararamdaman ko: > *"If History repeats itself, sana naman wag na maulit 'yung pagod ko ngayong araw. Bakit ba ang hirap intindihin ng 19th century? I’m so done."* > Nilagay ko 'yun sa gilid ng textbook ko, kasabay ng aking pen. Biglang tumunog ang bell sa pinto ng café. Napatingin ako sa entrance para tignan kung sino ang pumasok. Paglingon ko, may kumuha ng order sa counter. Nung lumingon ako pabalik sa lamesa ko, gulat ako. 'Yung sticky note ko? Wala na. Tumingin ako sa paligid. Ang tanging tao lang na malapit sa lamesa ko ay 'yung guy sa kabilang corner. Dahan-dahan siyang lumingon sa direksyon ko. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang, pero parang may maliit siyang ngiti sa labi niya bago niya ibinalik ang tingin sa libro niya. Sa tabi ng notebook niya, may nakadikit na bagong yellow sticky note. *Hala. Siya ba ang kumuha?
Updated at