Nandine Bsc
Reads
Si Kenneth Monte Velgo, kilalang mapaglaro pagdating sa mga babae. Ngunit sa kabila ng kanyang pagiging babaero, hindi niya pinapakialaman ang kanyang mga empleyado, kahit pa lantaran ang paghanga ng mga ito sa kanya. Hanggang sa isang araw, hindi niya inaasahang magkakaroon siya ng ugnayan sa isa sa kanyang mga empleyado. May kakaibang karisma ito na kaagad nakaagaw ng pansin ni Kenneth. Hanggang sa inalok niya ito na maging bahagi ng kanyang personal na buhay. Pumayag naman ito dahil sa matinding paghanga nito kay Kenneth. Habang lumilipas ang mga araw ng kanilang palihim na ugnayan, hindi inaasahan ni Kenneth na mabibihag ng babae ang kanyang pusong kailanman ay 'di pa nagmahal ng tunay. Ngunit isang araw, biglang nawala ang dalaga—isang pangyayaring ikinagulat at halos ikabaliw ni Kenneth! Doon niya napagtantong mahal na pala niya ito. Mayroon bang dapat malaman si Kenneth tungkol sa nakaraan ng babae? O may itinatago ba ang dalaga na karapat-dapat niyang matuklasan?
Updated at
Reads
Tahimik ang mundong ginagalawan ni Elena Trinidad. Mahirap man ang kanilang pamilya, punô naman ito ng kasiyahan. Nagtatrabaho ang kanyang mga magulang sa hacienda ng mga Del Fio, at madalas din siyang tumutulong sa kanila. Ngunit hindi niya inaasahan na may isang lalaking ubod ng yabang at malakas mang-asar—si Henri Augusto, ang lalaking laging nagpapainit ng ulo ni Elena. Sa tuwing nagtatagpo ang kanilang landas, hindi maiwasan ni Elena ang mainis dahil sa pang-aasar nito. Lagi niyang ipinapamukha rito na hinding-hindi niya ito magugustuhan. Bukod sa napakalaki ng agwat ng edad nilang dalawa, nalaman pa niyang dati itong isang MAFIA! Sa tuwing nakikita niya ito, lagi niyang ipinaparamdam dito na para na niya itong sariling ama. Ngunit hindi inaasahan ni Elena na mananakawan siya nito ng isang halik! At mula noon, hindi na niya ito muling nakita. Tila may kung anong kalungkutan ang bumalot kay Elena, at hinahanap-hanap na niya ang presensya ng lalaki. Umiibig na kaya siya sa matandang iyon?
Updated at
Reads
Zasha Del Fio. Isang tagapagmana. Ngunit isang malaking panganib ang naghihintay sa kaniya. Ang itinuring nitong mga kapatid ang siyang nagplano upang ipapatay siya upang makuha ang kayamanan na dapat ay sa kaniya. Hanggang sa makagawa siya ng paraan upang makatakas sa itinuring na kapatid na si Judas Mondran na gustong gumahasa at pumatay sa kaniya. Ngunit ang inaakala niyang ligtas na siya ay isang pagkakamali. Napadpad siya sa kalagitnaan ng bundok na may kalakihang bahay. Doon niya nakilala ang isang lalakeng arogante at mapanganib. Christopher Del Lusca. Isang Mafia. Isang pinuno. Kinatatakutan. Mapanganib at makapangyarihan. Magagawa niya pa kayang makawala sa mga kamay nito? Kung isang gabi, kinuha nito ang pinaka-iingatan niya?!
Updated at
Reads
Sa isang iglap nagbago ang buhay ni Princess Nhikira, dahil sa paghangang naramdaman niya sa isang stranghero na minsan niyang nakabungguan. Ginawa niya ang lahat upang makita ito araw-araw. Hanggang sa pinasok niya ang pagiging isang kasambahay. Ngunit sa kasamaang palad, ang binatang kaniyang nagugustuhan ay may kasintahan na?
Updated at
Reads
The more you hate, the more you love. Ang madalas na naririnig ko sa mga kaibigan at sa grandma ko. Ngunit kailanman ay hindi ko magugustuhan ang babaing kontrabida sa buhay ko. Ang nagiging dahilan kung bakit bawat lakad at plano ko ito ang sumisira! Isa akong sikat na bilyonaryo. Lahat nagagawa ko at nakukuha ko. Ngunit nagbago ang lahat ng iyon ng pumasok sa buhay ko ang babaing nilait ko noon na siyang kinuha ng grandma ko upang magbantay sa lahat ng lakad ko. Makakayanan ko kaya itong pakisamahan ng matagal kung sa bawat araw na nakikita ko ang pangit na pagmumukha nito ay bigla na lang kumukulo ang dugo ko? O magagawa nitong manatili sa tabi ko sa kabila ng pagpapahirap ko rito? Nasa huli nga ba ang pagsisisi??
Updated at
Reads
Si Alex Grey Priscela ang panganay na anak ng mag-asawang Priscela.Lumaki siyang kasa-kasama ang dalawang kambal na si Sofie at Sofia na anak ng kaniyang tito at tita. Ngunit hindi niya makasundo si Sofie at napaka-sungit at tahimik nitong babae.Samantalang si Sofia ang halos nakakausap at nakakasama niya. Nayayakap at nahaharutan at naisasama sa labas para mamasyal at kumain.Ngunit hindi niya inaasahan ang isang anunsiyo ng kaniyang mga magulang. Ang isang kasunduan ng mga ito na ipakasal siya kay Sofie Domingo!Ito na ba ang paraan para makuha niya ang puso nito?O ito ang magiging dahilan para mag-away ang dalawang kambal?Pero papayag nga ba ang isang Sofie Domingo? Kung sa una pa lang hindi man lang ito malapit-lapitan?Para bang kina-iinisan siya nito?Magagawa niya rin bang magpanggap na hindi niya ito gusto kahit ang totoo, matagal na niya itong pinapangarap?
Updated at
Reads
Buong buhay ni Marco, walang nakakatakas sa kaniya sa lahat ng mission na hinahawakan niya. Lahat bumabagsak sa mismong kamay niya. Ngunit isang araw ng magulantang siya sa isang mission. Ang balak niyang pagpatay sa malaking sindikato. Ay ama pala ng babaeng nagugustuhan niya! Magagawa niya bang patayin ang sariling ama ng babaeng iniibig niya? Kaya niya bang ipagsawalang bahala ang pagiging Agent niya sa pagkakataong iyon alang-alang sa dalaga?
Updated at
Reads
! TEARS ARE EXPECTED IN THIS STORY ! Isang babae na puno ng hirap at hinanakit sa nakilalang mga magulang, hanggang sa matuluyan siyang mabaliw dahil sa mga pagpapahirap ng mga ito sa kaniya. Alexander napukaw ang kaniyang interest sa isang babaeng galing sa mental. Kakayanin niya kayang ipaglaban ang babaeng ito sa kabila ng maraming humahadlang sa kanilang dalawa. Kakayanin niya bang ipaglaban ito sa mga taong kumukutya rito? Alamin ang kuwento ni Alexander Dimitri at Nandine Priscilla.
Updated at
Reads
Marnix Xee, kinatatakutan ng lahat. May isang salita. Kapag sinabing lumuhod, lumuhod ka. Or else's, hindi siya magdadalawang isip na pumatay. He's a cold guy. Priceless ang bawat ngiting bibitiwan nito. Sa madaling salita, suwerte mo na lang kung mapagbibigyan ka ng ngiti nito! He's a Billionaire. Namumuno siya ng isang Secret Agent Company. Nang isang araw, magulantang ito sa isang misyon. "What the hell?" Napatitig siya sa litrato ng isang dalaga. Ito iyong ikakama niya sana sa isang bar ngunit bigla siya nitong tinakbuhan sa hindi malamang dahilan. Malaking insulto iyon sa kaniya. Buong buhay niya ngayon lang niya narasanan ang takbuhan ng isang babae. Lalo na't isa lamang itong bayaran? Hindi naman maliit ang kaniya?!
Updated at
Reads
Sa kabila ng pagpapakita ni Yssa Isabel La Costa ng pagkadisgusto sa lalaking ipinilit ipa-asawa sa kaniya, nanatili pa rin ito sa tabi niya. Ngunit isang araw ng ito mismo ang humiwalay sa kanilang tirahan. At nakiusap sa kaniyang bigyan siya ng isang buwan upang makalimutan siya nito. Ngunit habang lumilipas ang mga araw, nagkakaroon si Yssa ng takot na tuluyang mawala ang lalaking asawa niya. Habang lumilipas ang mga linggo, unti-unti niyang namimiss ang pag-aalaga nito sa kaniya at pagpapakita kung gaano siya nito kamahal. Hanggang sa mapagdesisyunan niyang pumunta sa kompanya kung saan ito nagtatrabaho. Ngunit napag-alaman niyang lumipad ito patungong ibang bansa. Buwan ang hinintay niya sa muling pagbabalik nito, at ganoon na lang ang pagkagimbal niya ng muli niyang makita ang asawa niya?! Ang laki ng pinagbago nito na halos hindi niya makilala! May pagkakataon pa kayang maitama ang maling mga nagawa niya sa asawa? May asawa pa kaya siyang babalikan sa lahat ng ginawa niya? Sa loob ng ilang buwan, tuluyan na ba siya nitong kinalimutan? Huli na ba para ipaalam niya ritong mahal na rin niya ito noon pa man?!
Updated at
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.