Reads
Binatang bilyonaryong nakatakda na sanang ikasal ngunit may isang pangyayari ang naganap na nagdulot sa kanya para kapootan ang mga kababaihan.Si Señorito Cebrian Vicenzo De Luca, mayaman ngunit sa pag-ibig ay pinagkaitan. Binilog at pinagtaksilan kung kaya't patuloy na nasasaktan.Mula sa pagiging mabait at maginoo, binago siya ng matinding galit na naging dahilan ng hindi niya na pagiging kanais-nais sa mata ng karamihan higit sa mga kababaihan.Ang dating masaya at makulay niyang mundo'y natabunan ng matinding dilim at poot kung kaya't ang puso ay naging kasing tigas ng bato at naging kasing lamig ng yelo.Ngunit sa pagdating ng bagong babae sa kanyang buhay ay may pag-asa pa kayang manumbalik ang dati niyang sigla? Magawa pa kaya ng probreng dalaga na ibalik ang dating kaaya-ayang Señorito De Luca?
Updated at
Reads
Ang tanging mahalaga lang sa binatang Police Officer na si Kandrick Del Fuego na bukod sa kanyang pamilya, ay ang kanyang pag-se-serbisyo sa bayan at mang-huli ng mga taong nagkakasala sa batas. Ngunit isang dalaga ang susubok sa mahaba niyang pasensya, si Ayana Amelia Laviñez babaeng walang kinatatakutan, higit na walang kinaiilagan. Mayaman, matagumpay na sa buhay ngunit sa pag-ibig ay kulang. Siya ay desperadang makuha ang atensyon ni Kandrick dahil sa matindi niyang obsesyon para sa binata. Kaya para lamang makuha ng buo ang pansin nito kahit na pagiging kriminal ay ginawa at pinasok na niya. Ngunit paano kung dahil sa ginawa niya'y kabaliktaran ang mangyari? Magawa niya kayang mapa-ibig ang masungit na binata kung ginalit niya lang ito ng husto?
Updated at
Reads
Nagsimula sa isang malamyos na haplos, nabuhay ang isang makasalanang pag-ibig, pag-ibig na bawal, pag-ibig na hindi dapat. Si Antice Pasco-Salvatores, kasal, may legal nang asawa na si Rossini Salvatores na labis ang pagmamahal sa kanya ngunit siya'y pilit na nakakulong sa pag-ibig nitong nakasasakal. Hindi sinasadyang natukso si Antice sa matalik nitong kaibigang si Silas Ventura at agad siyang nahulog dito. Nangyari sa kanila ang hindi dapat na labis niyang pinagsisihan ngunit huli na ang lahat.Labis na ang pagkahumaling ni Silas kay Antice na nag-umpisa lang sa malamyos na haplos na humantong sa isang nakababaliw at makasalanang pag-ibig. Ngunit hanggang kailan naman kaya nila kaya mag-lihim? Hanggang kailan makakaya ni Antice na mag-taksil sa sariling asawang si Rossini? May lugar ba o puwang para sa makasalanang pag-ibig kung ang dulot naman ito ay labis na sakit at pagkawasak?
Updated at
Reads
(TAKE NOTE: Ang story na po ito ay SLOW PACING/SLOW BURN dahil marami po ang laman at maraming eksena sa mga bawat mga kabanata at sinisikap po ni Author na kayo'y masiyahan sa inyo pong pagbabasa kaya add to cart na 🫶) Laki sa hirap ang dalagang si Amanda Riveros, nakapagtapos siya ng kanyang pag-aaral sariling pagsusumikap at para makatulong sa pamilya ay kaagad siyang naghanap ng trabaho. Napadpad siya sa isang malaki at kilalang kumpanya at dito nakilala ang may-aring si Demir Monterde, ang boss na susubok sa kanyang iniingatang dangal. Isang binatang kahuhumalingan ang dalagang may eksotikang ganda na maghahatid sa kanya sa tawag ng makamundong pagnanasa. Ang boss na si Demir na magiging mapang-angkin kay Amanda kahit walang ganap na karapatan. Pag-ibig na kusa na lang sisibol nang hindi namamalayan. Anong gagawin ni Amanda kung ang boss niya ay isa palang pervert? Mapaglabanan niya kaya kung ang sarili niya mismo ay ginugusto ito?
Updated at
Reads
Si Remy Maya Castro ay isang kilalang seryoso at istriktang media journalist na bihira magka-interes sa mga kalalakihan. Mayroon siyang bukod tanging nagiisang lalaking matalik na kaibigan, si Elvin Mendez na sa kanya'y bukas na umiibig ngunit ni minsan ay hindi niya ito pinakitaan ng pagkagusto na higit pa sa kanilang pagkakaibigan. Sa pagdating ng kapatid nitong si Rocco Mendez ay nagbago ang lahat sa dalaga, nabighani siya sa binata at nagawa siya nitong bihagin. Ngunit paano kung sa pagdating ni Rocco ito naman magsilbing dahilan ng pagkasira ng kanilang pagkakaibigan ng matalik na kaibigang si Elvin? Ano ang kanyang susundin at sino naman ang kanyang pipilin? Ang puso't isip na ang isinisigaw ay si Rocco? O ang matalik niyang kaibigang si Elvin na labis ang pagkabaliw sa kanya?
Updated at
Reads
(WARNING & DISCLAIMER: This is a work of fiction and all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, actual events is purely coincidental and the following scenes of the book contain matured and s*xual contents that are not suitable for young readers 18 years old below.) Kilala si Ada Thea Moriño bilang isang praktikal ngunit pilyang dalaga na ubod din ng pasaway na mag-aaral sa isang kilalang Universidad. Si Ada ay may lihim na pinakatatago, siya ay umiibig sa kanyang Professor na si Gael Del Ferro, ang binatang palaging seryoso at mayroong kasungitang tinataglay. Ngunit lingid sa kaalaman ng dalaga, ang Professor ay lihim din niyang taga-hanga at ang tanging pumipigil lang dito na lapitan siya ay ang propesyon nito. Dahil sa pagiging desperada ni Ada na mapansin siya ni Professor Gael, nagawa niyang akitin ito at sinabing handa siyang magpa-alipin at handang gawin ang lahat para sa binatang Propesor. Ngunit paano kung malaman ni Ada na pareho lang sila ni Professor Gael na may pagnanais sa isa't isa? Paano rin kung malaman niyang nais lang naman siyang gamitin ng kanyang Professor para sa pansariling kaligayahan nito ngunit wala namang balak suklian ang pag-ibig niya?
Updated at
Reads
Si Shantice Valledesma ay isang dalagang gimikerang lumaki sa marangyang pamilya at nagtataglay rin ng ugaling pambihira. Sa pagdating ng binatang si Cennon Gellero na kanyang magiging personal na taga-silbi, binuhay nito ang paghahangad na naghatid kay Shantice ng hindi maipaliwanag na pananabik. Nakatatak na sa isipan ng dalaga na ano o sino man ang kanyang naisin ay siya niya ring makukuha kaya naman nakaisip siya gawin ang isang bagay na desperada lamang ang tanging makagagawa. Magtagumpay kaya si Shantice na maakit ang binatang si Cennon na dinaig pa ang kuneho sa pagiging mailap nito?
Updated at
Reads
(DISCLAIMER: This is a work of fiction and all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, actual events is purely coincidental.) Paano kung napilitan kang pasukin ang isang makasalanang relasyon na ni minsan hindi mo naman pinangarap? Ano ang iyong gagawin? Si Liliana Ferreras, isang inosente ngunit matalinong dalagang napilitang makiapid sa bagong Mayor ng kanilang bayan na si Theo Grivaldez, ang lalaking napukaw ang interes kay Liliana ngunit may legal nang asawa. Walang muwang si Liliana noon sa makamundong mga bagay ngunit nang makilala niya si Mayor ay nag-iba ang takbo ng kanyang buhay. Nakipag-relasyon siya sa lalaking may asawa na kahit labag ito sa kanyang kalooban, dahil sa labis-labis na pagkahumaling sa kanya ni Mayor Theo ay wala siyang nagawa kundi maging sunud-sunuran dito. Damating kaya ang panahon na makukuha ni Mayor Theo ang maamo ngunit mailap na puso ng dalaga? O matututunan din mahalin ni Liliana si Mayor sa kabila ng sapilitan at ipinagbabawal nilang relasyon?
Updated at
Reads
Si Dawn Berry Galvas ay kilala sa pangalang Liwayway, isang dalagang probinsyana na mayroong mapang-akit at maalindog na gandang natatangi sa kanilang lugar. Nagagawa niyang pahumalingin ang mga kalalakihan sa kanilang nayon nang walang kahirap-hirap. Kahit pa ang magkapatid na Selvestres ay hindi rin nakaligtas sa kanyang alindog na tinataglay. Ang matitikas na magkapatid na sina Sameer Selevestres at Rahul Selvestres na sa unang kita pa lamang sa dalaga ay agad na nabighani sa nakakahipnotismo nitong ganda. Dalawang binatang parehong iibig kay Liwayway sa pareho ding pagkakataon. Ngunit sino kaya sa kanila ang pipiliin? Sino ang makakakuha ng mala-ginto at mamahaling puso ng dalaga? May magtagumpay kaya?
Updated at
Reads
Si Tyla Melendez ay isang dalagang walang ginawa kung hindi ang mag-trabaho kasabay ng pag-aaral. Pangarap niyang maiahon ang kanyang pamilya mula sa kahirapan. Nag-ta-trabaho siya bilang waitress sa isang prestihiyosong club kung saan makikilala niya ang binatang si Henrix Salvatore, ang lalaking unang kita pa lamang sa kanya ay nais na siyang makuha. Inalok ni Henrix ang dalaga na maging babae niya kapalit ng karangyaan at salapi. Napilitan si Tyla tanggapin dahil sa tindi ng kagipitang kinakaharap. Pumayag siyang maging sugar baby nito kapalit ng ipinangako nitong komportableng buhay . Pagsisisihan kaya ni Tyla ang kanyang naging biglaang desisyon?
Updated at
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.