103.255K
VISITORS
4.843K

ABOUT ME

Hi Thank you sa pagbisita sa aking dreame page! Enjoy reading! Please follow me on my FB page. proserfina_stories for more stories. May VIP group din po ako. Just PM me on my FB JONAVY A. CABONCE

ABOUT ME

Hi Thank you sa pagbisita sa aking dreame page! Enjoy reading! Please follow me on my FB page. proserfina_stories for more stories. May VIP group din po ako. Just PM me on my FB JONAVY A. CABONCE
FOLLOWING
You are not following any writers yet.
More

STORY BY PROSERFINA

The Cursed Bride (FREE/ONGOING)

The Cursed Bride (FREE/ONGOING)

Reads

Si Prinsesa Asya, Limang taon pa lamang siya nang isumpa siya. Lahat ng tao na makakakita ng kanyang mukha ay mamatay. Itinago siya ng kanyang ama sa loob ng palasyo ng Celestria Kingdom at nabuhay ng ilang taon na parang isang bilanggo. Ngunit nang tumuntong siya sa tamang edad ay ipinakasal siya sa iba't-ibang Prinsipe ng mga kaharian. Hindi para maging asawa kundi gamitin ang kanyang sumpa upang manakop ng kaharian. Nais kasi nitong pamunuan ang Emperyo ng Guenera. Sa hindi inaasahan na pagkakataon ay ipinagkasundo siya sa Prinsipe ng Astral Kingdom na si Prinsipe Xenos. Ipinako ng kanyang ama na huli na ito at papalayain na siya nito kapag nasakop nila ang Astral Kingdom. Ngunit nagulat si Asya nang sabihin ni Xenos na alam niya ang sumpa nito. Kaya hindi natuloy ang kanyang plano. Si Xenos na kaya ang susi upang mapawalang bisa ang sumpa? At paano kung hindi pag-ibig kundi kamatayan ang maging kapalit nito?

Updated at

Read Preview
MAID for MAFIA TWIN BROTHER

MAID for MAFIA TWIN BROTHER

Reads

Dahil sa isang mahalagang misyon. Pumasok si Sol bilang isang maid ng mga Ruzzo. Upang hulihin si Walton Ruzzo ang lalaking hinihinalang Mafia ng Tajso. Upang magampanan ang misyon kinailangan niyang magbalat-kayo bilang si Marikit ang babaeng nuknukan ng pangit na galing pa sa malayong probinsya. Sa pagpasok niya sa mansyon ay makikilala niya ang kambal na si Leandro at Lorenzo. Pamangkin ni Walton Ruzzo na nakatira sa mansyon. Sila ang dalawang lalaking magpapabilis ng tibok ng kanyang puso ngunit sa unang kita pa lamang ni Lorenzo sa kanya ay mainit na ang dugo nito sa kanya at nakatikim kaagad si Marikit ng kalupitan mula kay Lorenzo. Kabaliktiran naman ni Leandro na maayos ang pakikitungo sa kanya nito.  Matagalan kaya ni Sol ang ugali ng kambal? Paano kung malaman niyang siya pala ang babaeng matagal nang hinahanap ng mga ito? Magbago kaya ang nararamdaman niya kapag nalaman niyang ang mga ito pala ay mafia?

Updated at

Read Preview
The Governor's Adopted Sister

The Governor's Adopted Sister

Reads

Kinse anyos pa lamang si Isabella nang maulila siya. Kasamang namatay ang kanyang mga magulang at bunsong kapatid nang matupok ang barong-barong nilang tirahan sa squater. Naawa sa kanya ang asawa ng governador dahil kamamatay lang din ng anak nito na kasing edad lang ni Isabella kaya kinukop niya ito at itinuring na parang tunay na anak. Ngunit nang tumuntong siya sa pamamahay nito ay nakilala niya si Esrael. Ang panganay na anak nitong lalaki na walong taon ang agwat sa kanya. Pinigilan niyang mahulog ang loob niya dito dahil sa kabutihan na ipinakita sa kanya ng mga magulang nito. At itinago niya ang kanyang nararamdaman sa kabila nang pagiging caring, malambing at palaging nandiyan para sa kanya. Si Esrael, simula pagkabata naging sunod-sunoran sa kanyang mga magulang. Tinalikuran niya ang pangarap niyang maging piloto dahil kailangan niyang hawakan ang winery business ng pamilya. Ngunit nang matapos ang termino ng kanyang ama sa pagiging governador ay siya naman ang pinilit nitong tumakbo. Wala siyang nagawa kundin sundin ang yapak nito. Nang manalo siya sa pagiging governador ay nalaman din niya ang plano ng kanyang papa na pulitikal marriage sa pagitan nila ng anak ng mayor kaya nagsimula siyang suwayin ang mga ito. Malaman kaya ni Esrael ang lihim na pagmamahal sa kanya ni Isabella? At kayanin kaya ni Isabella na mapunta sa iba ang lalaking una niyang inibig dahil lamang sa pagiging adopted daughter niya?

Updated at

Read Preview
My Horror Story Collection

My Horror Story Collection

Reads

Hi Guys! Sana magustuhan niyo ang mga short Horror stories ko. Free niyo lang itong mababasa. Kung gusto niyong mabasa ang iba ko pang akda ay sumali na kayo sa VIP GROUP ko. Or follows niyo ako sa Fb page ko. Jonavy A. Cabonce.

Updated at

Read Preview
His Dangerous Touch

His Dangerous Touch

Reads

Anim na taon ang ginugol ni Maya sa Singapore at magtrabaho bilang OFW upang masuportahan ang pag-aaral ng kanyang nag-iisang kapatid at pati na rin ng kanyang nobyo. Ngunit hindi niya inasahan ang dadatnan niya pagbalik ng Pilipinas. Hindi niya akalain na magagawa siyang lokohin ng kanyang kapatid at boyfriend. Nasaktan siya ng sobra dahil umasa siyang matutuloy na ang kasal sana nilang dalawa ni Mark. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay natagpo ang landas nila ni Felip nang iligtas siya nito mula sa mga lalaking may masamang balak sa kanya. Ano kaya ang magiging papel ni Maya sa buhay ni Felip?

Updated at

Read Preview
Hate To Want You

Hate To Want You

Reads

Sa edad na trenta naniniwala pa rin si Dahlia na darating ang lalaking nakatadhana sa kanya. Kaya hindi siya naghanap ng pag-ibig at inintay ang tamang lalaki na gugustuhin niyang makasama sa kanyang buhay. Ngunit nang dahil sa pambubully ng kanyang mga kaibigan na nagsipag-asawa na ay napilitan siyang magpunta sa isang club upang lumandi ng lalaking unang makakapansin at magbibigay ng motibo sa kanya. Ngunit nang dahil sa labis na kalasingan ay nagising na lamang siya sa bisig ng lalaking may anim na pandesal sa tiyan at nang tignan niya ang mukha nito ay ganun na lamang ang pagkadismaya niya nang makilala ang lalaking pumitas ng kanyang bulaklak. Si Eros na simula pagkabata pa lamang ay sinumpa na niyang hinding-hindi niya magugustuhan kahit kailan. Matunaw kaya ang galit na matagal na niyang dala-dala dahil sa nangyari sa kanila? O hanap-hanapin niya ang init ng isang gabi sa piling nito?

Updated at

Read Preview
DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

Reads

Dahil sa pagkamatay ng ama ni Cassandra, nawala sa kanya ang lahat. Baon pala ito sa pagkaka-utang sa banko kaya pati ang bahay na mahalaga sa kanya ay kailangan niyang lisanin. Matapos kaya ang paghihirap ni Cassandra kapag nakilala na niya si Tyron Dela Costa? Ang lalaking kabilang sa angkan ng mga Dela Costa na pinagkakautangan din ng kanyang ama? Pumayag kaya siyang maging alipin nito para lang mabayaran ang malaking pagkakautang ng kanyang ama? Paano kung imbis na kabayaran ay mahulog ang loob ni Tyron sa kanya? Kayanin kaya ni Tyron na ipaglaban ang kanyang nararamdaman kung kasama sa mahigpit na batas ng kanilang angkan ang pagbabawal sa kanilang umibig nang hindi galing sa mayamang pamilya?

Updated at

Read Preview
Soul of the Vampire Princess (STOP UPDATE)

Soul of the Vampire Princess (STOP UPDATE)

Reads

Maagang naulila si Ailee dahil sa pagkamatay ng nanay niya matapos siyang ipanganak. Wala din siyang kinilalang ama dahil matapos mabuntis ng kanyang ina ay iniwan na sila nito. Simula noon ay ang tiyahin na niya ang kumupkop sa kanya at nagpalaki. Ngunit nang magkaroon na ng sariling asawa ang kanyang tiyahin ay nagsimula ang kalbaryo sa buhay niya. Nag-iba din ang pakikitungo nito sa kanya lalo na nang magkaroon ito ng mga anak. Kaya habang lumalaki siya sa poder ng mga ito ay panunumbat, pagpapahirap at pananakit ang dinanas niya sa mga ito. Sa kabila noon ay hindi pa rin siya nawalan ng pag-asa. Ginawa niya ang lahat para mapagsabay ang pagtatrabaho at pag-aaral dahil nais niyang makatapos, nang sa ganun ay mabalik niya ang utang na loob na palaging isinusumbat ng mga ito sa kanya. Ngunit hindi naging madali ang lahat dahil may balak pala ang tiyuhin niyang ibenta siya sa isang matandang mayaman na mahilig sa magaganda at batang babae. Kapalit ang malaking halaga. Tumakas siya sa hotel na pinagdalhan sa kanya hanggang mapunta siya sa rooftop ng hotel ngunit nahabol pa rin siya ng mga tauhan nito. Sa takot na maaring gawin nito sa kanya ay nagpasya siyang tapusin na ang kanyang buhay. Nang magising siya ay nasa hindi pamilyar na lugar na siya. At laking gulat niya dahil, nagising siya hindi bilang si Ailee kundi bilang si Thana. Ang napakagandang prinsesa ng mga bampira na hinahangan ng mga tapat na tagasunod at kinakatakutan ng mga kalaban dahil sa walang awa nitong pagpaslang at walang emosyon nitong pagkatao. Makabalik pa kaya siya sa tunay niyang katawan? Paano kung ipakilala siya sa magiging kanyang kabiyak na si Devon? Prinsipe ng Vampira sa malayong emperyo. Mahulog kaya ang loob nila sa isa’t-isa kung alam niyang halimaw ang tingin nito sa kanya?

Updated at

Read Preview
Her Twin's Revenge (FREE/ONGOING)

Her Twin's Revenge (FREE/ONGOING)

Reads

Maagang namatay ang mga magulang ng kambal na si Karina at Katherine dahil sa isang aksidente. Kaya naging sandalan nila ang isa't-isa sa hirap at ginhawa. Ngunit dahil sa kakulangan sa financial ay mas pinili ni Karina na subukan ang swerte sa ibang bansa. At tinulungan niyang makatapos si Katherine. Kaya nakapagtapos ito ng kolehiyo at nagtrabaho sa Alvarez corporation bilang secretary ng CEO na si Sergio Alvarez. Ngunit nakatangap si Karina ng masamang balita mula sa kaibigan ng kanyang kakambal. Wala na daw ito at kinitil ang sariling buhay. Kaagad na umuwi ng bansa si Karina. At ganun na lamang ang paghihinagpis niya nang maabutan ang malamig na bangkay ni Katherine. Nang makita niya ang phone ni Katherine ay natuklasan niya ang tunay na dahilan kung bakit nagawa ng kanyang kapatid ang magpakamatay. Dahil sa labis na galit ay isinumpa niya sa kanyang sarili na maghihiganti siya at pagbabayarin niya ang lahat ng naging dahilan ng pagpapakamatay ni Katherine at isa na dito si Sergio Alvarez na kakakasal lamang kay Catalina. Ano ang kahihitnatnan ng paghihiganti at pagpapangap ni Karina bilang si Katherine? Upang makapaghiganti sa lalaking lumoko sa kanyang kakambal? Paano kung imbis na paghihiganti ay pag-ibig ang kanyang matagpuan sa piling nito?

Updated at

Read Preview
The billionaire's tribe Princess

The billionaire's tribe Princess

Reads

Prinsesa Priya the last princess of Mandan tribe na. Isa sa pinakamalayong tribo sa bundok ng Pilipinas. Maganda, matapang, tuso at pinangarap na mamuno sa kanilang tribo upang pumalit sa kanyang amang datu. Ngunit nang dahil sa kanilang kultura ay pagtatagpuin sila ng tadhana ni Fernan de la Costa. Isang mayamang billionaryong pilit na tinatakasan ang sakit ng mawalan ng minamahal. Magawa kayang makalimutan ni Fernan si Lalaine? Magawa kayang talikuran ni Prinsesa Priya ang kanyang pangarap dahil sa estrangherong gagawin ang lahat upang kanyang maging kabiyak?

Updated at

Read Preview

Navigate with selected cookies

Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.