17
VISITORS
0

ABOUT ME

ABOUT ME

FOLLOWING
You are not following any writers yet.
More

STORY BY Rhea abegail Collado

Cool Change

Cool Change

Reads

Presko at sobrang hangin ni Logan. Sukang-suka at rinding-rindi si Jane kapag nakikita ito.Ngunit kapag nga naman mag-biro ang tadhana kahit anong iwas mo tataman at tataman ka talaga. Tulad nalang ng isang karanasang hinding-hindi makalimutan ng dalaga sa pagitan nilang dalawa ni Logan. “Babe wag masyadong higpitan ang pagkakayapos mo sakin at baka mahulog tayo” Kilig na pang-aasar ni Logan. Hindi makakibo ang dalaga dahil kinakailangan niyang magtago sa malapad na dibdib nito. Nagtaas ng mukha ang dalaga at nagkasalubong ang kanilang mga mata. Nanlaki ang mga mata ng dalaga ng bigla nalamang sinakop ng mga labi ni Logan ang kanyang naka-awang na labi. Sa pagka-gulat kinurot niya ito ng napakapino ngunit wala itong epekto sa binata, bagkus lalo pang napadiin ang mapangahas na labi nito at sinabayan pa ng yapos sa napaka liit niyang bewang. Pikit mata nalamang ang dalaga na tinanggap ang kapangahasan ng binata. Five years later Si Jane ay isa nang sikat na vlogger sa kanilang bayan. Lahat ng raket kinakailangan niyang gawin para sa pang araw-araw niyang gastusin sa bahay at sa paaralan pagkat isa na siyang ulilang lubos at isang ulirang Ina. Nagkaroon sila ng anak ni Logan ngunit hindi siya nito napanagutan. Sukdulan ang galit ni Jane kay Logan dahil bigla nalamang itong nawala na parang bula. “Mr. Logan, marami na pong sales ang production team natin and na manage na ang lahat. Ano pa po ang kelangan natin gawin?” Tanong ng Personnal Assistant niyang si Tim. “Mag relax muna tayo Tim”. Anya ni logan sa kanyang PA. “Puntahan natin yung sikat na Minnie Restobar sa Bonifacio Global Circle. “Tara boss!”masayang pagsang-ayon ni Tim sa kanyang amo. Pag-bukas palamang nang naturang bar, nanliliit ang mga mata ni Logan dahil sa silaw ng ilaw sa gitna ng Stage. Ngunit ang mas nakakasilaw ay ang nakabanggaan niya sa titigan. Babaeng may maamong mukha, may pares na matang nakakaakit, mga labing nang hihikayat at katawan na kasing hugis ng glass hour. Ang mas nakakasilaw pa dito ay ang kutis porselana nito. Familiar na familiar kay Logan ang babaeng ito, kahit na sa malayuan natatandaan niya ang halimuyak ng babae na minsan na niyang naangkin. "Sa wakas Logan nagkita din tayo Ang tagal mong Hindi nagparamdam samin ng anak mo" bulong sa sarili. Nag-uumapaw ang galit ng dalaga sa binata ngunit bigla nalamang siyang nanlamig ng Makita niyang merong kausap at nakalingkis sa gwapong binata, isang napaka classy na customer sa bar. "Shit! bakit ganito Ang nararamdaman q sa mokong na yun!" mixed emotion ang dalaga sa sandaling iyon. Hundred percent alam niya na galit siya, lalo na noong panahon na inabanduna siya at ang kanyang anak na limang taon wala siyang balita dito. Ngunit kanina lamang na nagkatitigan sila, bigla nalamang nakaramdaman siya ng kagalakan at alam niya na nakita ni Logan ang reaction niya. Si Logan noong kabataan nila isa itong batang kalye napabayaan ng magulang hanggang sa pag-sapit nito ng dalawampung taon. Nawalan din ito ng mga magulang at tuluyan na ngang naging ulilang lubos. Pakalatkalat sa kalye, maraming barkada at maraming masasamang gawain. Naging magkasintahan si Jane at Logan kaya nga lang saglit lang dahil nawala ito na parang bula. napahagulhol nalamang si Jane ng Malaman niyang buntis siya. Sa pustura ngayon ni Logan alam ni Jane na nagtagumpay ang binata. Sapatos palang alam na niyang mamahalin ang suot nito. Ang mga buhok nito na may kulay na aakalain mo na nagpa-highlights. Alam niyang inborn na sa binata na merong kulay ang buhok nito at Hindi mapagkakailang guwapo. Ang tawag Kay Logan sa Lugar nila ay Tisoy dahil sa itsura nito na kahit taga eskwater sila hinding-hindi mapagkakamalan ang binata na mahirap dahil mukhang malinis ito. Deepset brown eyes, saktong lang Ang tangos ng ilong at mga labing pilyo kapag ngumingiti. Hindi talaga nakakasawang pagmasdan. Kinurot ni Jane ang sarili ng mapansin nyang papalapit na si Logan sa mesa niya. Pilit na isinisiksik sa isipan na galit siya. Sa oras na iyon kinakastigo ng dalaga ang kanyang sarili dahil nadadala na siya sa emosyon niya. Mas attractive Ngayon si Logan, sa paningin niya ang binata na ata ang pinaka-gwapo at makisig sa bar at napaka hirap labanan ang puso gustong-gusto na niyang tumalon at yakapin ang binata pero hindi dapat dahil hindi pwede.Sapagkat napakadami ng utang ang binata Lalo na sa anak nila. Kausap ni Logan ang manager ng bar, mukhang hindi sila nagkaka-ayon kung ano man Ang pinag uusapan nila. Kinukutuban na si Jane alam na niya ang sunod na mangyayari dahil nakita niyang gumagalaw ang panga ng binata at ang mga litid nito sa leeg ay lumilitaw. Nasa harap na ng dalaga si Logan parang ang bilis ng pangyayari nilingon ng dalaga ang kaninang kausap ni Logan nakabulagta na ito sa sahig tila wala ng malay. Sobrang gulo na ng bar, kalat-kalat ang mga nabasag na bote sa sahig. Naghihiyawan na ang mga tao sa takot. Namalayan nalamang ng dalaga na hawak kamay silang tumatakbo palabas sa nasabing bar.

Updated at

Read Preview

Navigate with selected cookies

Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.