151
VISITORS
8

ABOUT ME

ABOUT ME

FOLLOWING
You are not following any writers yet.
More

STORY BY Bawlabac

Owned By Billionaire

Owned By Billionaire

Reads

Si Fauna Mendoza ay desperado na makahanap ng malaking halaga ng pera. Wala na siyang ibang choice kailangan niya itong makuha kahit kapalit pa ang pride niya. At doon niya nakilala si Dave Balmillero, isang makapangyarihan, malamig, at walang pusong billionaire na kayang bilhin ang kahit ano… pati ang isang tulad niya. Pero hindi inaasahan ni Fauna ang magiging kapalit ng tulong na ibibigay ni Dave. Hindi pera. Hindi utang na loob. Kundi… siya mismo, ang katawan niya! Ginamit ni Dave ang kayamanan at kapangyarihan niya para itali si Fauna sa isang relasyon na puno ng pagnanasa, isang relasyon na walang label, walang kasiguraduhan, at lalong walang pagmamahal. Para kay Dave, isa lang itong laro. Isang bagay na kaya niyang kontrolin. Ngunit habang tumatagal, unti-unting nagigising si Fauna sa katotohanan. Hindi ito ang buhay na gusto niya. Hindi ito ang pagkatao na nais niyang maging. Gusto niyang makalaya… gusto niyang hanapin muli ang sarili niyang nawala sa kanya. Pero paano ka makakatakas… kung ang lalaking kumokontrol sa mundo mo ay hindi sanay mawalan? Si Dave Balmillero, isang lalaking laging nakukuha ang gusto ay hindi basta-basta papayag na mawala sa kanya ang nag-iisang Fauna Mendoza. Lalo na ngayon na ang dating puro lust lang… ay napapalitan na ng isang bagay na mas delikado. Ang pagmamahal. Sa unang pagkakataon, naramdaman ni Dave ang takot, ang takot na mawala ang babaeng unti-unting bumabasag sa matigas niyang puso. At gagawin niya ang lahat… para hindi siya mawala. Kahit pa ibig sabihin nito ay habulin, angkinin, at hindi na kailanman pakawalan ang babaeng minsan niyang itinuring na laro lang. Dahil si Fauna Mendoza… ay hindi na lang basta babae sa buhay niya. Siya na ang naging mundo niya.

Updated at

Read Preview
Playing with Fire

Playing with Fire

Reads

Akala ni Kheyien, plantsado na ang lahat. Successful career, payapang buhay, at pusong hindi na naghahanap ng kulang. Sabi nga niya, "I have everything I ever wanted." Pero sabi nga nila, mapaglaro ang tadhana—at mahilig itong mambura ng plano. Pag-uwi niya sa probinsya, doon gumuho ang pader na matagal niyang itinayo. Isang pagkakataon, isang sulyap, at isang pamilyar na boses ang bumasag sa katahimikan niya. Ang kaniyang first love. Ang lalaking pinangarap niya noon, pero naging dahilan ng pinakamalalim niyang sugat, ay bigla na lang sumulpot at pilit bumabalik sa buhay niya. Sabi nila, "Love is sweeter the second time around." Pero para kay Kheyien, ang kasabihang 'yan ay parang sirang plaka—nakakarindi at mahirap paniwalaan. Paano ka maniniwala sa second chances kung ang unang pagkakataon ay iniwan kang durog at luhaan? Will She Risk It? Sa mundong puno ng "what ifs," sapat na ba ang pag-ibig para harapin ni Kheyien ang kaniyang mga takot? O mananatili na lang siyang bilanggo ng kaniyang nakaraan habang pilit na itinataboy ang tanging taong nakapagpatibok ng puso niya nang ganoon katindi? Minsan, kailangan mong masaktan ulit para malaman kung worth it pa bang lumaban. Dahil sa laro ng pag-ibig, hindi sapat ang pagiging "okay." Minsan, kailangan mong maging matapang para maging tunay na masaya.

Updated at

Read Preview

Navigate with selected cookies

Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.