Her Wildrose
Reads
Mula pagkata, si Tryon Garcia ay lihim nang umiibig sa kanyang matalik na kaibigan si Miesha Ramos - ang anak ng katiwala ng kanilang Hacienda sa Gabaldon, Nueva Ecija. Sa ilalim ng kubo sa puno ng mangga, sabay nilang binuo ang kanilang mga pangarap at pinangarap ang isang masayang kinabukasan. Ngunit hindi lahat ng unang pag - ibig ay nagkaroon ng masayang wakas. Dahil sa mga maling akala, lihim at mapait na pangyayari, napilitang magkalayo ang kanilang mga landas. Lumipas ang maraming taon na kapwa nila sinubukang kalimutan ang karaan at magpatuloy ng tadhana? Sa kanilang muling pagkikita, babalik ang mga alaalang pilit nilang kinalimutan at mga damdaming hindi kailanman nawala. Sa gitna ng mga sugat ng nakaraan at mga pagsubok ng kasalukuyan, handa pa ba silang bigyan ng ikalawang pagkakataon ng pag - ibig? O mananatili na lamang itong isang magandang alaala na minsang nabuo sa ilalim ng kubo sa puno ng mangga? Sa pagbalik ng kahapon, muling matutuklasan nina Tyron at Miesha kung sapat ba ang pagmamahal upang paghilumin ang lahat ng sugat ng nakaraan.
Updated at
Reads
Masayahin, madaldal, at palaban ni Nicole Ramirez, isang simpleng tindera ng maruya at banana que na handang gawin ang lahat para matulungan ang kanyang pamilya. Sa kanila ng kahirapan, hindi nawawala ang positibo sa buhay. Samantala, si Adrian Villamor ay isang matagumpay na abogado at negosyante na kakabalik lamang sa kanilang bayan matapos ang maraming taon. Gwapo, mayaman, at matalino - ngunit kilala rin bilang isang suplado at malamig na lalaki na tila walang pakialam sa nararamdaman ng iba. Nagsimula ang kanilang muling pagtatagpo sa isang hindi inaasahang insidente nang masabuyan ng maruming tubig si Nicole ng sasakyan ni Adrian. Mula noon sunod - sunod na ang kanilang bangayan, asaran, at hindi pagkakaunawaan. Ngunit paano kung sa likod ng kanilang mga pagtatalo ay unti - unting mabuksan ang mga pusong matagal nang naghihintay na muling magmahal? Makakaya kayang tunawin ng isang makulit na dalaga ang malamig na puso ng isang Mr. Suplado? O mananatili lamang silang magkaaway habang - buhayIsang nakakalig, nakakatawa at puno ng emosyon na kuwento ng pag - ibig, pagkakaibigan, at ikalawang pagkakataon ang naghihintay sa inyo sa Mr. Suplado Meets Naughty Girl.
Updated at
Reads
Mula nang mamatay ang kanyang ama, si Liena Ramirez ay namuhay nang simple kasama ang kanyang ina. Bilang isang masipag na empleyado, wala siyang ibang hangarin kundi mabigyan ng maayos na buhay ang kanyang pamilya. Ngunit sa likod kanyang simpleng pamumuhay ay isang lihim matagal na niyang minamahal ang kanyang ka opisina na si Matt, isang mabait at responsableng lalaki na mayroon nang kasintahan. Alam ni Leina na wala siyang karapatang umasa, ngunit hindi niya mapigilan ang kanyang puso. Nang biglang masira ang relasyon nina Matt at Ria, naging mas malapit sila sa isa't isa. Akala ni Liena ay ito na ang pagkakataong matupad ang kanyang magatal nang pangarap. Ngunit paano kung malaman niyang siya ay naging panakip - butas lamang sa pusong sugatan ni Matt? Handa ba siyang ipaglaban ang pag - ibig o pipilin niyang palayain ang sarili mula sa sakit ng isang rebound love?
Updated at
Reads
Dahil sa kagustuhang makita siyang mag - asawa bago sumailalim sa gamutan, pinilit ng lola ni Aiden Clay Monteverde - isang bilyonaryo at Ceo na maghanap ng mapapangasawa sa lalong madaling panahon. Dahil ayaw niyang pumasok sa isang tunay na relasyon, pumayag siyang kumuha ng isang " bride or hire. "Samantala, si Jewel Paris Rodriguez ay isang matapang at masipag na dalagang handang gawin ang lahat para sa kanyang bulag na kapatid. Nang mawalan siya ng trabaho at mangailangan ng malaking halaga para sa operasyon ng kanyang kapatid, isang kakaibang oportunidad ang kumatok sa kanyang buhay. Dalawang taong magkaibang - magkaiba ang mundo. Isang kontratang kasal. Isang kasunduang bawal ma - inlove. Ngunit paano kung habang tumatagal ay unti - unti mabasag ang mga patakarang sila mismo ang gumawa?
Updated at
Reads
Pagkatapos ng mahabang panahon ng katahimikan, muling nagkrus ang landas nina Sarah at Aldrin sa kasal ng kanilang mga kaibigan. Akala nila tapos na ang lahat—na isa na lamang itong alaala ng nakaraan. Ngunit sa isang iglap, muling nagising ang damdaming matagal nilang pilit itinago. Si Sarah, takot nang umasa matapos masaktan noon, ay piniling umiwas. Ngunit sa bawat tingin at bawat salita ni Aldrin, unti-unting gumuho ang pader na matagal niyang itinayo sa kanyang puso. Si Aldrin naman, na matagal nang may pagsisisi, ay determinado ngayong ayusin ang lahat at bawiin ang babaeng hindi niya kailanman nakalimutan. Sa gitna ng mga ngiti, pilit na pag-iwas, at hindi nasabi noong nakaraan, kaya pa bang muling itama ang isang pag-ibig na minsang nawala? O mananatili na lamang silang “what if” sa isa’t isa?
Updated at
Reads
Isang masipag na sales agent na handang gawin ang lahat para sa kanyang may sakit na ina. Isang tapat na bodyguard na nakatalaga sa pagprotekta sa isang makapangyarihang gobernador. Nang pagtapuin sila ng isang mapanganib na operasyon at isang lihim na nagbabanta sa kanila buhay, unti - unting mabubuo ang damdaming hindi nila inaasahan. Ngunit paano kung ang pag - ibig na kanilang natagpuan ay maging dahilan ng kanilang kapahamakan? Hanggang saan nila kayang ipaglaban ang isa't isa kng mismong buhay nila ang nakataya?
Updated at
Reads
Matagal nang lihim na minamahal ni Cassie si Randy, ang mabait at guwapong katrabaho na mayroon nang kasintahan. Kahit alam niyang walang pag - asa ang kanyang nararamdaman, patuloy niyang ipinapakita ang pagmamahal dito sa simpleng paraan. Ngunit isang araw, biglang nagbago ang lahat nang mawala si Randy sa kanyang pang - araw araw na buhay. Sa paglipas ng panahon, matutuklasan ni Cassie na ang pag - ibig ay hindi lamang tungkol sa paghihintay, kundi tungkol din sa tamang pagkakataon, mga lihim ng nakaraan, at mga damdaming matagal nang itinago. Kapag ang taong mahal mo ay hindi para sa iyo, hanggang kailan ka kalaban para sa pag - ibig?
Updated at
Reads
Matapos ang lahat ng pagsubok na pinagdaan nina Aldo Monteclaro at Cassandra, akala nila ay wala nang makakasira sa masayang pamilyang unti - unti nilang binuo. Habang sabay nilang inaabangan ang pagdating ng kanilang Ngunit hindi lahat ay masaya sa kanilang kaligayahan. Muling nagbalik si Natalie, isang babaeng matagal nang naghahangad na maagaw si Aldo mula kay cassi. Handa siyang gawin ang lahat upang sirain ang kanilang pagsasama at wasakin ang pamilyang pinaghirapan nilang buuin. Sa gitna ng kasinungalingan, selos, at mga lihim ng nakaraan, masusubok ang tiwala at pagmamahalan nina Aldo at Cassie. Magiging sapat kaya ang kanilang pagmamahalan upang malampasan ang lahat ng pagsubok? O tuluyan nang mawawasak ang kanilang pangalawang pagkakataon sa pag - ibig? Kapag ang puso ay minsan nang nasaktan, handa ka pa bang maniwala sa isang pangalawang pangako ng pagmamahal?
Updated at
Reads
Isang simpleng pagkakamali ang nagdikit sa landas nina Mica Santos at Andrie Reyes. Si Mica ay isang mahirap na dalagang handa gawin ang lahat para mabuhay ang kanyang nakababatang kapatid. Dahil sa pamimilit ng kanyang mapang - abusong tiyuhin, napilitan siyang magnakaw ng cellphone mula sa isang estranghero sa mall. Ngunit hindi niya inaasahang ang lalaking kanyang nadukutan ay si Andrie Reyes - isang makapangyarihan, mayamang CEO na walang puwang ang awa para sa mga taong nagsisinungaling at nagnanakaw. Galit na galit si Andrie sa babaeng nagtangkang nakawin ang kanyang cellphone. Ngunit habang paulit - ulit silang pinagtatagpo ng tadhana, unti - unti niyang natutuklasan ang mapait na katotohanan sa likod ng buhay ni Mica ang kahirapan, pang - aabuso, at mga sakripisyong ginawa nito para sa kanyang kapatid. Sa gitna ng lumalalim nilang damdamin isang madilim na lihim ang maglalagay sa buhay ni Mica sa panganib. At sa pagkakataong iyon, kakailanganing piliin ni Andrie kung mananatili siyang bilang isang malamig na bilyonaryo o ipaglaban ang babaeng minsan niyang itinuring na magnanakaw. Paano kung ang babaeng minsang dumukot sa kanyang ang siyang ring magnakaw ng kanyang puso?
Updated at
Reads
Sa loob ng dalawang taon, walang palya si Elise Reyes sa pagbibigay ng sandwich kay Jefferson Cruz - ang lalaking matagal nang may hawak ng kanyang puso. Kahit alam niyang hindi pa siya kayang mahalin ng binata, hindi siya sumusuko. Para kay Elise, sapat na muna ang makita ang ngiti nito Araw - Araw. ngunit paano kung ang lalaking minamahal niya ay naramdaman, alaala ng kanyang unang pag - ibig? Habang patuloy na lumalaban si Elise par sa kanyang nararamdaman, unti - unti rin niyang natututnang hindi sapat ang pagmamahal kung siya lang ang handang sumugal. Sa pagitan ng pag - asa at pagtanggap, kailangan niyang pumili - ipagpatuloy ba niya ang hihintay o tuluyan nang bibitaw? At kapag dumating ang araw na siya na mismo ang sumuko, handa na kaya si Jefferson na habulin ang babaeng matagal nang nag mamahal sa kanya? Isang nakakakilig at nakakaantig na kwento ng first love, paghihintay, at pagmamahal nag simula sa isang simpleng sandwich.
Updated at
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.