15.123K
VISITORS
2.208K

ABOUT ME

Ilalaban natin 'to HAHA "I can do all things through Christ which strengtheneth me." Philippians 4:13 Totoy niyo na mahilig magsulat at magbasa. Friendly din ako. FB: Kevyn Bautista

ABOUT ME

Ilalaban natin 'to HAHA "I can do all things through Christ which strengtheneth me." Philippians 4:13 Totoy niyo na mahilig magsulat at magbasa. Friendly din ako. FB: Kevyn Bautista
FOLLOWING
You are not following any writers yet.
More

STORY BY Totoy

Nabuntis Ako ng Bilyonaryo

Nabuntis Ako ng Bilyonaryo

Reads

Si Tallulah 'Tali' Lopez, gagawin niya ang lahat para lang makuha at mapaibig ang isang gwapo at masungit na si Gael Ramirez, ang lalaking mahal niya at hindi niya kayang mawala. Desperada na siyang makuha ang binata kaya naman ibinigay niya ang sarili niya rito nang gabing lasing ito para tuluyan itong matali sa kaniya ng habang buhay. Dahil nagbunga ang gabing iyon, wala nang nagawa pa si Gael kung 'di ang pakasalan siya ngunit nang malapit na ang kanilang kasal, bigla na lang naglahong parang bula ang binata at hindi na bumalik.Walong taon ang nakalipas, bumalik si Gael Ramirez na dala ang galit at poot sa kaniya. Bumalik ito bilang isang bulag na bilyonaryo at naging personal caregiver siya ng binata. Babalik pa kaya ang dating pagmamahal ni Tali sa binata gayong ikakasal na siya sa kaibigan nitong si Kendric? Muli pa kaya itong makakakita at matatanggap pa ba siya nito gayong siya ang dahilan kung bakit ito nabulag?

Updated at

Read Preview
A Man in Her Past (Completed)

A Man in Her Past (Completed)

Reads

Pilit kinalimutan ni Abella ang masaklap na kinahantungan ng nakaraan niyang pag-ibig na akala niya'y road to forever na, ngunit nagkamali siya dahil siya mismo ang pumutol sa inakala niyang forever na iyon. Hindi niya 'yon gusto pero iyon ang hinihingi ng sitwasyon at wala siyang nagawa kungdi gawin iyon dahil kung hindi niya iyon gagawin, mahihirapan lang silang pareho. Makalipas ang halos isang taong paglimot niya sa binata, bumalik ito ng walang pasabi. Hindi siya handa. Akala niya'y magiging madali ang lahat pero nagkamali siya dahil sa pagkikita nila ng binatang iniwan niya, insulto ang ibinato nito sa kaniya at pakiramdam niya hindi niya iyon deserved. Muli pa bang magtatagpo ang bawat tibok ng kanilang mga puso o kusa nang lalayo ang mga iyon?

Updated at

Read Preview
I'm His Personal Maid [Completed]

I'm His Personal Maid [Completed]

Reads

Isang simpleng probinsyana lamang si Anna Marie Castillo, namumuhay sa isang simpleng lugar, simpleng probinsiya. Pero kahit ganoon, masaya siya sa buhay na mayroon siya kasama ang kaniyang pamilya. Mahirap lang sila at trabahador lang ng pamilya Bautista ang kanyang ama, samantalang ang kanyang ina naman ay nag-e-extra lamang. Ang tahimik niyang buhay sa probinsiya ay magugulo sa pagdating ng anak ng mga Bautista na si Kevyn, isang mayabang at antipatikong lalaki. Ano kaya ang kahihinatnan nila kung sa unang pagtatagpo pa lang nila ay hindi na naging maganda iyon? Ano kayang gagawin niya kapag nalaman niyang siya ang magbabantay sa binata habang nasa probinsya ito? Babalik pa kaya ang katahimikan niya sa probinsiya o lalo lang iyong gugulo?

Updated at

Read Preview
My Hotdog Vendor (SPG)

My Hotdog Vendor (SPG)

Reads

Lahat ng gusto ni Wendy Sandoval ay kaya niyang kunin simply because she has everything. Money. Fame. Beauty. Ngunit lahat ng katangian niya'y hindi bagay sa isang lalaking katulad ni Reeve Cordavez, isang Hotdog vendor sa tapat ng kolehiyo kung saan siya nag-aaral. Maraming babae ang nababaliw sa taglay nitong kaguwapuhan at isa siya roon. Ngunit dahil sa udyok ng mga kaibigan niya, naging sentro ng pustahan ang binata na naging dahilan para mapalapit siya rito. Ibinigay niya ang sarili rito dahil naramdaman niya ang comfort sa bisig nito. Pag-ibig sa magkaibang mundo. Mapangahas at mainit na relasyong pagsasaluhan nila. A family reputation, love and temptation. Ano ang dapat manginabaw? Kaya ba niyang ipaglaban ang pag-ibig sa isang Hotdog vendor kahit maging ang mundo'y tutol sa kanilang pagmamahalan?

Updated at

Read Preview
Her Unexpected Marriage [Completed]

Her Unexpected Marriage [Completed]

Reads

Sabi nga nila mapaglaro ang tadhana, gagawa ito ng mga bagay na hindi mo inaasahan at iyon ang nangyari kay Miles Virgilio nang sabihin sa kaniya ng kaniyang mga magulang na ipakakasal siya ng mga ito sa lalaking hindi niya kilala. Natatakot kasi ang mga magulang niya na magkatotoo ang sumpa ng Lola niya na kapag umabot siya ng trenta at wala pa siyang asawa, tatanda raw siyang dalaga. Tumutol si Miles sa kasalang iyon lalo na ng malaman niyang si Zandy Saavedra ang lalaking ipakakasal sa kaniya. Ito lang naman ang lalaking naging parte ng masakit niyang nakaraan at naging dahilan kung bakit nagkahiwalay siya at ang ex-boyfriend niya. Pero dahil sa sa nangyari sa kaniyang ama, wala siyang naging ibang choose kung 'di pakasalanan ang lalaking iyon na inisip niyang isang bakla. Paano niya pakikisamahan ang katulad ni Zandy? May mabubuo bang pag-ibig sa pagsasama nila kahit sa tingin niya'y bakla ito at ito ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ng kaniyang ex-boyfriend? Handa ba siyang makipaglaro sa laro ng tadhana?

Updated at

Read Preview
Alpha's Embrace [Completed]

Alpha's Embrace [Completed]

Reads

Sa kabila ng misteryosong pagkamatay ng ama ni Meteor Obañez, napilitan silang lumayo ng kaniyang ina sa probinsiya ng Laguna dala-dala ang mga tanong sa nangyari. Ngunit sa kagustuhan niyang malaman ang katotohanan, nagdesisyon siyang bumalik makalipas ang isang taon, bagaman tinutulan iyon ng kaniyang ina. Sa pagbabalik ni Meteor, sa isang hindi inaasahang pagkakataon magtatagpo ang landas nila ng misteryosong si Luke. Bukod sa gwapo at matipuno nitong katawan, alam ni Meteor na may kakaiba sa katauhan nito na gusto niyang malaman. May nararamdaman siyang connection sa binata at ganoon din ito sa kaniya. Sa pananatili ni Meteor sa lugar, namalayan na lang niyang napapalapit na siya kay Luke kasunod ang utay-utay na pagtuklas niya sa totoong nangyari sa kaniyang ama. Ngunit paano kung ang katotohanan na nalaman niya ay konektado sa binata? Mag-iiba ba o mananatili ang pagtingin niya rito?

Updated at

Read Preview
Temptation and Desire (R+18) [Completed]

Temptation and Desire (R+18) [Completed]

Reads

PaperInk Publishing Collaboration. Dahil sa utang na iniwan ng ama ni Angelica Soriano, kailangan niyang iwan ang bahay na nag-iisang naiwang alaala ng kaniyang ina. Hindi niya alam na ginawa pa lang collateral ng kaniyang ama ang bahay na iyon at pagkatapos ay iniwan siya nito. Dahil sa mahalaga para kay Angelica ang bahay na iyon dahil sa maraming alaala niya kasama ang ina, desidido siyang mabawi ang bahay sa kahit anumang paraan. Nakilala niya si Zero Cordalez, ang gwapo at mayamang nakatira sa bahay niya. Dahil sa kagustuhan niyang mabawi ang bahay, gumawa siya ng plano. Nakiusap siya kay Zero na payagan siyang tumira sa bahay kapalit ng serbisyo niya, ngunit ang plano niya'y akitin ang binata para sa huli'y ibalik nito ang bahay sa kaniya. Magtatagumpay kaya si Angelica na akitin si Zero habang kasalukuyan wasak ang puso nito? May mabubuo kayang pag-iibigan sa pagsasama ng dalawa? Mababawi pa ba ni Angelica ang bahay o siya mismo ang maaakit sa binata?

Updated at

Read Preview
Riot Men Series 7: Imprisoned by Her Kiss (SPG)

Riot Men Series 7: Imprisoned by Her Kiss (SPG)

Reads

Riot Men Series 7: Imprisoned by Her Kiss Dwayne Fortuna, a heartless, brat and fearless. Napadpad siya sa probinsiya dahil sa pagtakas sa malaking gulong ginawa niya. A man with full of secrets. Ngunit sa pagtatago niya, matatagpuyan niya si Yuri, ang babaeng gagawin lahat para sa pamilya nito. Isang halik ang magiging dahilan ng kanilang paglalapit at natagpuan niya ang sariling concern sa dalaga. Ngunit sa pagiging malapit nila, panganib ang kapalit niyo. Kaya ba niyang baguhin ang sarili para sa dalaga? Matatanggap kaya nito ang pagkatao niya at ang lahat ng sikreto sa buhay niya? Paano niya puprotektahan si Yuri sa nakaraan niya?

Updated at

Read Preview
Music of Our Hearts

Music of Our Hearts

Reads

Isang die hard fan si Star ng isang sikat na banda. Ang Angels Band na may tatlong miyembro. Matagal na siyang tagahanga ng nasabing banda at matagal na rin siyang lihim na may pagtingin sa vocalist niyon na si Zhian. Isang gwapong lalaki na halos lahat ng babae ay nagkakagusto rito. Kahit isang kagaya niyang lalaki rin. Handang gawin ni Star ang lahat makita lang sa personal ang vocalist ng banda at nangyari nga 'yon. Sa unang pagkakataon, nakarating siya sa concert ng banda at hindi niya maipaliwanag ang sayang nararamdaman ng mga sandaling 'yon. Isang araw nagkaroon ng audition ang entertainment ng Angels Band para sa ikaapat na miyembro ng grupo. Kahit hinahangaan ni Star ang banda, hindi pumasok sa isip niya na mag-audition doon. Hindi kasi siya naniniwala sa talento niya at wala siyang balak na pasukin ang music industry. Magbabago ba ang isip ni Star at susubukang mag-audition para maging miyembro ng banda?

Updated at

Read Preview
Love and Death

Love and Death

Reads

Isang simpleng babae lamang si Jamie Regardon at hindi niya maituturing ang sarili na maganda kahit may nagsasabi sa kaniya niyon. Kontento na siya sa simpleng bagay na mayroon siya, pamilya, kaibigan at trabaho. Wala na siyang ibang hinihiling pa. She worked as a secretary in a well-known company own by Caireos family. Secretary siya ng bagong CEO ng company, si Zacherson Caireos, ang pinakamasungit na taong nakilala niya. Palagi siyang sinusungitan nito at base sa bali-balita sa company dahil iyon sa pagkamatay ng girlfriend nito. Palagi namang nadiyan ang mga kaibigan ni Jamie, si Maggie, Chester at maging si Andrew na nagpapalakas ng loob niya sa pagsusungit ng gwapong boss. Akala ni Jamie, doon lang iikot ang mundo niya hindi niya inakala na may kakila-kilabot na mangyayari sa buhay niya na konektado sa kaniya. Lahat ng lalaking napapalapit sa kaniya ay namamatay sa 'di malamang dahilan. Nabahala siya at ang mga kaibigan niya. Kinatakot rin niya ang pagsisimula ng pagkakamabutihan nila ng masungit na boss. Hanggang sa namalayan na lang ni Jamie na nahulog na siya sa boss at ganoon din ito sa kaniya, lalo siyang natakot sa maaaring mangyari kay Zach pero handa ang binata sa ano mang maging panganib sa rito at handa rin itong protektahan siya. Natakot si Jamie sa panganib na dulot niya sa mga lalaking nasa paligid niya. Lalong nagulo ang mundo at isip niya sa sunod-sunod na panggugulo ng stalker niya na obsessed na ata sa kaniya. Hindi nila alam kung sino iyon hanggang sa hindi maiwasang magduda siya sa mga lalaking nakapaligid sa kaniya dahil tila alam ng stalker ang lahat ng ginagawa niya. Maaari bang isa nga sa kanila ang pumapatay?

Updated at

Read Preview

Navigate with selected cookies

Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.