5.38K
VISITORS
143

ABOUT ME

Dream come true! Finally, published na ang books ko sa Dreame! From being a full-time housewife mom with psoriatic arthritis, sa araw-araw na paulit-ulit ang routine… ngayon, I found a new passion, WRITING. This is my fresh start, my new journey. Salamat sa lahat ng sumusuporta, this is just the beginning! #NewbieWriter #DreamComeTrue #MomWrites

ABOUT ME

Dream come true! Finally, published na ang books ko sa Dreame! From being a full-time housewife mom with psoriatic arthritis, sa araw-araw na paulit-ulit ang routine… ngayon, I found a new passion, WRITING. This is my fresh start, my new journey. Salamat sa lahat ng sumusuporta, this is just the beginning! #NewbieWriter #DreamComeTrue #MomWrites
FOLLOWING
You are not following any writers yet.
More

STORY BY Shai

Sa Pangarap Kita Mamahalin

Sa Pangarap Kita Mamahalin

Reads

Isang kasal na hindi dapat nangyari. Isang pangarap na hindi dapat inangkin. Si Jassie, isang simpleng estudyante na may malaking pangarap sa buhay. Ang tanging hangarin niya ay makapagtapos at iahon ang pamilya sa kahirapan. Ngunit isang desisyon ang magpapabago sa lahat, ang pagpapakasal kay Keano Ishikawa, ang lalaking matagal na niyang hinangaan mula sa malayo. Si Keano, makapangyarihan, malamig, at hindi marunong magmahal. Para sa kanya, ang kasal ay isang kasunduan. Isang obligasyon. Isang paraan para protektahan ang reputasyon at ang mundo na kanyang ginagalawan. “Don’t fall in love with me,” babala niya. “I will give you everything—money, power, marriage… but not love.” Isang taong kontrata. Isang relasyong walang damdamin. Isang pusong tahimik na umaasa. Habang si Keano ay may girlfriend sa labas ng kanilang kasal, si Jassie naman ay pilit tinatanggap ang papel na “asawa sa papel.” Ngunit paano kung unti-unting magbago ang lahat? Paano kung ang lalaking naniniwalang hindi siya marunong magmahal ay magsimulang magselos? At paano kung ang babaeng nangakong hindi mangangarap ay mapagod na? Sa mundong puno ng kapangyarihan, reputasyon, at mga lihim, Sino ang unang susuko? At kapag dumating ang araw na kaya nang lumaya ni Jassie… Hahayaan ba siya ni Keano?

Updated at

Read Preview
Extra Rice, Extra Love

Extra Rice, Extra Love

Reads

Isang gabi. Isang pagkakamali. Isang lihim na hindi inaasahang magbabago ng lahat.Si Cathy, ang masayahin at plus-size na babae na madalas binubully sa campus, ay may isang gabing hindi niya kailanman makakalimutan, ang gabing ibinigay niya ang lahat sa lalaking pinaka-hindi niya inaasahan.Si Troy, ang campus heartthrob na hinahangaan ng lahat ng babae, ay nagising kinabukasan na may katabing babaeng hindi niya akalaing makakasama niya sa kama.Para sa kanya, isa lang itong pagkakamali.Para kay Cathy… isa itong alaala na hindi niya pagsisisihan.Ngunit paano kung ang gabing iyon ay hindi pala ang katapusan, kundi simula ng mas komplikadong kwento?Kapag nagtagpo muli ang landas ng isang lalaking puno ng pride at isang babaeng sanay nang maliitin, sino ang unang mahuhulog?At kapag nalaman ni Troy ang totoo tungkol kay Cathy… handa ba siyang lunukin ang lahat ng sinabi niya?Sa mundong puno ng paghuhusga, kaya bang patunayan ng pag-ibig na hindi nasusukat ang halaga ng isang tao sa itsura lamang?

Updated at

Read Preview
Sa Likod ng Isang Gabi

Sa Likod ng Isang Gabi

Reads

Si Helena ay isang matandang dalaga. Matapos mabigo sa pag-ibig, pinili niyang ialay ang buong buhay sa pamilya, lalo na sa pamangking itinuring niyang sariling anak. Ngunit sa kabila ng lahat ng sakripisyo, iniwan siya. Binale-wala. Sinisi. Isang gabi, sa gitna ng malakas na ulan, nagtagpo ang landas niya at ng estudyanteng kilala bilang pasaway, si Shean. Isang gabing hindi niya inaasahan. Isang gabing hindi na niya kailanman mababawi. May nangyari sa kanila. At huli na nang matuklasan niyang may inilagay pala si Shean sa inuming ipinainom sa kanya. Ito na naman ba ang kapalaran ni Helena, ang laging talo sa buhay at sa pag-ibig? Biktima ba siya ng isang planadong pagkakamali, o may lihim na intensyon si Shean na hindi pa niya nauunawaan? Pagliligtas ba ang hatid ng batang lalaking ito— o isa na namang hakbang palalim sa kumunoy na pilit niyang tinatakasan?

Updated at

Read Preview
KAHIT SANDALI, MAHAL KITA

KAHIT SANDALI, MAHAL KITA

Reads

Niloko ng fiancé niya si Talia Benitez, kaya isang gabi ay nagpakalunod siya sa alak sa isang bar, desperadong kalimutan ang sakit. Doon niya nakilala ang isang misteryosong lalaki na inakala niyang bayarang lalaki. Sa kagustuhang tumakas sa realidad, inalok niya itong paligayahin siya… kahit isang gabi lang. Hindi niya alam na ang estrangherong ito ay si Kael Rivas, isang CEO, makapangyarihan, nakakatakot, at ubod ng yaman. At ang gabing inaakala ni Talia na panandalian lang… ay ang gabing hindi niya na mababawi. Dahil kay Kael, hindi iyon basta “one night.” Para sa kanya, iyon ay simula. At ngayon, ayaw na siyang pakawalan ni Kael. Gusto siyang angkinin, protektahan, at gawing asawa, kahit ayaw pa sa simula ni Talia. Pero paano kung ang lalaking akala niyang bayarang lalaki ay isa palang hari sa mundong puno ng panganib, kapangyarihan, at sikreto? Kaya ba niyang tumakas? O tuluyan na siyang mahuhulog sa braso ng misteryo ng lalaki na handang gawin ang lahat… para maging kanya?

Updated at

Read Preview
Debt of the Heart

Debt of the Heart

Reads

Ang pamilya ni Amara ay nalubog sa napakalaking pagkakautang sa makapangyarihang pamilya Marcellus, ang pamilyang pinamumunuan ng kinatatakutang mafia boss na si Rafael “El Viejo” Marcellus. Ngunit sa mismong kaarawan ng anak nito na si Damon Marcellus, isang arogante at malupit na binatang matagal nang nambubully kay Amara, isang hindi inaasahang “regalo” ang hiningi nito sa ama: si Amara mismo. Bilang kapalit ng utang, ipinasakamay siya kay Damon. Ngayon, kailangan ni Amara na humanap ng paraan upang makatakas mula sa anino ng pamilyang Marcellus, lalo na sa mga kamay ni Damon na tila may sariling intensyon sa kanya. Ngunit paano kung sa bawat tangkang pagtakas ay lalo lang siyang hinihila pabalik sa mundo ng mga Marcellus? At paano na ang relasyon niya kay Ethan, ang matagal na niyang nobyo, kung ang puso at kalayaan niya ay hawak na ng lalaking pinaka-kinamumuhian niya? Isang kuwento ng utang, kapangyarihan, at pag-ibig na hindi niya inakalang darating, dahil minsan, ang pinakamalaking panganib ay hindi ang mundo ng mafia… kundi ang pusong unti-unting bumibigay.

Updated at

Read Preview
Lights, Camera, LOVE

Lights, Camera, LOVE

Reads

Gwapo. Sikat. Playboy. ’Yan ang tatak ni Drew Morales, ang matinee idol na kayang paibigin ang kahit sinong babae, maliban kay Almira, isang nurse na ayaw sa mga lalaking puro panlabas lang ang pagmamahal. Pero nang makita ni Drew ang diary ni Almira, natuklasan niya ang kwento ng isang babaeng nasaktan nang paulit-ulit, pero marunong pa ring ngumiti. At doon nagsimula ang pagbabago. Handa siyang ipaglaban ang pag-ibig, kahit sa simula pa lang, talo na siya sa paningin ni Almira. Kaya bang baguhin ng isang playboy ang imahe niya… kung ang gusto lang niyang mapatunayan ay totoo ang puso niyang nagmamahal?

Updated at

Read Preview
Stronger than Yesterday

Stronger than Yesterday

Reads

Iniwan si Belle ng kanyang asawa dahil daw wala siyang ambisyon. Para kay Randy, isa lang siyang simpleng maybahay na walang mararating, kahit buong puso niyang inalagaan ang pamilya. Matapos ang masakit na hiwalayan, natuto siyang tumayo sa sariling paa. Nagsimula siya bilang isang kusinera sa maliit na restaurant, hanggang sa matuklasan ng isang sikat na CEO na mahilig sa masasarap na pagkain ang kanyang talento. Sa tulong nito, unti-unting umangat si Belle at naging isa sa pinakakilalang chef sa buong Pilipinas. Ngunit sa rurok ng kanyang tagumpay, muling nagbalik si Randy, dala ang mga pangakong itatama raw niya ang lahat ng pagkakamali. Sa hindi kalayuan, naroon ang lalaking tunay na nagtiwala at nagmahal sa kanya mula umpisa. Tinitigan ni Belle ang lalaking minsang nagdurog sa puso niya at marahang bumulong: “Ngayon mo ako mahal… pero tandaan mo, mas mahal ko ang sarili ko.”

Updated at

Read Preview
The Governor’s Hidden Heart

The Governor’s Hidden Heart"

Reads

Lumaki si Aiden Cruzado sa hirap at sakit ng loob, Lalong-lalo na nang makulong ang ama niya dahil sa isang krimeng hindi nito ginawa. Wala silang laban noon, lalo pa’t ang makapangyarihang pamilyang De Vera ang nasa likod ng kaso. Taon ang lumipas. Si Aiden, na dating binansagang anak ng magnanakaw, ay isa nang respetadong abogado at ngayon ay Governor ng probinsya. At sa kanyang pagbabalik, may isang bagay siyang baon: paghihiganti. Pero hindi niya inaasahan na sa puso ng kalaban, matatagpuan niya si Lyka De Vera, ang maganda, matalino, at mapagkumbabang anak ng taong sumira sa buhay nila.Handa na siyang gumanti… Pero paano kung ang babaeng dapat niyang gamitin ay siya ring matutunang mahalin? Isang kwento ng paghihiganti, kapatawaran, at pag-ibig sa gitna ng nakaraan.

Updated at

Read Preview
Secret Love

Secret Love

Reads

Isang simpleng probinsyanang babae si Carmen na nagsumikap makapagtapos ng pag-aaral para mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang pamilya. Ngunit nagbago ang takbo ng kanyang buhay nang makilala niya si Tristan. Sa una, pilit niyang inilalayo ang sarili dahil ayaw niyang ma-involve sa kahit sinong lalaki. Pero dahil sa pagiging masiyahin at mapilit ni Tristan na parang lagi na lang nasa tabi niya, tila isang life saver unti-unti rin niya itong pinagkatiwalaan. Ang tanong: mapagkakatiwalaan ba talaga si Tristan, o siya rin ang magiging dahilan ng pagkawasak ng mga pangarap ni Carmen?

Updated at

Read Preview

Navigate with selected cookies

Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.