meloves_1989
Reads
Lahat ay kayang gawin ng isang ina para sa kanyang anak. Lahat ay kayang isakripisyo ng isang ina para lang mapabuti ang kalagayan ng kanyang anak.Bata pa si Farrah ng magkaroon ng anak. Ang akalang buhay na maganda, masaya at langit na ipinangako ng lalaking kanyang minahal ay impyerno pala.Sa paglayo ni Farrah at anak nito ay pinasok ni Farrah ang mundong kahit kailan ay hindi niya inakalang kahahantungan niya.Makalaya pa kaya si Farrah sa kulungang kinasadlakan niya? May lalaki pa kayang totoong magmamahal sa kanya at tatanggapin ang kanyang nakaraan?
Updated at
Reads
Jared is all Monnette’s firsts. First kiss, first boyfriend, first love and the first man she gave herself to. She thought that Jared was was the last man she would love and be with until they grow old. But Jared left her without saying anything while she was giving birth to thier first child. Until their daughter died, they didn’t even see him. That’s why she hates Jared that much and his family to the core.
Updated at
Reads
Paulit ulit na nagmamahal ngunit paulit ulit ring nasasaktan. Kayang tiisin ni Alyjoe ang hirap at sakit maibigay lang sa anak ang buong pamilyang hindi niya natikman noon. Ngunit hanggang kailan siya magiging martyr? Hanggang kailan siya magtitiis sa kamay ng abusadong asawa? Maranasan pa kaya niya ang totoong pagmamahal na kahit minsan ay hindi niya naranasan? May sasagip pa kaya sa puso niyang napagod ng magmahal?
Updated at
Reads
Paano kung mabuntis ka at ang babaero mong kaibigan ang ama? Sasabihin mo ba sa kanya o itatago mo na lang para hindi makasira ng relasyon ng iba? Si Lhindsay, ang babaeng mas piniling lumayo na lang dahil alam niyang masaya na si Apollo sa piling ng kasintahan nito. Makalipas ang limang taon ay itinadhana muling magkrus ang landas nilang dalawa at nakatakdang ikasal sa isa’t isa para maisalba ang negosyong dugo’t pawis na itinayo ng ama ni Lhindsay. Mauwi kaya in a romantic way ang pagmamahal ni Lhindsay para kay Apollo na kanyang bestfriend slash kuya? Ano kaya ang gagawin ni Apollo makuha lang ang pag-ibig at pagtitiwala ng babaeng tinakbuhan siya ng halos limang taon?
Updated at
Reads
Ano nga ba ang kaya mong gawin para sa iyong pamilya? Hindi inakala ni Blessa na pagbebenta pala ng katawan ang magiging trabaho niya pagdating sa Maynila. Trabahong unti unti niyang yayakapin para mabigyan lang ng magandang buhay ang kanyang ina at mga kapatid. Ngunit sa muling pagbabalik ni Blessa sa kanyang pamilya ay guguho ang kanyang mundo dahil wala na pala siyang pamilyang babalikan pa. (UNDER EDITED)
Updated at
Reads
Ten years ago, nangako si Micko kay Lorren na babalikan siya nito. Babalik ito kapag maayos na ang lahat. Kapag handa na ang mga puso nila at malaya nang mag-mahal at kaya ng panindigan ang kani-kanilang nararamdaman. Kung ikaw si Lorren? Maghihintay ka pa rin ba sa pangako ng nakaraan o tulad ng punong pinaglipasan ng panahon ay lilipas rin ang pag-asa mong magkakaroon ng katuparan ang pangakong binitawan.
Updated at
Reads
Ang tanging pangarap ni Wendy ay mabigyan ng magandang buhay ang kanyang mga kapatid. Hindi na rin siya nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa kawalan ng pera. Nang malagay sa peligro ang buhay ng kanilang bunso ay tinanggap niya ang alok sa kanyang pasukin ang mundo ng showbiz at maging kapareha ang lalaking kinaiinisan niya. Si Theo Ferrer na leader ng isang sikat na all male dance group. Tinitilian at hinahangaan ng marami dahil sa taglay na kagwapuhan. Magkaroon kaya ng enimies turns into lovers sa pagitan nilang dalawa? Kung sa umpisa pa lang ay hindi na sila magkasundo? Maiiwasan at mapipigilan ba nila ang magkaparehong tibok ng kanilang mga puso kung sa umpisa pa lang ay mali na ang kanilang nararamdaman? Dahil sa mata ng tao at sa mata ng Diyos. Pagkakasala ang mahalin nila ang isa't isa dahil magkadugo silang dalawa.
Updated at
Reads
Bata pa lang ako ay nangangarap na akong magkaroon ng Prince Charming. Parang sila Snow White at Cinderella lang. Iyon bang once na-meet mo na ang Prince Charming mo happily ay ever after na. Puro saya na lang at wala ng problema. Pero mali pala ako. Dahil ang pangarap kong Prince Charming at ang pangarap kong happily ever after ay hindi pala ganoon kadaling makuha. Ngayon ko napagtanto na sa totoong buhay walang Prince Charming at wala ring happy ending. (UNDER EDITING)
Updated at
Reads
Ang pag-ibig daw ay hindi hinahanap, ito ay kusang dumarating sa tamang panahon at tamang pagkakataon. Parang si Sabrina, dalawang beses nabigo sa pag-ibig ngunit sadyang may inilaan talaga ang Diyos para sa kanya. Ngunit paano ba mapapa-ibig ni Sabrina ang isang Zack Montero kung ang puso nito ay nakatali pa rin sa nakaraang pag-ibig at sa babaeng kanyang unang minahal? Paano hihilumin ni Sabrina ang sugatan nitong puso? Kung sa una pa lang takot na si Zack na muling mag-mahal at masaktan.
Updated at
Reads
Ang pag-ibig na pilit ay mapait. Hindi masaya at hindi rin maganda ang magiging resulta. Ang pag-ibig ay kahalintulad rin ng isang prutas, na kapag hinog sa pilit ay hindi matamis at hindi masarap. Ganyan ang pag-ibig ni Mikay para kay Gin. Bata pa lamang si Mikay ay pangarap na niya si Gin. Si Gin naman na pangarap ay ang kanyang nakatatandang kapatid. Sa huli ay isinuko rin ni Mikay ang kanyang nararamdaman para dito. Hindi na kasi niya kaya ang hirap, hindi na kasi niya kaya ang sakit. Alam niyang wala na siyang laban kaya susuko na lang niya ang kanyang nasimulan. At kung kailan naman na may nagmamahal at nagpapasaya na kay Mikay ay doon naman mari-realized ni Gin na ang nararamdaman pala niyang pagmamahal noon pa sa dalaga ay hindi lang pala bilang isang kaibigan o kapatid kundi bilang isang babaeng kanyang iibigin. Paano pa niya babawiin ang babaeng itinitibok ng kanyang puso kung malapit na itong ikasal sa iba?
Updated at
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.