464
VISITORS
55

ABOUT ME

Gusto ko lang subukan isulat ang malikot kung imahinasyon at makapag pasaya sa mga readers? kahit kunti lang ang magkagusto sa story ko,kuntinto naku atleast may readers ka diba? GoD is always in my side!

ABOUT ME

Gusto ko lang subukan isulat ang malikot kung imahinasyon at makapag pasaya sa mga readers? kahit kunti lang ang magkagusto sa story ko,kuntinto naku atleast may readers ka diba? GoD is always in my side!
FOLLOWING
You are not following any writers yet.
More

STORY BY She Borasca

Sinungaling Mong Puso

Sinungaling Mong Puso

Reads

Magkababata si Nathan Wade at Micah Roman. Bago umalis si Nathan sa ibang bansa para mag aral, nangako siya kay Micah na sa pagbalik niya ay pakakasalan niya ito at magsasama sila habang buhay. Si Nathan Wade, ay isang anak ng kilalang abogado at negosyante. Sampung taong gulang pa lamang siya nang magkakilala at naging malapit sila ni Micah. Ngunit isang trahedya ang babago sa pangako ni Nathan kay Micah, pinatay ang ina ni Nathan at ang ina ni Micah ang suspek. Sa pagbalik ni Nathan ay hindi na niya dala-dala ang pangakong pakakasalan niya si Micah, kundi ang pangako niya sa kanyang sarili para sa kanyang ina, na pahihirapan niya ang mga taong may kaugnayan sa taong pumatay sa kanyang ina. Si Micah Roman ay isang anak lamang ng isang labandera sa mansyon nila Nathan. Ngunit dahil sa isang trahedya ang pangakong pinanghahawakan niya na mamahalin at pakakasalan siya ni Nathan ay napalitan ng takot. Takot dahil sa pagbalik ng binata ay ibang Nathan na ang makilala niya. Hanggang kailan kakayanin ni Micah ang paghihirap na maranasan niya kay Nathan at hanggang kailan magsisinungaling ang puso ni Nathan. Paano pag malaman ni Nathan ang katotohanan sa pag patay sa kanyang ina ay huli na. Ang babaeng minamahal ay nawala na sa kanya at sa pagbalik ni Micah ang puso naman niya ang magsisinungaling. May katuparan paba sa pangako nilang magsasama habang buhay, o habang buhay magsisinungaling ang kanilang mga puso. Tunghayan ang Kuwento ni Nathan at Micah sa Sinungaling mong Puso.

Updated at

Read Preview
The Lost Daughter

The Lost Daughter

Reads

The Lost Daughter Sanggol pa lamang si Janelle Fernandez o kilala bilang si Chuchay,nang mawalay ito sa totoong mga magulang nito.Napulot lamang siya sa kinikilala niyang ina'y sa kakahuyan kung saan siya iniwan nang totoo niyang ina para mailigtas ito sa mga kalaban.Pinalaki siya nang kanyang ina'y nang puno nang pagmamahal at naninirahan sa probinsiya,nasasabik man minsan si Chuchay sa pagmamahal nang isang ama at nagtataka kung bakit hindi nila kasama nang ina'y niya ang kanyang ama ay pinuno naman siya nang kanyang ina'y nang pagmamahal,hanggang sa unti-unti na niyang at nasanay at tinanggap na wala siyang ama.Sampung taon sila nanirahan sa probinsya,at dahil sa nagkasakit ang nag iisang kapatid nang ina'y niya na nakatira sa maynila. Nakabalik sila nang Maynila,kung saan dito na siya nagdalaga at makikila ang lalaking una niyang pag-ibig na si Christian at si Syra ang babaeng mortal niyang karibal sa lalaking mahal niya at sa tunay niyang Ama na si Don Federico na kinikilalang ama ni Syra.Marami siyang nararanasang hirap sa kamay ni Syra at sa ina nitong si Mariel.Hanggang sa malaman nila ang katotohanan na siya pala ang matagal nang nawawalang,The Lost Daughter.

Updated at

Read Preview
Only you in my Heart

Only you in my Heart

Reads

Sypnosis Si Heaven Mendez ay isang probinsyana sa cebu, tinutulungan niya ang kanyang ama sa pagpapatakbo nang kanilang maliit na hotel,at isang tourguide sa mga customer nila sa hotel.. Simple,maganda at masayahin si Heaven sa edad na 23 ay hindi pa ito nag kaka boyfriend,no boyfriend since birth ang dalaga.Sakit lang daw kasi sa ulo ang makikipag relasyon. Pero ang tahimik niyang buhay naging magulo nang makilala niya ang dalawang lalaki si Moises King Ricafort at si Joshua Ricafort. Parehong gwapo,matikas at mayaman. Una niyang nakilala sa isla nila,Moises King Ricarfort,na sa unang pagkikita nila ay aso't pusa na ang dalawa.Ngunit sa di sinasadya,isang gabi pareho silang nalasing.Nagising na lamang si Heaven,na hubo't-hubad,at mas lalong kinaiinisan niya ang sarili na ang lalaking kumukulo ang dugo niya sa tuwing nakikita ito ang nakakuha nang matagal niyang iniingatang virginity,sa isang gabi nakuha iyun na isang lalaking Estranghero sa paningin niya.Mas lalong kumulo ang dugo niya sa binata nang subukan siya nitong bayaran sa gabing nangyari sa kanila. Umalis si Moises King Ricafort sa Isla nang dalaga na kinanamuhian niya ito. Lumipas ang isang buwan nang mapadpad naman sa Isla nila si Joshua Ricafort,na sa una nilang pagkikita ay naging malapit na ang puso ni Heaven sa binata,hanggang sa nagkaibigan sila at naging magkasintahan,at naibigay din ni Heaven,ang pagkababae sa lalaking mahal niya.Ngunit tutol ang ina ni Joshua,nagawa nitong ipaglayo ang dalawa.Naiwan si Heaven na umaasang babalikan siya ni Joshua,ngunit lumipas ang ilang taon ay hindi na ito bumalik,ibinaling na lamang ni Heaven ang kanyang atensiyon sa pagpapatakbo nang Resort nila,at sa pag-aalaga nang tatlong taon niyang anak na lalaki. Pero paano kung malaman niya na ang dalawang lalaking yumanig sa tahimik niyang mundo ay magkapatid at isa sa kanila ang ama nang anak ni Heaven. Sino kaya sa dalawang lalaki ang sasabihan niyang,Only you in my Heart.

Updated at

Read Preview

Navigate with selected cookies

Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.